Tahimik lang syang nakikinig sa akin habang nagkukwento, naiilang tuloy ako sa mga titig nya sa akin. Kase naman, gwapo din sya kaya lang maputi which is hindi ko bet gusto ko pa rin ang moreno katulad ni ano......... 'lams nyo na yon kung sino ang tinutukoy ko.

'So, you're alone here?" sabi nya na medyo lumamlam na ang awra, hindi katulad kanina na madilim.

"Yes" tumango ako ng marahan sa kanya.

"Ok, tomorrow you won't wash in the kitchen, because you don't seem to know anything about washing"

Ouch! matalim din pala ang dila ng turko na'to.

"What am I going to do tomorrow, sir?" I asked him.

"Serve customers, be a waitress"

"What?! How dare you, to make me your mistress?

Sigaw ko sa kanya, kase naman diba, hindi porque muslim sya ay idagdag nya ako sa mga asawa nya.

Napataas bigla ang tingin nya sa akin at nag smirk. "Miss, El Farma. Waitress, not mistress"

At tuluyan akong napahiya, paano ba naman diba? Magkatunog ang Mistress at Waitress pero ganon pa man ay nabuhayan ako sa sinabi nya kase diba, mahirap mawalan ng trabaho sa ngayon. Atleast binigyan nya pa rin ako ng second chance despite my turbulence.

"And not all muslims marry a lot" he said coldly.

Aba, malay ko ba at isa pa hindi nya naman kailangan pa sabihin ang huli nyang sinabi.

Kinabukasan ay sabay na kami na pumasok ni Yasimin, parehas na kaming waitress.

"Kiz, galingan mo a." sabi sa akin niYasimin, nasa locker kami at nagpapalit ng damit pang waitress.

"Syempre naman" masiglang sabi ko sa kanya at nag appear pa kaming dalawa. Maganda rin kasama si Yasimin, mabait at maunawain.

Smooth naman ang pag assist ko sa mga customers at gusto ko ang position na ito kesa maghugas ako ng mga plato.

Dumadami na ang mga tao hanggang sa mapuno na ang restaurants ng customers, hindi na magkandaugaga ang lahat sa pagserve sa kanila. Naramdaman ko na rin ang pananakit ng mga tuhod ko at binti, wala rin kase akong upo mula pa kaninang umaga hanggang sa magtanghalian na.

Bitbit ko ang order ng isang customers ng bigla akong matapilok sa sandals na suot ko, na out of balance ako kaya ang mga food na bitbit ko ay tumapon sa customers na kaharap ko.

I fell at the feet of the customers, I could clearly see the shoes they were wearing on the floor. I could almost kiss their feet as I fell down so close. Pakiramdam ko napakababa at napakaliit kong tao ng mga oras na iyon.
Wala akong ibang narinig kundi mga bulung-bulungan. Mabilis ako na kumilos at dinampot ang mga food na nagkalat sa sahig, tumulo ang luha ko habang dinadampot ko isa-isa at ibinalik sa tray na hawak ko. Hindi ko tinitingnan ang mga customers dahil natatakot ako at nahihiya sa kapalpakan ko.

Pati ang uniform na suot ko ay puro na mantsa ng pagkain, nasa gitna ako ng mga taong kumakain at ramdam ko ang mga mapanuri nilang tingin sa likod ko. Nakita ko ang iilang karne ng baka na tumilapon, ginapang ko ang mga 'yon at dadamputin ko na sana ng may pumigil sa kamay ko.

Hilam sa luha ang aking mga mata ng mapatingin ako sa may-ari ng kamay na hinahawakan na ang kamay ko, sinalubong nya ang mga mata ko at laking gulat ko na si sir Furkan pala iyon. Hinila nya ako patayo at sa gitna ng mga customers na kumakain, sa harap ng staffs, sa lahat ng mga taong naka-saksi sa kahihiya  ko ay mahigpit ako na niyakap ni si Furkan.

Nagulat man ako sa ginawa nya pero dahil sa kahihiyan na inabot ko ay itinago ko ang mukha ko sa dibdib nya. Pakiramdam ko safe ako doon kaya mas lalo kung isiniksik ang mukha ko para takasan ang mga mapanuyang tingin sa aming paligid. Naramdaman ko ang pag-alo nya sa akin na mas lalo kung ikinaiyak at iginiya nya ako paalis sa nakakahiyang sitwasyon na yakap pa rin ako at parang pino-protektahan laban sa kahit kanino man.

Dinala nya ako sa office nya at iniwan ako doon at bigla syang umalis, makalipas ang ilang minuto ay bumalik sya na madilim ang kanyang mukha.

Nagtaka ako nang lumuhod sya sa paanan ko at biglang tinanggal ang sapatos ko at binali ang takong at malakas na ibinato sa dingding.

"Sir, yapma!" pigil ko sa kanya dahil wala na akong sapatos na maisusuot kase nga nagtitipid ako tapos sya binali lang.

Napaigtad ako sa lakas ng impact, hindi pa rin maampat ang mga luha ko. Tahimik lang sya habang tinitingnan ako ng masama. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nyang namumula sa galit kaya napayuko ako. Tanda ng pagpakumbaba at paghingi ng kapatawaran sa aking kapalpakan.

"Sir, pardon, i did not mean"  hinging paumanhin ko sa gitna ng mga hikbi.

"How much more shame can you do here?" galit na sabi nya.

Hindi ko sya masisi kung ganon ang naging reaction nya kase mantakin mo, sikat ang restaurant nya tapos may empleyado sya na aanga-anga. Nakakahiya talaga 'yon!

"Sir, sorry" ulit na hingi kong paumanhin, sorry nalang ang tangi kong magagawa.

Lumapit sya sa akin at lumuhod ulit sa harap ko, kinuha nya ang panyo na nasa coat nya at pinunasan ang mga kamay ko na puro mantsa ng mga food na galing sa pagdampot ko kanina sa sahig.

Nasa ganon kaming position nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang magandang babae na may kawak na isang bata at tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya.

Sabay pa kaming nagulat ng makita sila at dumako ang mata ng babae sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng isa nyang kilay at pagdilim ng kanyang mukha nang dumako ang paningin nya sa mga kamay namin ni Sir Furkan na magkahawak.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now