#DM8

2.1K 119 53
                                    

#DM8

Ang issue talaga ni Diamante kahit kailan. Lagi siyang ganyan mag-isip, napakamalisyosa. I just asked because I was curious about him.

I didn't know I couldn't be curious about someone.

Yeah, Ino is just another someone I met around. Nothing special.

"Umamin ka na kasi."

"Ano'ng aaminin ko? Na para ka nang tanga sa kakapilit mo?" iritado kong sabi.

Humagikgik siya habang nagpa-park ng sasakyan. Narito na kami sa car park ng condominium building ni Dwyght. Hindi ko sure kung bakit ako nakakaramdam bigla ng pagkabalisa. My stomach was whirling.

"Sus! Kilala kita—"

"Kilala mo ako pero hindi mo puwedeng ipilit lagi na tama ka sa mga conclusions mo. Hindi ka ako, okay ba, Diamante?" I said scornfully.

"Wait, why are you getting pissed?" mapang-asar na naman niyang kontra.

"Mukha ka kasing tanga, at galit ako sa tanga."

Nakakagalit naman talaga ang mga tanga. Nakikiisa pa 'to si Dia. Nakaka-badtrip tuloy.

"So, galit ka sa sarili mo?"

"Hindi ako tanga—"

"Kung hindi tanga ang magkagusto kay Asta. Ano'ng tawag do'n? Hibang? Baliw? Kulang ang turnilyo sa utak?" halakhak niya at inalis ang kanyang seat belt.

Ganoon din ang ginawa ko at maarteng pinaikot ang mga mata. I ignored what she said. I pretended to be all cool about it.

Kung mag re-react ako, iisipin niyang affected ako kaya lalo niya akong aasarin. Ganyan siya kabwisit.

Inunahan ko siya sa paglabas ng sasakyan. Isinuot ko ang aviators ko at inayos ang buhok habang nakatingin sa reflection ko sa tinted na salamin ng sasakyan. I checked my makeup. It still looked fresh so I didn't need to retouch.

"Ino is a better choice, Capriana," she pushed again.

"Tanong mo muna kung nasa choices ko siya. Masyado ka talagang hula-hula. Bakit hindi mo palitan si Madam Auring? Malay mo 'yon talaga ang passion mo in life," natatawa kong sabi.

"I trust myself. Feeling ko talaga attracted ka sa kanya."

"Sinabi ko na sayo na gusto ko lang siyang pag-tripan dahil para siyang tuta. And he's so lampa."

"I don't believe you. You are obviously attracted when you feel worried. Kung lampa siya, mas lampa si Asta na pabigat sa kanila," patuloy niyang daldal. "Ino's rich-rich too pero hindi niya 'yon ginagamit—"

"Huwag mo akong badtrip-in, Dia. Baka hindi ko matantsa si Dwyght mamaya."

Padabog niyang ni-lock ang sasakyan. Maarte siyang nag-ayos ng buhok bago lumakad papunta sa building at tinigilan ang kadaldalan. Mabilis ko siyang hinabol para sabayan.

I looked gorgeous. I don't need to worry about my makeup. Hanggang mamaya na 'to sa night out uli namin.

Panay pa rin ang pilit niya na may gusto ako kay Ino hanggang sa elevator. She was even talking about how kind and gentleman he is. I was just making faces while listening.

Kung tutuusin ay wala naman akong pakialam. Kahit magkaroon pa siya ng award na Good Samaritan of The Year. Hindi ko siya gusto at gugustuhin.

Alagain masyado ang ganoong klase ng lalaki. Ako pa ang magtatanggol doon, eh. Lampa siya o bano. Ni hindi nakalaban kay Asta. He couldn't even fight back for his drunk friend.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rouge Series #2: Dazed MomentsWhere stories live. Discover now