Prologue

25 1 0
                                    

"Ano naman yang mga titig na yan huh? Ayan na naman tayo sa paganyan ganyan ehh, walang araw na di mo pinagmamasdan yang lalaki na yan kung ice cream lang Yan naku matagal ng natunaw yan sa mga titig mo" Pagtararay na sabi ng kaybigang kong si Reese nasa likod ko na kakagaling lang sa canteen.

"Ehh ano naman ang sarap nya kayang pagmasdan" Pagtatanggol ko sa aking Sarili at tumingin sa direksyon nya.

"Tsk.Pairap nyang Sabi at umupo sa aking tabi .

Launch time namin Ngayon at nandito kami sa basketball gym kung saan nanonod kami ng kanilang training .

"Alam mo kung tititigan mo lang sya walang mangyayari dyan better yet mag confess ka na" .Pagpupumilit nya

"Are you out of your mind?.Pairap kong tanong na napatingin sa kanya." Do you think pag sinabi ko yon anong magiging reaksyon nya? Baka mamaya magalit pa sakin ang buong school kapag nalaman nila ehh halos lahat ng babae dito may gusto sa kanya".Medyo inis kong Sabi.

" Kung sa bagay ",Napabuntong hininga siya , "grabe naman kase sa kagwapuhan yang lalaki na yan ehh halos lahat yata, pati mga teachers nag kakagusto dyan" May ngiting pagkakasabi nya."

"Ang hirap magkagusto sa gwapo noh? Ang dami mong kaagaw" Malungkot kong Sabi

"Ehh ikaw naman kase I told you before na tigilan mo na yan, ang lagay tuloy admirer from afar ka nalang walang chance"

She's right hanggang admirer from afar na nga lang ako sa bagay sino ba naman kase ako para magustuhan nya diba?, di ko sinasabing pangit ako huh maganda din naman ako kaso di nga lang katulad ng ibang babae na talagang maganda at isa pa di din ako katalinuhan sakto lang.
After a little moment we decided to go in our classroom natapos na din kase ang training nila tapos malapit na ding dumating yung 5th period namin sa hapon which is Pre calculus for those who asking Im Krishna Candice Mallari im grade 11 stem student as usual ang akala ng iba kapag stem matalino except sakin di ko nga alam kung paano ako napunta sa stem ehh ang alam ko lang gusto kong maging Engineer at nagkakagusto sa isang lalaki na hanggang admirer from afar nalang.

After a couple of minutes dumating na yung teacher namin sa Pre calculus which is si ma'am Pabello ang terror naming teacher kaya ang maingay na classroom ay naging tahimik nag sibalik sila sa kanilang mga upuan na animoy napaka bait.Tumayo kami at binati sya.

Chorus: "Good afternoon ma'am Pabello it's nice to see you today" .we said it politely then we sat on our chairs.
"So before we proceed to our class as you heard your name say present". Ma'am Pabello said.

Habang binabanggit ni ma'am Pabello ang attendance napansin kong nakatingin sakin si Ethan na ikinakunot ng ulo ko.

" Bakit ka nakatingin"? Nakakunot kong pagtatanong.

"Wala lang, bakit masama bang tingnan ka?may bayad ba Yung pagtingin sayo"? Kalmado nyang saad at tumingin sa pisara.

He is Ethan Sariego he's been my friend since I was a kid,simula daycare kaklase ko na sya until I decided to study under stem ay kasama ko pa rin sya were close super we know the strength and weaknesses of each other kaya madali kaming naging mag kaybigan.But sometimes it's hurts in my ears paano ba naman puro sya pang aasar sakin pero ok lang kase bumebenta naman sakin.

Habang tinatawag ni ma'am ang mga kaklase ko napatingin ako sa likod then napansin ko na wala ang dalawang nakaupo doon pero nandon ang bag na ipinagtaka ko.

"Saan na sya? Bakit wala pa rin sya nasa basketball gym pa kaya sya? Ehh diba tapos na training nila?".Pagtatanong ko sa aking Sarili.Until

"Asher Cohen Carson?" .Pagtawag ni ma'am sa pangalan, " He's present "? Nakataas na kilay na tanong ni ma'am.

"Wala po dito maam, pero nandito po ang bag".Saad ng isa kong kaklase.

Napangiwi nalang si ma'am halatang naiinis." Connor Blaire Fortierro".Tawag ni ma'am sa pangalan pero walang nagsasalita.

"Hayss nasan na ba kase sya bakit wala sya, ano ba di ba sya papasok?".Pag aalala kong wika sa Sarili ko.

"Chilax ka lang dyan Krishna", nakangiti nyang Sabi na tumingin sakin." Darating yon nalate lang ikaw naman masyado kang maaalahanin sa kanya".Saad ni Ethan

Di ko pinansin ang sinabi nya at bagkus ay tumingin ako sa pinto ng classroom umaasang darating sya, Ewan ko ba Yung worryings ko for him ang OA na, hanggang sa inulit ni ma'am ang Pagtawag sa pangalan nya na may inis sa boses.
"Conner Blaire Fortierro".Maam Pabello said. Sa pangalawang banggit sa kanyang pangalan ay lumitaw mula sa pintuan ang imahe ng dalawang tao at ang isa dito ay nagsalita.

"Present ma'am" Itinaas nya ang kanyang kamay at pumasok at naupo sa bandang hulihan kung saan sya nakaupo.Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa kanya kase syempre alam nyo na kung bakit .

Sya,sya si Conner Blaire Fortierro ang hearthrob ng campus na ito at ang pinakababaliwan ko sa lahat Ewan ko ba sa Sarili ko kung bakit gustong gusto ko sya Yung tipong gusto ko lagi ay nakatingin sa kanya,Sa bagay di na ko mag tataka kung bakit dahil gwapo, matangkad,maputi, makisig ang katawan, at ang mala bughaw nyang mga mata at higit sa lahat napakatalino din nya, ang rinig rinig ko mayaman daw ang pamilya nya pero nagtataka ako kung bakit sa public school sya nag aaral, nang dumaan sya sa gilid ko ay naamoy ko ang pabango nya kaya naman heto ako sunod ng tingin sa kanya,pero ng umupo na sya ay tumingin sya sa gawi ko alam nya siguro na nakatingin ako sa kanya, kaya naman umiwas ako ng tingin at ibinaling ko sa pisara para kunwari walang alam .

" Ma'am I know naabsenan nyo na ko, but I'm present" Bibong wika ni Asher na nakataas ang kamay . At nag umpisa na ang klase hanggang sa mag uwian.

I Admire You From Afar Where stories live. Discover now