Alexis
"Idineklara ang Gomez High School ngayon na total lockdown dahil sa nangyayaring outbreak. Pinapayuhan na ang mga tao ay huwag lumabas ng bahay dahil ang outbreak na ito ay pinaghihinalaang dala ng virus, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ano nga ba ang dahilan ng virus na ito. Nagbabalita, Shane Dimagiba."
Pigil hiningang pinakinggan ng lahat ng nasa kwartong ito ang balita na nagmumula sa radyo, ang tanging source of information namin sa mga nangyayaring ito.
"PUTANGINA! total lockdown? nagpapatawa ba ang mga putanginang 'to?!"
"Kumalma ka nga, Mitch, hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng takot"
"KUMALMA? KITA MONG MAMAMATAY NA TAYO TAPOS GUSTO MONG KUMALMA LANG AKO?!"
"E ANO BANG GUSTO MO? KAHIT NA MAGWALA KA D'YAN, WALANG MAGAGAWA YAN, TRAP NA TAYO SA PAARALAN NA ITO AT HINDI NAKAKATULONG ANG PAGWAWALA MO" hinihingal na sambit ni Umie.
Sa totoo lang ay hindi ko masisi si Mitch sa naging reaction niya. Lahat kami ngayon ay nasa binggit ng kamatayan at ilang segundo lamang, maari kaming pasukin ng mga nagwawalang tao sa labas na wala sa sarili, kapag nangyari 'yon ay siguradong sigurado ako na parehas kaming lahat ng patutunguhan.
KAMATAYAN.
YOU ARE READING
School Outbreak
Mystery / ThrillerOutbreak. Iyan ang naranasan ng Gomez High School dahil sa isang virus na kumalat sakanilang paaralan. Sa sitwasyong ito na lahat ay nasa binggit ng kamatayan, tuklasan kung paano sinubukan ng sampung estudyante na makaligtas sa impyernong dulot ng...