CHAPTER 72

67 0 0
                                    

" QUEEN ALFEA POV"

Halos mag wala ako dahil sa Balita na nakarating sakin di ko alam kung anong magagawa ko sa mga tatanga tangang tauhan ko kanina pa ako naiinis sa mga yun.

" Ano bang nangyari !!" Inis kung sambit.

Wala ako sa Black world dahil inasikaso ko muna si Marizze at Brenda na kasalukuyan ng nakapasok sa loob ng clan nila Amira.

" Queen, naisahan po kami nung Mga agent na yun!" Sambit ng tauhan ko habang nakaluhod sa asin.

" Ang b*b*bo niyo!" Sigaw ko sakanila habang dinuduro duro sila. Kinuha ko agad ang baril at Isa isa silang pinatumba.

" Iligpit niyo Ang mga kalat na yan naalibadbaran ako sa mga pagmumukha nila mga walang kwenta!" Inis kung sambit at tiyaka pumasok sa loob ng trono at umupo.

Kinuha ko naman ang wine glass ko at tumungga ng alak. Nag iisip ako ng paraan kung paano ko ulit amkukuha si diamond Hindi pwedeng mawala Siya! Hindi pwedeng ganun ganun na lamang ang lahat!.

Agad akong tumayo at kinuha ang baril tiyaka nag mamadaling umalis sumunod naman sakin ang mga tauhan ko at aligaga itong naglakad papalapit sakin.

" Ihanda niyo Ang mga sasakiyan niyo Yung bullet proof dahil sasalakay Tayo" sambit ko at agad na nag tungo sa parking lot at sumakay na sa kotse.

Nauna na akong pumasok sumunod naman sakin ang driver ko. Maya Maya pa ay pinaharurot na ito ng takbo at dumaan Naman kami sa tunnel. Nag iisip ako ng malalim kung paano ko kukunin si diamond at nakangiti Naman ako ng may naisip na akong Plano.

Agad agad ko namang inopen Ang micropono ko upang marinig ako ng mga tauhan ko.

" Bulabugin niyo Ang hospital sisiguraduhin niyo na walang magbabantay sa hospital na kinaroroonan ni diamond upang makapasok ako agad agad " wika ko

" Copy Queen" sagot naman ng clone ni Riva.

" Andyan ba si Dias" wika ko, si dias ay Clone ni spade.

" Andito po" wika naman ni Riva.

" Dias Ikaw Ang madidistract sa mga nurses na nakabantay Doon at kung may security na nakabantay sa room ni diamond" wika ko.

" Copy Queen" sagot naman ng clone na si Dias.

Agad ko namang ibinaba ang micropono at kinuha ang baril, nakangiti ako habang iniisip Ang nalalapit ko ng pamumuno ng buong buo sa black world Wala ng magagawa si Amira pag nagawa ko na Lahat ng Plano.

" It's time, Ako Naman ang papaburan ng panahon sawa na akong naging second best sa lahat dahil si Amira Naman lagi Yung magaling sawa na akong kinokompara " sambit ko habang parang pinipiga ang puso ko sa sakit dahil naalala ko na Naman Ang nakaraan na kung saan lagi nalang akong naiiwan at naneneglect na ng parents ko Ang pakiramdam ko, Yung tipong papakinggan ka Naman pero Wala man lang hakbang na ginagawa, andyan nga Sila pero parang Wala din naman. Ang unfair lang nila sakin dahil naging mabuting anak din Naman ako sakanila, nag sunog na ako ng kilay para sa pag aaral ko ngunit hindi parin pala worth it lahat.

Napabuntong hininga nalang ako sa isipin na yun para akong sinaksak sa sakit.

" Okay ka lang ba Queen?" Tanong ni Juno sakin.

Tumango nalang ako habang nakangiti ng mapait, sino Juno Ang sumasama sakin lagi pag nagwawala ako nag lalabas ng hinanakit.

" Everything is not your fault Queen, Yung mga nakapaligid sayo Ang may kasalanan sa lahat ng ginagawa mo ngayon " wika nito.

Wala naman akong expression na nakikinig sa mga sinasabi niya, Wala akong masabi dahil totoo lahat ng mga sinasabi niya everytime na nasesense Niya na parang may mali sakin lagi nalang niya akong kinocomfort.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now