Chapter 3

13 0 0
                                    

NAKARATING na sila sa harap ng GLU at nakita nila ng malapitan kung ano ang disenyo ng school na ito. Lima ang hagdan nito sa harap na napaka haba. May apat itong poste na bilog at ang bawat poste ay may magarang desenyo den. Sobrang puti ng kulay ng pintura nito at kumikinang sa kinis ang malalaking tiles nito na kulay itim na may disenyong guhit na ginto. Ang bawat grills ng bintana ay kulay ginto at ganon narin ang bawat hawakan ng hagdanan sa kada floor ng unibersidad. Naglalakihan at mamahaling chandelier ang nakasabit sa itaas ng kisame sa bawat silid. Naputol ang pagka mangha nila nang biglang bumungad sa harap nila ang Examiners na hinampas ng meter stick ang table.

Napatahimik ang lahat at gulat na gulat si Carlo at Si Zephanie samantalang si Lorilly naman ay ine enjoy ang pag lilibot sa buong unibersidad dahil meron naman itong pambayad sa school na ito.

Tumawa ang lahat ng nasa loob maliban sa guro at 2 bagong dating na hiyang hiya dahil late silang dumating.

Natigil ang tawanan ng biglang sumigaw ng... TIGILLLLLLLL!

OH! Kayong dalawa!
Nahuli kayo ng 0.5 second! Pero maswerte paren kayong dalawa dahil last two chairs na lang ang meron sa silid na ito. At mukang sa inyong dalawa na lang yan.

Nakatitig lang sila sa examiners na parang hiyang-hiya sa nangyare.

Oh bat nakatayo pa kayong dalawa! You may take your seat! ( Utos ng examiners)

Get your pencils!
Get one and pass!

You have only 1 hour to answer any questions you read on your test paper.

Put your name, number and emails on the top of the test papers. Diyan namin kayo kokontakin pag pasado kayo sa entrance exam.
500 question iyan at kailangan niyong masagutan yan lahat sa tamang oras and be careful.
At Kapag nagkamali ng sagot, yun na yon. Bawal nang magbago kaya dapat bago kayo mag sagot diyan basahin at unawain naman ninyo ng ayos. Ipinagbabawal ang mag kuwentuhan walang second chance dito pag nakita ko kayong nag gayahan automatic kukunin ko yang test papers nyo at pupunitin at umuwi na kayo sa bahay nyo!. Kapag sinabi kong pens down ibigsabihin lang non na natapos na ang 1 oras nyo para mag sagot. At lahat ng makikita kong nagsasagot paren kahit tapos na ang oras ay wala kayong pinag-kaiaba sa mga nag cheat! Maliwanag ba?

Applicants - Yes Ma'am.

Okay! You may start (sabi ng examiners)

Napuno ng katahimikan ang buong silid dahil focus ang bawat isa sa pagsasagot at ayaw nilang magkamali kahit isa dahil opportunity na ito upang makapasok sa unibersidad na ito at maipagpatuloy ang hinahanggang school. Sobrang pressure ang mararamdaman mo dahil lahat ng nasa loob ng silid ay tapos bilang Validictorian sa huling school na pinasukan.

Natigil ang pagsasagot ng lahat ng uminik ang teacher.

Pens Down!

Nakita ng examiner na nag sasagot pa ang naka upo sa seat 5. Tagaktak ito ng pawis at kabadong-kabado. Kinuha ang test paper nya sabay punit nito sa harap ng applicant at lahat ng nasa loob ng silid. Humagulgol na lang ng iyak ang may ari ng papel sa pagkakabigla at dismaya nito. Hindi nakinig sa rules! (galit nitong sabi)

Pass your paper in front ng walang tumatayo at walang ingay!

Pagkabilang ko ng lima at wala pa sa una lahat ng test paper ninyo unuwi na kayo at mag saing na lang ng tanghalian.

Mabilis nag pasahan ang lahat...

Isa.... Dalawa...Tatloooo...

Goods. Lahat naba nandito?

Applicants: Yes Ma'am.

490/500 ang tinatanggap namin bilang pumasa sa pagsuaulit na ito the rest na mas mababa diyan, bagsak na kayong lahat at better luck next time!

My Enemy Turns to Lover Donde viven las historias. Descúbrelo ahora