"Hindi ako, pero siya oo," tapos tinuro niya 'yung kasama niya. Isang lalaki na matangkad, gwapo at ang ganda ng katawan, parang modelo. Nang magsaboy ata ang Diyos ng kagandahang lalaki, mulat na mulat siya at bukas palad niyang sinapo lahat ang biyaya ng Diyos. Matangos ang ilon niya, natural na mapula ang labi, makinis ang balat at maputi, pero ang pinaka-napansin ko sa kanya ay 'yung maganda niyang mga mata.

"Ano ba 'yan? Patingin nga," sabi ng gwapong lalaki sabay hablot ng papel na hawak ng kaibigan niya. Kunot-noo niya itong binasa. Pagkabasa niya, tiningnan niya ako, "Ikaw ba si Tina?" tanong niya sa akin.

"Oo," sagot ko habang patango-tango pa.

"Saan ba 'to, 'tsaka magkano ang rent?"

"Ah a-ano malapit lang dito sa school, pwedeng mag-tricycle o kung masipag ka maglakad pwedeng lakarin. 2000 'yung rent, kaso ayoko ng roommate na lalaki."

Nagsalubong ang mga kilay niya at seryoso niya akong tiningnan. "Ayos ka rin." Patango-tango siya habang nagsasalita. "Sinagot mo lahat ng tanong ko pero ayaw mo naman pala ng roommate na lalaki. Para saan pa 'tong pag-uusap natin? You're wasting my time. At saka miss, wala kang dapat ipag-alala. You're not my type." Ay galit si kuya at ang yabang pa! Gwapo pa naman siya pero ang ugali naman ang gaspang. Eh ano'ng magagawa niya, dalagang Filipina ako. At utang na loob, 'di rin naman mga tulad niya ang tipo ko. Kapal niya!

"Ay teka lang pogi, kakausapin ko lang 'tong friend ko," sabay hatak sa akin ni Mia.

"Ano ka ba Tina? Ayan na 'yung solusyon sa problema mo, tumatanggi ka pa? At 'di mo ba kilala 'yang kausap mo?"

"Hindi. Bakit? Dapat ba kilala ko siya? Sino ba 'yan?" Pero sino nga ba 'tong hambog na 'to? Anak ba siya ng presidente? Prinsipe ba siya sa isang kaharian? Sino ba siya? Importanteng tao ba?

"Siya lang naman si Samuel Blake Garcia, ang pinakasikat na estudyante rito sa school. My God Tina, sobrang swerte mo kung magiging roommate mo 'yang gwapong lalaking 'yan. Lahat ng babae rito sa school paniguradong maiinggit sa 'yo, kaya pumayag ka na."

"Kung sikat siya, bakit hindi ko siya kilala? At bakit parang mas excited ka pa sa akin? Palit na lang kaya tayo ng bahay gusto mo?"

"Ay gaga ka talaga." Mahina akong hinampas ni Mia sa balikat. "Namimilosopo ka pa."

"Matagal pa 'yang kwentuhan niyo d'yan?" masungit na tanong nitong Blake.

Sabay kaming napatingin ni Mia kay Blake. "Ano girl? Ayaw mo ba talagang makasama 'yung ganyan? Gwapo, matangkad, mayaman, mabango at parang ang tigas ng ano... ng muscles niya. Gusto ko i-touch."

Tiningnan ko uli si Mia at pabirong hinawakan 'yung baba niya, "Laway mo. Natulo."

Tinapik niya 'yung kamay ko. "Gaga ka talaga. Pero seryoso, ayaw mo ba talaga? Papaalala ko lang sa 'yo, ilang linggo lang bayaran na uli ng tuition at ng upa mo. Wala ka nang oras mag-inarte." Monthly kasi ang pagbabayad ko ng tuition dahil hindi naman kaya ng mga magulang ko na isang bigayan lang.

"O siya. Sige na. Payag na 'ko," sagot ko. Pasalamat 'tong Blake na 'to at matindi ang pangangailangan ko, kung hindi, 'di talaga ako papayag!

"Okay na. Payag na siya." Nginitian ni Mia si Blake at nag-thumbs-up pa siya.

"Good."

"One month deposit at two months advance. Payag ka?" tanong ko.

"Sige, pero dapat makita ko muna. 'Pag okay sa 'kin ibibigay ko agad 'yung bayad." Aba, 'yan ang gusto ko. Mabilis pagdating sa bayaran.

Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)Where stories live. Discover now