When she told me she knew Kylei, that’s when I realized that maybe she’s the family friend that Jairus said to me years ago. No’ng mga panahong sinasabi niyang may crush siya kay Kylei mula nang ipakilala siya ng best friend nito sa kaniya.

Of course I know he likes Kylei, but there’s no way I’ll introduce them to each other. Mamaya saktan niya pa si Jairus, baka mahila ko ang buhok niya sa runway.

“Just go, Mil. This isn’t the time to meddle,” I heard Cairus say to her while insisting that she should just go.

That kinda hurts huh . . . to be pushed away because you’re not part of anything.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, makakasakal siguro ako ng isa sa kanila kapag may oras. They’re rude. They don’t care about other people’s feelings. Cairus and Zairus, they’re both the same.

“I’m sure you already know why I asked you here, hija,” tita started talking.

Lahat kami nandito. Hindi ko alam kung bakit pa kailangan ng presence nina Cai at Jai rito. Mukha tuloy nang-aaning ang isa habang may multo ng ngisi sa kaniyang labi dahil inaasar ako. Of course he knows about this since the beginning. Talagang harap-harapan niya pa nga akong tinanggihan na maging asawa niya. Ayaw niya raw because he’s for someone. Mukha ba akong may pakialam?

Pare-parehas kaming nakaupo sa sofa. Magkatabi kami ni Zairus, habang nasa harap naman namin ang apat. Para kaming nasa interview, at hot seat kami sa mga oras na ‘to.

“Yes, tita . . .” I answered politely.

Tumingin siya kay Zairus na nagtaas pa ng kaniyang kilay. Nababagot at hindi alam kung ano ang ginagawa niya roon.

“Your mother and I both agreed to this, before she died . . . ipinakiusap ka ulit niya sa akin at ang sabi niya ako na raw ang bahala sa ‘yo. I just can’t take down my best friend, that’s why I want to push this. Kahit para sa na lang sa kaniya,” dagdag pa niya.

I sighed. “We don’t really need to do this po. Ayos naman po ako at . . .  kaya ko naman na po ang sarili ko. Hindi na ako bata.” Tumingin ako kay Zairus na bored lang na nakatingin sa akin. “Saka . . . ayaw ko naman pong matali ang anak ninyo sa isang bagay na hindi niya gusto.”

“Who told you I don’t like you?” he asked but when he realized what he said, napahinto siya at binasa ang labi. “I mean, I don’t like it.”

Napatanga sa kaniya ang mga kapatid. Nangiti naman si Tito Cain maging si Tita Meryll. Jairus wanted to laugh kung hindi lang siya pinipigilan ng panganay.

“It’s not a problem with my son, Raya. Mukhang hindi na rin naman siya makakahanap ng iba, and I think you are the best for him.”

“He has a lot of choices po . . .”

“I only see you. There’s no other choices . . .” he uttered.

Gusto kong pumikit nang mariin at sampalin ang sarili dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. He wasn’t like this. Anong nangyayari? Does he really want this wedding? Gustong-gusto niya ba talagang makalimutan ang ex niya kaya kahit ayaw niya sa akin ay ayos lang para magamit niya ako? To forget his fucking ex?

Hindi ako gamit.

“Hindi naman talaga natin kailangang gawin ‘to. I’m sure my mother won’t mind anymore. Huwag na lang nating ipilit,” sabi ko sa kaniya.

He raised an eyebrow at me. “We already talked about this, right? What made you change your mind?”

“Let’s just be . . . you know, serious. Hindi naman natin kailangan ang isa’t isa,” sagot ko.

Para bang kaming dalawa na lang ang nandito ngayon. Palipat-lipat sa amin ang mga tingin nila na parang nagulat pa at may pinag-usapan na kaming iba bago rito.

Nanahimik siya, pero tila buo ang loob ng mag-asawa na ituloy namin ito, dahil nga sa pakiusap ni mommy. I know tita really loves my mother so much because they’ve been friends since they were kids. She respected her in everything. And I knew before that tita didn’t like my father for my mom, because she knew he will just hurt her, and she’s fucking right.

But because my mom loved him, she let her because she wanted her to be happy.

Mahal ni tita ang mommy ko, na hanggang ngayon handa siyang pagbigyan kung ano ang hiniling ni mommy.

Hindi ko na alam kung para saan pa pero sigurong talagang kahit wala na ang mommy, tutuparin niya pa rin ang hiling nito.

Pero hindi ba’t may karapatan naman akong humindi dahil buhay ko naman ang pinag-uusapan hindi ba?

“My son wants it, hija. He even talked to me about this. Gusto niyang ituloy . . .” si Tito Cain.

“So you’ll force me po? Kahit ayaw ko, pipilitin n’yo ako?”

“It’s not like that.” He sighed, and looked at tita and then at Zairus. “But if you don’t really want to—”

“She wants it. Napag-usapan na namin ‘to,” putol ni Zairus sa kaniyang ama.

I am very sure that this conversation wouldn’t end well if we won’t stop talking. Mukhang parehas naming ayaw magpatalo ni Zairus.

Oo nga naman at napag-usapan na namin ang tungkol dito. Anim na buwan. Anim na buwan lang naman. Kakayanin ko naman, ‘di ba?

Gusto kong matawa sa sarili. Kanina lang ay sigurado akong kakayanin ko. Bakit tila ngayon ay nagdadalawang-isip na rin ako?

“Six months, tita, to think about this. Ako po mismo ang babalik sa inyo para sabihin kung gusto kong ituloy o ayaw ko pa rin,” sabi ko na bumuhay sa pag-asa niya. “I . . . we want to try if this will work. Ibigay n’yo muna po sa akin ang anim na buwan.”

Napaahon nang kaunti ang katabi ko dahil sa naging sagot ko. I don’t know why he badly wants this. Siguro nga para gamitin ako. Tanga ba ako para magpagamit? Hindi. Kaya sa anim na buwan na susubukan namin, pahihirapan ko siya. Pahihirapan ko siya hanggang sa magsisi siyang ginusto niyang gawin namin ‘to.

I want him to regret that he pushed me to do this with him. Siya mismo ang aayaw sa sarili niyang pakana.

We still talked about it. Tita thanked me for being open. Do I have a choice? Iniipit nila ako pare-parehas sa sitwasyong ayaw ko.

“I’ll drive you home,” Zai offered when I was about to go home.

“I’ll just hail a cab,” I answered shortly.

“So do you trust a stranger more than me?”

I looked at him, throwing a death glare. “Now isn’t the time for your games, Zairus. Tigilan mo muna ako.”

Napaangat ang kaniyang kilay. “Hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo. You’re not a toy, Raya.”

Sarkastiko akong tumawa. Mabuti na lang at kaming dalawa na lang ang narito habang palabas ako ng bahay nila kaya wala nang ibang makakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.

“Now you’re saying that, eh halos ipamukha mo nga sa aking gusto mong ituloy ang kasal para gamitin ako?!”

Napatigil siya at tumingin sa akin. Mata sa mata. Walang may gustong bumitiw sa titig. Ngumisi siya sa akin at umiling.

“It’s that what you really think, Rai? What if I really like you?” he asked.

Rai . . .

What if I really like you?

Baliw!

“Tigilan mo muna ako kahit ngayon lang! Gusto kong mag-isip,” naiinis kong sabi.

“Sure, baby, you can . . . after I drive you home,” he said coolly. “Hayaan mo na lang muna akong ihatid ka ngayon, tapos hindi na muna kita kukulitin. I know this is a lot for you kaya, I’ll give you space for a while. Just let me send you home.”

I don’t have time to argue anymore, kaya para manahimik siya, tumango na lang ako.

This setup sucks already!

Villaverde Brothers Series 3: Marrying the HeartlessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora