Chapter 1: Yellow Floral Dress

402 51 134
                                    

No'ng ako'y bata pa, I had dreams—masayang pangarap na puno ng kulay at tuwa. Sa tuwing tinatanong ako kung sino o ano ang nais kong maging, ang sagot ko'y laging iba-iba. Sabi ng nanay ko, "Anak, you can be anything you want." At sa bawat yugto ng buhay ko, may kakaibang pangarap.

I once dreamt of being a firefighter. Ito ang unang pangarap na bumalot sa aking isipan. The idea of saving lives and facing the raging flames filled me with excitement. Ang ingay ng sirena at mga alitaptap na kulay pula at kahel, they were like a flower garden playing in my young heart.

But time passed, at nagbago ang takbo ng mga pangarap ko. As I grew older, the desire to be an architect emerged. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, pero bigla na lang itong lumitaw sa isipan ko. Maybe it's the idea of creating structures that withstand the test of nature, typhoons, and earthquakes. Kaya't dala ng impulsong pumukpok sa akin, I enrolled in architecture, paving the way to a different path.

Sa paglipas ng panahon, I found myself here—graduating student, part-time janitor, and still searching for my purpose. I keep myself busy to avoid the question that lingers in my mind: Ano ba ang layunin ko? My family and God's blessings surround me, but why do I feel this emptiness?

Before, the thought of graduating excited me, but now, I question the true meaning behind it. Bakit nga ba ako nakakaramdam na may kulang? According to my brother, dahil single ako. Pero hindi iyon ang dahilan. I've admired many, some have expressed their feelings towards me, but I held back. Pakiramdam ko, it's not for a lifetime—just fleeting emotions that will fade away.

And then, a moment of clarity hit me during my brother's ordination. Nang maramdaman ko ang tawag, parang may mga ibon na bumabalibag sa paligid ko, and a voice whispering in my ears. Goosebumps covered my skin. Hindi ko gustong gayahin ang kapatid ko, but the same calling echoed within me.

"Sigurado ka na sa desisyon mo?" tanong ng kapatid sa akin sa selpon habang hawak ko ang mop. Lunch time, kakatapos ko lang kumain, may 30 minutos pa bago ang time-in ko sa biometrics para sa part-time janitorial job ko dito mall.

"I'm certain na kuya," sagot ko, ngumiti ng bahagya. "Kung 'yan ang tawag sa iyo ng Poong Maykapal, kinalulugod kong susuportahan ka, at alam kong ganun naman ang ating pamilya at mga kakilala," dagdag pa niya.

Sa di kalayuan, may natanaw akong art display, at parang hinihila ng mga kulay ng canvas ang buong kong katawan. "Oo, sige na, ibaba ko na ito sapagkat may mesa pa ako sa parokya ngayong ala-una."

"Salamat, kuya, este—," naputol ako dahil naalala ko, hindi ko lang pala basta-basta kausap ang kapatid ko kundi isang mahalagang kasapi ng simbahang Katoliko, "salamat, Father Lopez," naririnig ko ang tawa niya bago ibaba ang selpon.

Agad-agad akong humakbang papunta sa gilid ng stockroom na malapit sa banyo upang itabi ang bitbit na mop. Pagkatapos ay tila ako'y idinuyan papunta sa natanaw na art display.

Habang lumalapit ako, isang 32x32-inch na obra ang bumungad sa aking mga mata. Hindi ko alam, ngunit bigla akong natulala.

"Ekspresyonismo abstrakto," ang salitang mailalarawan ko sa kanyang istilo ng pagpinta. Tinititigan ko ang babae sa obra: naka-dilaw ang kanyang bistida, ang kanyang likod ay nakayuko na tila ba ang bigat ng dala-dala niya habang naglalakad mag-isa sa kalsada sa gitna ng gabi.

Habang tinititigan ko ito, parang napasok ako sa loob ng mismong obra. Hindi ako sigurado, ngunit ang iba't-ibang pintura sa paligid nito ay tila naglalahad ng kaguluhan sa kanyang isipan. Napansin ko rin na ang pintor ay gumamit lamang ng limang kulay, simple ngunit malalim ang ipinapahiwatig - puti, pula, asul, dilaw, at berde.

Tiningnan ko ang iba niyang likha, at napansin ko na lahat ay may temang gabi, may bulaklak, at may crosswalk. Parang napaisip tuloy ako kung gusto niyang maglaho. Maglaho na tila ba tatawid sa ibang mundo. O baka kasalukuyang iniisip niya ang kanyang tungkulin at layunin sa mundong tila ang gulo-gulo at walang katiyakan. Yes, walang katiyakan. Walang kasiguruhan. Even our birth is uncertain, but the only certainty is we all die.

Napatingin ako sa tema ng art display, na hindi ko masyadong pinansin kanina, at dito ko naintindihan na ang display ay para sa World Cancer Day, February 4th, 2024. Nabasa ko sa nakapaskil na ang kita mula sa event na ito ay mapupunta sa The Sunshine Hope Foundation — isang foundation para sa mga cancer patients dito sa Pilipinas.

"Why did He permit someone to suffer?" I suddenly asked. Maybe His calling is also one of the ways I can find answers to all the inquiries I have in my mind.

"I guess pain and hardship are not necessarily inflicted by a divine being," a warm and inviting voice suddenly appeared beside me. Nagulat ako. She's a beautiful lady wearing a yellow floral dress. She's morena, chinita, with long and silky hair. Her lips and cheeks are painted with peaches in summer, and her scent smells like a ripe watermelon. "but arise from factors such as human choices, societal structures, natural disasters, pathogens, and etc." She smiled at me before she left. She even waved her hand to me as if she knows me. By the way, her white sneakers have a painting on them. I guess it's inspired by Vase with Twelve Sunflowers by Van Gogh.

"Victoria Isabelle Gavino," ang nabasa ko sa pangalan ng pintor, "Crosswalk 1, Crosswalk 2—" walang partikular na titulo ang limang oil painting niya. Hindi ko tuloy masigurado kung pareho nga kami ng iniisip tungkol sa kahulugan ng mga obra niya.

***

Kaka-time-out ko lang galing sa trabaho, alas nuebe na ng gabi. Medyo gutom na rin ako. Lumabas ako sa mall, lalakarin ko lang ang papuntang boarding house na malapit lang naman dito. Mga 10 minutes by brisk walking. Sobrang hangin, ang lamig, at nalalanghap ko rin ang polusyon kasama ang maalat na simoy ng hangin galing sa dagat. Malapit lang kasi sa dagat ang mall. Tanaw ko ang crosswalk kung saan tatawid ako mamaya, ngunit may pamilyar na kasuotan akong nakita. Yellow dress. Hindi ko alam pero binilisan ko ang paglakad, tumawid siya sa crosswalk at tila naalala ko ang babae sa painting. Ngunit, tila kakaiba ang timpla ng nakikita ko. Ang mga ilaw ng sasakyan ay pumapalibot, at siya ay taas noo at masayang tumatawid kasama ang iba pang pedestrians sa crosswalk na tila bata. Hindi gaya nung painting na napakagloomy, masyadong opposite ang minamasdan ko ngayon. Napansin ko na lang, nakangiti na pala ako.

Sadyang ewan ko, di ko alam. Hetong mga paa nagmamadali na humakbang pagkatapos kong tumigil ng ilang saglit habang tinitignan siya. At sa pagtawid ko sa crosswalk, ang mga mata ko ay nakasunod lang sa direksyon niya. Mabagal siyang lumakad, at sa kadahilanang ito, nasa likuran na niya ako, ewan ko, is this stalking? But why am I doing this? Heh? Di ko maintindihan. Lord, pakitigilan n'yo ako please, alam kong di tama ang ginagawa ko. While she is walking, she is humming a song that's so familiar but di ko maalala kung ano. Di ko talaga maalala.

Biglang tumigil siya. At tinititigan ang bahay na may kulay asul. No, it's not the house she is looking at but a tarpaulin congratulating someone who passed the bar exam.

"Do you know Grace?" she suddenly spoke like she knows I'm just behind her.

"She died."

A Date with VictoriaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang