Chapter 49: Negative And Positive Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

There's a digital scale for precise measurements, and a gold testing kit to determine purity, a jeweler's loupe for close examination. Katabi noon ang iba't-ibang uri pa ng microscope at scales para sa mga alahas.

Hindi iyon tinangkang hawakan ni Samantha. Sa halip ay nagpunta siya sa maliit na table at naupo sa mamahaling swivel chair. Tanging desktop computer, ballpen holder at isang picture frame lang ang nakalagay doon.

Curious na pinagmasdan ni Samantha ang larawan.

Sino kaya ang nakalagay doon?

Girlfriend niya?

Because with Arem's looks, imposibleng wala itong girlfriend. At dahil hindi naman nito iyon pwedeng ilagay sa bahay nila, pwedeng dito niya iyon i-display hindi? He can just say that it's an actress and he loved looking at beautiful things. That way, nobody will judge him.

Nang tuluyang makita ni Samantha ang larawan, hindi niya mapigilan ang mapatulala.

It's their wedding photo!

She remembers that particular photo because she likes that one.

In it are her, then him, the triplets, and her mother-in-law. Everyone has a big smiles on each face. Nakahawak sa bewang niya si Arem habang nakayakap sa braso nito si Ginang Aria. Nakayakap naman sa braso ni Samantha si Arya at nasa likod naman nilang apat si Ariston at Arthur na mas lalong gumwapo dahil sa suot na formal suit at matatamis na ngiti sa kanilang mga labi. Nakaupo silang apat, at hawak ni Samantha ang bouquet na si Arya mismo ang gumawa. Nakasuot ng flower head garland sina Arya at Ginang Aria.

They all looked festive and happy.

Na para bang isang tunay na kasal nga ang naganap.

Ikinurap ni Samantha ang kanyang mga mata. Biglang-bigla na lang nag-init iyon. Pilit niyang pinipigilan ang luha na nagkukumawala sa mga mata niya.

At that moment, she felt whole.

As if, she's with her true family. She felt at home.

But then, it's all an illusion.

They're in a fake marriage and no one will like her because she's a bastard. She doesn't even know where she came from.

Napalunok si Samantha.

Baka sakaling sa paraan na 'yun, malunok niya rin ang pait na nararamdaman niya. After her rebirth, she tried her best not to self-pity anymore. Not to be insecure. Not to be affected by anyone or anything.

Pero...

Tao lang siya eh.

May puso siya na marunong makaramdam at isipan na nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na estado niya sa buhay.

Yes, she has money.

Yes, she's valued in the Syquia family.

Because she can still be used.

If she's useless, for sure, they will also abandon her.

Samantha bit her lower lip.

Ipinilig niya ang ulo para alisin ang mga hindi naman kanais-nais na mga bagay na naiisip niya. She remembered Arya's laugh, Arthur's jolly face, her mother-in-law's loving gaze, Ariston's shy look, and Arem's cold attitude. She remembered everything at wala naman siyang maalala na nairita ang mga ito sa kanya.

Hindi niya naramdaman kahit na kailan na hindi siya gusto ng mga ito.

Marahang hinawakan ni Samantha ang larawan. Natigil lang ang pagmumuni-muni niya noong mag-ring ang kanyang telepono.

She picked up the flip phone. Oh, how she missed the touchscreen phone.

Well, it's 2004 for now. Ilang taon na lang at maglilipana na rin sa market ang mga android phones.

Tiningnan niya ang caller. And it reads 'Mom'. Iisang 'mom' lang ang naka-register doon, walang iba kung hindi ang mother-in-law niya. Huminga ng malalim si Samantha at saka sinagot ang tawag.

"Mom!"

["Samantha, anak? Kamusta kayo diyan? Katatapos lang ng taping namin kaya napatawag ako. Hindi ba nagpapasaway ang mga kapatid mo? Ang asawa mo? Tinutulungan ka ba sa mga gawaing bahay?]

Samantha can feel the love and concern of the person on the other side of the phone.

"Okay naman kami Ma. Nandito po ako ngayon sa opisina ni Arem. Nagpahatid po kase siya dito kanina dahil may pupuntahan silang meeting ni Ninong Abel sa Paris. Mamamasyal po kase kami ng triplets kaya iuuwi ko po ang sasakyan sa bahay,"

["Nagpahatid? Bakit hindi na lang siya nag-commute? Inabala ka pa sa pagtulog mo?'']

Napangiti si Samantha.

Everyone is biased towards her. Ramdam niyang mas mahal siya ng lahat kesa kay Arem.

"Mom, wala pa pong dumadaan na sasakyan ng ganoong oras," paliwanag ni Samantha pero rinig na rinig niya ang pag-ismid ng ginang mula sa kabilang linya kaya naman natawa na lang siya.

["Huwag mong ipagtanggol ang isang 'yun,"] ani Ginang Aria. Pero maririnig naman sa tinig ang saya. Natutuwa itong marinig na ipinagtatanggol ng manugang ang asawa. ["Anyway, kung mamamasyal kayo, pasyal lang, anak. Tigilan mo na ang pagbili nang kung anu-ano sa triplets. Ini-spoiled mo sila masyado. Paano naman kung may gusto kang bilhin tapos hindi mo na mabili kase naubos na sa mga batang 'yun ang pera mo?"] Patuloy na sermon ni Ginang Aria mula sa kabilang linya na ikinataba naman ng puso ni Ssmantha.

Ang lahat ng negatibong nararamdaman niya kanina ay parang alikabok na nilipad ng hangin.

"Don't worry mom, magr-road trip lang po kami," nskangiting saan ni Samantha.

Wala siyang gamit na bibilhin, pero magf-food trip sila.

Mas lalong napangiti si Samantha. Wala pa man ay naglalaway na siya.Siguradong marami silang madadaanan na pwedeng kainan. Hindi naman nila kailangang magmadali sa pagpunta sa farm o sa palayan dahil maaga pa naman at sandaling oras lang ang bubunuin nila doon.

["Okay. Mag-iingat kayo, anak. Babalik na ako sa tent ko para mag-practice ng linya ko,"]

"Okay Mom, good luck!" Samantha happily cheered for her mother-in-law.

Nang matapos ang kanilang usapan ay muling pinasadahan ni Samantha ng tingin ang larawan na nasa harapan.

Actually maraming pictures na pwedeng pagpiliin si Arem. May magandang kuha din naman ito kasama ang buong pamilya nito, pero bakit mas pinili nitong i-display ang larawan na kasali siya?

What is he thinking?

Or baka naman nahihiya lang ito kay Ninong Abel nila at baka nga naman magtanong ang matanda kung bakit wala ang bride sa naka-display na larawan?

Nagkibit ng balikat si Samantha.

Composure and confidence returning back to her.

Wala na siyang ibang mahanap na dahilan kung hindi iyon lang. Marahil ay ayaw lang ni Arem na magpaliwanag kung sakaling tatanungin nga ito. Knowing that person, he hated to explain himself.



A/N:

Yaaay, 49 na. 51 na lang. Hahaha. Char lang. Super na-enjoy ko ang pagsusulat nito. At super thankful po ako sa inyong mga nagtatiyagang magbasa at maghintay ng update. Thank you so much everyone! 💝

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon