Chapter 8 (libro)

261 37 25
                                    

Libro

Arthea's POV

"Ate Schell thank you po, pinagluto mo po si Asha ng masarap na chicken" napaka-cute ni Asha bawat ginagawa namin para sa kaniya ay lagi s'yang nagpapasalamat.

"Welcome bebe Asha namin" Sagot naman ni Zeyschell, habang si Aizeth naman ay nakatitig sa kaniya na di ko mawari kung ano bang iniisip nya.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya mukha kasing di sya mapakali, na parang naiiyak pa.

Napapikit s'ya bago tuluyang tumingin sa akin at ngumiti. "Okay lang ako" aniya.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Parang ayoko pang matapos ang araw na ito, huwebes na kasi bukas, at sa biyernes competition na, at hindi parin naaayos ng mabuti yung kanta namin. Alam kong madali na iyon pero kinakabahan ako kasi anlaking pera nung premyo, at gustong-gusto ko talagang manalo.

"Mamaya, wag ka munang matulog agad, ayusin natin yung kanta" nakangiting saad ko kay Aizeth. "Pero kung okay lang naman" pagod kasi s'ya at baka kailangan na nya munang magpahinga.

"Oo sige, malapit na nga pala 'yon, nawala na sa isip ko" alam ko madaming pinoproblema itong lalaking ito, hindi na kasi s'ya gaya ng dati na laging nagsasabi saakin ng problema nya, ayoko namang pilitin sya magkwento sakin.

"Kuya, tanungin mo si Asha kung bakit s'ya nakatingin sayo" cute na saad ni Asha, lagi nya talagang sinasama ang pangalan nya kahit yung sarili nya mismo ang tinutukoy nya.

"Sige, bakit nakatingin ang bebe Asha sa akin?" Tanggal angas ni Aizeth kay Asha, nagba-baby talk aba. Yung ngiti naman ni Zeyschell abot na naman hanggang tenga. Ang cute nilang tatlo, bagay na bagay maging pamilya.

"Kasi ang pogi mo kuya eh" kinikilig na saad nito, napatingin naman sa akin si Aizeth na para bang nagyayabang dahil sa papuring bigay ng bata.

"Pogi si kuya diba ate Schell?" Tanong ni Asha kay Zeyschell, mukhang may makakatulong na saakin sa pagshi-ship nitong dalawang ito.

"Oo naman, pogi ang kuya...t-tska p-pretty ka" nako nauutal na ang best friend ko, kinikilig na naman iyan. Ngumiti si Aizeth habang nakatitig kay Zeyschell. Kahit kilan talaga nakakainis ang pagmumukha ni Zeyschell wala manlang emosyon, pano magsisimula ang love story nila kung ganiyan.

Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na muna ako sa taas papunta sa kwarto ko para maligo na muna. Matapos iyon ay kinuha ko na yung notebook ko, kung saan nakasulat yung ginawa naming kanta, pati narin yung gitara ko, at bumaba na.

"Nasan si Asha?" Tanong ko ng mapansin na walang tao doon kundi si Aizeth.

"Nandoon na sa kwarto, pinapatulog ni Zeyschell, parang mas gusto nya pa iyong kasama kesa sakin HHHHAH" grabe na nga agad yung closeness ni Asha at Zeyschell.

"Malay mo si Zeyschell na pala yung para sayo" panloloko ko pero bigla nalang s'yang natulala na para bang may napagtanto.

"May nakita akong notebook ni Zeyschell kanina, tapos may mga notes na japanese ang mga word so trinanslate ko. May gusto ba sakin si Zeyschell?" Nagulat ako sa tanong nya pero pinilit kong wag ipakita ang emosyon ko, dahil ayokong pangunahan si Zeyschell.

"Aba malay ko" kinuha ko nalang ang gitara para wag na niyang isipin iyon.

"Kasi kung gusto nya ako... Baka hindi ko maibalik yung nararamdaman nya." Napatingin ako sa kaniya, kita ko sa mata nya ang kalungkutan na para bang takot na takot na makasakit ng tao. Sa kabilang banda ay nalulungkot din ako para kay Zeyschell kasi gustong-gusto nya si Aizeth. Ayoko namang sabihin kay Zeyschell na ayaw sa kaniya ni Aizeth kasi masasaktan yun ng todo.

When Words Collide Where stories live. Discover now