Chapter 48: Gentle

Start from the beginning
                                    

Ginamit ba 'to ng lalaking 'yun? Pero naligo naman siya. So para sa akin 'to?

Napatitig sa maliit na palanggana si Samantha. Tinitingnan ang sariling repleksyon sa tubig.

Makalipas ang ilang minuto ay ipinilig-pilig niya ang kanyang ulo. Inalis na rin niya kung ano mang ideya ang nasa isipan niya. Basta sumalok siya ng tubig sa palanggana gamit ang kamay niya at naghilamos.

Wala na siyang paki kung natira man iyon ni Arem.

Basta hindi siya hahawak ng malamig na tubig 'no.

Nang matapos ay bumalik na si Samantha sa kwarto. Balak niyang magpalit ng damit pero pinigilan siya ni Arem.

"Okay na 'yang suot mo. Hindi ka naman magko-commute. Just wear my jacket. It's big and can properly protect you from the cold," Arem said casually and tossed his beige windbreaker jacket to Samantha.

Hanggang tuhod ni Arem ang haba noon, pero kay Samantha, nagmukhang long dress ang naturang windbreaker na kulang na lang ay sumayad sa sahig dahil sa haba.

Pagkatapos magtuyo ng mukha ay sumunod na si Samantha sa labas ng bahay. She lock the door and walk towards the second hand car.

Naupo siya sa passenger seat dahil nakaupo na si Arem sa driver's seat.

"Hindi ba dapat ako ang magda-drive?" Nagtatakang tanong ni Samantha noong makalabas na sila ng gate na si Arem na mismo ang nagbukas at nagsarado.

"Sleep. You drive when you go home,'' Arem declined.

Seeing his serious expression, Samantha shrugged her shoulders and continued to sleep.

Sleep daw eh.

Sino bang may ayaw matulog?

*****

Iritableng nagmulat ng mga mata si Samantha nang bigla na naman siyang makaramdam ng pagyugyog sa balikat niya.

Bakit ba parang kinamumuhian yata siya ng mundo ngayon?

Kaaga-aga pa. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw pero talaga namang sinusubok na ang pasensiya niya. Inis na tinitigan niya ang nilalang na gumigising sa kanya.

As soon as Arem noticed the look of annoyance on Samantha's beautiful sleepy face, he immediately straightened his body, almost on reflex. He couldn't help but feel a tinge of amusement as he found her annoyed expression endearing and cute in a way.

Arem smiled ingratiating.

"Continue to sleep inside my office. It's dangerous to travel alone. Mamaya ka na bumalik sa bahay kapag maliwanag na at marami ng sasakyan sa daan,"

Napakunot-noo naman si Samantha dahil sa narinig.

Hanggang sa hilahin siya pababa ni Arem sa kotse, inalalayan makapasok sa loob ng Aj's Shop, at hinatid sa malawak na opisina nito, hindi maapuhap ni Samantha ang tamang salitang bibitawan.

"Go. Sleep," inalalayan pa siyang makaupo ni Arem sa mahaba at malawak na sofa na nakalagay sa loob ng opisina 'kuno' nito.

"..."

"I'll get going. Stay here for a while," Arem said in a patient voice and he patted her head gently.

Samantha looked at him in a daze. Does this cold person just pat my head? And what's wrong with the way he looked at me?

Why didn't she know this side of him?

O baka epekto lang talaga iyon ng paggising niya ng wala sa oras? Tsk. Kaya naman pala maraming nagsasabi na nakamamatay ang pagpupuyat.

Noon lang siya naniwala sa kasabihang 'yun dahil talaga namang para siyang nagha-hallucinate. Arem is a cold and aloof person. Kaya anong klaseng imagination ba ang ginagawa ng bangag niyang isipan?

Him?

Looking gentle while patting her head?

She must be out of her mind!

Tsk.

Talaga naman. Nakakamatay naman talaga ang maling akala. Ngayon, ganoon pa lang ang ilusyon niya, paano kung lumala sa katagalan? Talagang 6 feet underground nga siguro ang kahihinatnan niya kapag nagkataon.

At isa pa, ano na lang ang iisipin ng damuhong 'yun kapag nagkataon? Hah! Baka bigla na lang siya nitong bigwasan kapag nalaman kung ano ang iniisip niya sa mga oras na 'yun.

Muling ipinilig ni Samantha ng malakas ang ulo niya. No. That must not happen. She must sleep well, eat well and live well.

May divorce pa siyang aasikasuhin.

And then, she'll get her freedom.

Muli niyang inilibot ang paningin sa buong paligid pero hindi niya naman nakita kahit na ang supladong anino ni Arem.

Kaya naman para hindi masayang ang oras, mas minabuti na lang ni Samantha ang paghinga sa malambot na sofa st ituloy ang naudlot biyang pagtulog.

Dahil sa totoo lang ay mahirap talagang mag-isip ng tuwid lalo na kung bangag ka. Kaya bakit pa ba niya iisipin ang mga bagay-bagay na magpapagulo lang sa isipan niya? Itutulog na lang niya iyon para naman may lakas siya bukas.

She still wanted to drive away those individuals whose hearts were rotten and as dark as night. Kaya naman kailangan niya ang lakas at fighting spirit para sa pupuntahang laban bukas.

The DivorceWhere stories live. Discover now