Chapter 50: Doubt

Start from the beginning
                                    

Kung sakali sana na may puso ang nag-asikaso noon, hindi kailanman mararanasan ng mga ito ang magutom at mawalan ng maayos na tirahan. Bukod sa mga titulo ay may mga larawan din na naroon na nakalagay sa anim na ziplock. Bawat ziplock ay may kanya-kanyang pangalan.

Nasa pinakabungad ang taong nagmamahala ngayon sa farm. Katulong ito ng mga kapatid ng kanyang mother-in-law sa pagpapahirap sa mga magsasaka.

Si Antonio Sandoval.

54 years old at kumpare ng tiyuhin nila Arya.

15 years ago, nagpautang ito sa mga magsasaka ng mga punla. Nagpautang ito nang nagpautang at ang tubo na ibinibigay nito ay limang beses ang taas kesa sa karaniwang tubo na dapat ibigay. Hanggang sa mabaon na lang sa utang ang isandaang pamilya na nagrerenta sa palayan ni Ginang Aria.

Kung noon ay naghahati ng 40-60 ang magsasaka at si Ginang Aria, ngayon ay nasa kamay nang lahat ng mga Rivera ang 100% na kinikita ng mga magsasaka.

Kaya bukod sa pagiging alipin, halos wala nang makain ang mga ito.

At kung bibigyan man sila ng isang sakong bigas ni Antonio Sandoval, idinadagdag nito iyon sa utang ng mga magsasaka.

Sa unang taon na pamamahala ni Antonio ay maayos pa ang lahat. Pero nang sumapit sa pangalawang taon, doon na siya nagsimulang maningil, mangikil at pinagbabantaan pa nito ang pamilya ng mga magsasaka na nais lang naman magtanim at mamuhay ng payapa at may dignidad.

Maraming ebidensiya sa loob ng ziplock na magpapatunay sa mga krimen at pagmamaltrato na ginawa ni Antonio Sandoval.

Tuluyan nang nawalan ng ganang kumain si Ssmantha. Ibabalik na sana niya sa loob ng ziplock ang mga larawan nang may makita siyang puting papel.

Look for Chief Inspector Silang, and tell him to call Atty. Pilar. She's our lawyer. Here's their number.

Sa ibaba ng mga pangalan ay may mga cellphone number na nakalagay.

Huminga ng malalim si Samantha. Mukhang wala naman siyang gagawin doon kung hindi ang magmasid lang. Dahil ano pa ang gagawin niya kung gumawa na ng legal action ang magaling niyang asawa?

Hindi niya tuloy mapigilan ang mapaisip.

Kung inalis na ng mga Syquia ang impluwensya ni Arem, paano ito nagkaroon ng koneksyon sa matataas at maimpluwensyang tao?

Tiningnan ni Samantha sa mapa na ibinigay ni Arem kung nasaan ang police station, at noon niya lang napansin, nakalagay na doon ang mga lugar na pupuntahan nila. May note din sa baba kung anong daan ang mas magandang lusutan, at kung paano makakapunta sa police station, sa Rivera Rice Fields and Rivera Farm ng hindi na siya naliligaw.

Napasipol na lang mentally si Samantha. At least, her fake husband is considerate and thoughtful.

"Saan na tayo, ate?" Excited na tanong ni Arya.

"Busog na ba kayo?" Tanong ni Samantha sa mga ito.

"Opo. Ikaw ate Sam, bakit hindi ka kumain?" Hindi mapigilan ni Arthur ang mag-alala. Nakadalawang order yata siya ng lomi pero ang sister-in-law niya, isang boiled egg lang ang kinain.

"Wala akong gana. Mamaya na lang siguro pagdating natin sa pupuntahan natin," ani Samantha saka binigyan si Ariston ng isang libo.

"Ikaw na magbayad, Ariston. Then, bili ka ng sampung boiled egg at apat na mineral water 'yung tag isang litro."

"Okay ate," kaagad na sumunod naman si Ariston.

Sumama si Arthur dito habang si Samantha at Arya at nagtungo na sa labas kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan.

Pinagmasdan ni Samantha ang interior ng second hand na sasakyan na binili ni Samantha. Hindi niya makita kung anong manufacturer noon. Napaka-smooth gamitin at hindi mukhang second hand ang itsura sa loob ng sasakyan. Samantha even think that the car was modified. Kahit na bagong sasakyan ang ginamit niyang pagpa-practice sa compound ng mga dela Vega, hindi ganito kaayos gamitin ang sasakyan na 'yun.

Bukod doon, may high tech navigation system din ang sasakyan na hindi naman makikita sa ibang sasakyan.

Napakunot-noo si Samantha. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na magduda.

Magkano lang ang pera nila, saan naman kukuha ng pang-modify ng sasakyan si Arem?

"Sukli ate,"

Kinuha naman ni Samantha ang inaabot na sukli ni Ariston. Inilagay niya iyon kung saan naglalagay si Arem ng mga barya.

"Saan na tayo pupunta ate Sam?" Excited na tanong ni Arya. Nagsuot ito ng seat belt at saka umayos ng pagkakaupo.

Sa labing-limang taon ng dalagita, ngayon lang sila nakalabas na magkakapatid at ang ate Sam pa niya ang kanilang kasama. Kaya paanong hindi siya mai-excite?

"Police station," Samantha answered seriously. Inayos din niya ang sariling seat belt at pagkatapos ay binuhay na niya ang sasakyan.

"P-police sta-station?" Maang na tanong ni Arya. "Bakit ate?"

"Well, we have a mission. And that is, to save all the farmers that have been working in our palayan,"

"Palayan? May palayan tayo ate?" Parang iisang tao na tanong ng magkakapatid.

Tumango naman si Samantha.

"Eh bakit hindi namin alam?"

"Well, sabi ni kuya niyo, siguro iniisip ni mommy na ninakaw ng kapatid niya ang mga titulo kaya kahit na ilaban niya pa na kanya 'yun, wala na siyang magagawa. Pero ang hindi alam ni Mommy, dala-dala ng kuya niyo ang mga titulo ng mga lupa noong dinala siya sa ibang bansa ng lolo at lola niyo. For him, it's very important not because of it's property value but because it's the first gift that mom gave him. And now, he wants to take it back and then divide it into three,"

Malumanay na paliwanag ni Samantha sa magkakapatid na hindi pa rin makapaniwala.

"Aside from the small farm na nasa likod ng bahay natin at sa apartment complex na nasa Siudad ay may isang malaking farm pa sa kabilang Barrio na bibisitahin din natin mamaya, at ito ngang palayan na 'to,"

Natulala ang triplets.

Hindi sila makapaniwala na sa dami ng properties nila, namuhay sila na parang mga daga sa higit-kumulang sampung taon ng buhay nila.

Mula nang mapalayas sila sa mansion ng mga Syquia, nagsimula nang dumilim ang buhay nilang apat ng mommy nila. Pero iba na ngayon, kahit na itinakwil pa ang kuya Arem nila, the triplets can feel that their lives are turning for the better.

"Later, kapag kaharap na natin ang mga magsasaka, be humble okay? Dapat humingi tayo ng pasensya at magpaliwanag,"


Huminga ng malalim ang tatlo.

Bigla na lang nawala ang excitement na kanina lang ay nararamdaman nila. Pinabayaan lang ni Samantha dahil sa totoo lang, hindi niya rin alam paano aamuin ang mga ito lalo na ang mabigat din ang pakiramdam niya.

Parang gusto niyang kainin ng buhay ang Antonio Sandoval na 'yun! Bukod sa pagpapahirap sa mga magsasaka, ilang kabataang babae pa ang pinangakuan nito ng trabaho sa kanyang mansyon, pero ang totoo, ginamit niya lang na dahilan iyon para pagsamantalahan ang mga ito.

Samantha clicked her tongue.

That bastard.

Hindi pa man sila nagkikita ay gustong-gusto na ni Samantha na burahin ang presensiya nito sa mundo para hindi na makakontamina pa ng ibang inosenteng buhay.

The DivorceWhere stories live. Discover now