Pagdating ng tanghalian ay inilabas ko na ang adobo ko at ibinigay kay Yasimin ang isa.

"Thank you" ngiting sabi nya at binuksan kaagad para tikman.

"Ano bang tawag dito?" tanong nya sa akin habang ngumunguya.

"Chicken adobo, filipino dish" sagot ko naman sa kanya. Hindi muna ako kumain dahil ihahatid ko pa kay Sir Furkan ang adobo ko.

"Sige na dalhin mo na yang hawak mo sa kanya, tingnan natin kung ano ang reaction nya" pang-aasar na naman nya sa akin.

Mapang-asar din 'to e.

Kumatok muna ako bago ko pinihit ang doorknob, bakas sa mukha nya ang pagtataka nang makita nya ako doon at tumuon ang paningin nya sa bitbit ko na adobo.

"Sir, for you, it's chicken adobo" nakangiting sabi ko at maingat na inilapag sa kanyang harapan.

"For what?" nagtatakang tanong nya.

Medyo nawala ang ngiti ko ng makita ko na parang hindi sya interesado sa binigay ko sa kanya.

"As a thank you for saving me last day" nakayukong sagot ko dahil medyo nahihiya na ako, sana pala hindi na ako nag effort pa kase parang hindi naman nya bet.

"It's like you forgot that my business is a restaurant, so you give me food?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at  may point naman sya sa sinabi nya, oo nga no? Bakit kase pagkain pa gayong mas masarap ang food nya kesa sa niluto ko na kahit ako ay hindi kumbinsido.

Hay, ang hirap pasayahin ng mga tao. Lihim na panaghoy ko, sabay talikod bitbit ang adobo ko palabas.

"Sorry sir, sige po lalabas na ako" at mabilis ko na nilisan ang office nya.

Kung ayaw nya, edi wag!
uulamin ko pa ito mamayang gabi, tipid na rin.

"Anyari?" tanong kaagad ni Yasimin.

Umupo ako sa harap nya at nangalumbaba "Hindi nya tinanggap ang adobo ko" malungkot na sabi ko sa kanya at para na akong iiyak.

"Kami hanim, pinapatawag ka ni sir sa office nya" kasamahan naming waiter.

Nagkatinginan kami ni Yasimin, kabado ako at samantala sya ay gumuhit na naman ang nakakaasar nya na ngiti.

"Tigilan mo ako Yasimin a" pagbabanta ko sa kanya.

"Oh, bakit defensive ka. Wala naman ako sinasabi?"

"Wala nga, but actions speak louder than words" at inirapan sya.

"Hadi! bahala ka, mainip yon kung tatagalan mo dahil nagdedefense ka pa" at itinulak nya pa ako palabas ng kusina. Nag roll eyes nalang ako bago tumalikod.

"Yes, sir?"  tanong ko kaagad pagkapasok sa office nya.

"Where is the food you were going to give me?" he said while crossing his hands in front of his chest.

"It's in the kitchen, I thought you didn't want it" I said in a shy tone.

"Did I say something I don't like? I didn't even finish speaking earlier and you turned around. You have no respect for someone older than you"

Natigagal ako sa sinabi nya, at tama naman sya, wala naman syang sinabi na ayaw nya. Masyado lang siguro akong judgemental or wala lang talaga akong bilib sa cooking skills ko?

Pero medyo humanga din ako sa kanya kase kahit arogante sya ay andun pa rin ang pagiging humble nya kase kung ibang tao ito ang sasabihin nyan sa akin ay ganito.....
'You have no respect for the owner of your workplace'

O, diba? Ang mga ganyang klase ng tao ay mapagmalaki sa sarili kahit hindi naman talaga kalakihan, nakakalamang  lang ng isang tabo.

Pweeeee!

Pero sya iba ang sinabi nya.
'You have no respect for someone older than you' mas lalo tuloy lumaki ang respeto ko sa kanya bilang boss ko.

Agad ako na bumalik sa kitchen at kinuha ang adobo ko.

"See, i told you"  pang-aalaska ni Yasimin.

"Fyi, wala kang sinabi" taray ko sa kanya.

Pero nag roll eyes lang sya at kinurot ako sa tagiliran.

"Ouch!" napaigtad pa ako sa sakit

"Ang manhid mo" sabi nya sabay talikod.

Dinala ko na ang adobo ko at nagsama pa ako ng kanin, kahit hindi naman sila nagkakanin pero malay natin diba? Baka pati kanin ay papatusin nya.

Pagbalik ko sa office nya ay malinis na ang harap ng kanyang table kaya marahan kong inilapag ang mga dala ko sa harap nya kahit kabado ako at ingat na ingat kase naman mga te, sobrang lapit ko lang sa kanya at naamoy ko ang pabango nya.

Well, tahimik kase sya habang ginagawa ko iyon kaya hindi maiwasang nanginig ang kamay ko.

Hindi ko maayos-ayos ang ginagawa ko dahil sa panginginig, nagulat pa ako ng hinawakan ni sir ang kamay ko at kinuha nya ang nasa kamay ko at sya na ang gumawa ng dapat ako ang gagawa.

"When you touch something hot, don't immediately touch something cold"

Napatitig ako sa kanya na naguguluhan. "W-what do you mean sir?"

"Your hand will spasm"

Napahawak ako sa kamay ko na nanginginig pa rin.

"I see"  yon nalang ang nasabi ko, napansin nya pala ang panginginig ng kamay ko.

"Why are you standing? Sit down" turo nya sa upuan na nasa harap ng mesa nya.

Although hesitating, I sat down in front of his table. I read his facial reaction while eating my adobo. Medyo pasado naman yata kase panay subo nya with lots of rice.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now