Chapter 47: Upset

Magsimula sa umpisa
                                    

"What a group of scoundrels!" Siya ang naha-high blood para sa kanyang mother-in-law sa totoo lang.

"You're right,"

"Hindi ba sila nakokonsensiya? That time, kailangang-kailangan ni mommy ang tulong nila. Hindi man lang nila naisip 'yun?" Nanggagalaiting tanong ni Samantha.

"Mom's adopted,"

"Kahit na! Kay momm—wait, what?" Pakiramdam ni Samantha ay nabingi siya dahil sa kanyang narinig. A-adopted? Her mother in-law is adopted?

Wala namang issue si Samantha kung adopted man ang mother-in-law niya.

Hindi niya lang mapigilan ang magulat.

Kaya naman pala.

Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit ganoon ang attitude ng mga taong 'yun at talaga namang napakalayo ng ugali sa mahinahon at maalalahanin niyang mother-in-law.

"You heard it right. They keep on saying that mom owes them a lot,"

"..."

Hindi alam ni Samantha kung ano ang sasabihin. Talaga palang may mga taong sakim at makasarili. Masyadong mataas ang tingin sa sarili at nakapa-self-entitled.

"What?" Amused na tiningnan ni Arem ang hindi makapagsalitang si Samantha.

Kitang-kitang nagpupuyos ito sa galit pero wala itong maapuhap na sabihin. For him, this side of her is really cute.

"Ay ang kakapal ng mga mukha!" Hindi na pinigilan ni Samantha ang bibig niya.

Pakiramdam niya ay gusto niyang sumugod sa mga sandaling iyon at nagdeklara ng gyera laban sa taong 'yun.

"I give you those papers to deal with them, Wife, are you willing?"

Parang nang-aasar na nanghahamon na tanong ni Arem.

Alam niyang bored na bored na si Samantha sa bahay. At isa pa, magaling itong humandle ng mga ganoong bagay. Hindi niya kailanman mapagkakatiwalaan ang ina niya para komprontahin ang mga taong kumupkop dito dahil paniguradong igi-guilt trip lang ito ng mga taong 'yun.

"Of course! I'm willing!" Mabilis na sagot ni Samantha. Dahil sa ngitngit ay hindi na niya napansin ang paraan ng pagtawag ni Arem sa kanya.

Iyon ang unang beses na tinawag siya nitong 'Wife'. Sa kasamaang palad, masyadong kumukulo ang dugo niya para pagtuunan ng pansin ang ibang bagay.

"Tell me what to do,"

"Well, for the time being, think of it as playing with them to ease your boredom. If you are unable to resolve any issues, leave them to me. I'll handle it. We must save the farm and rice fields first. They have taken advantage of the people working there, I'm afraid, those poor farmers are not living a good life. I'll entrust the responsibility to you since I know you can handle them better than me. And besides, I have to accompany Ninong Abel to attend the competition in Paris," seryosong wika Arem.

Of course, kasinungalingan lang ang tungkol sa pag-attend ng kompetisyon sa Paris. He's not need there, honestly.

But he have an important meeting to attend to. Good thing na tumapat sa araw ng kompetisyon ang mahalagang meeting na iyon kaya naman ginawa na namang pananggalang ni Arem si Shopkeeper Magtanggol. At sa tuwing ginagawa niya iyon, umiiyak na lang ang matandang Shopkeeper nang walang luha sa mata. Dahil ano bang magagawa nito?

Arem is his boss!

And because Arem act so naturally, ni minsan ay hindi nagduda ang buong pamilya niya sa pagiging appraiser niya, lalong-lalo na ang asawang si Samantha.

"Kung aalis si Ninong, sinong magbabantay sa shop?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

Noong una niyang nalaman na doon nakahanap ng trabaho si Arem ay hindi siya makapaniwala. Though nanghihinayang siya dahil hindi ito makapagsimula sa corporate world, mabuti na rin na natanggap ito sa AJ's Shop dahil at least, may pinagkakaabalahan ito.

Siya nga na introvert, nad-depress minsan sa loob ng bahay. Paano pa ito na nasanay makisalamuha sa maraming tao?

"Closed. It's the first time that the shop will compete that's why the higher-ups put in a lot of effort. They also like your designs," Arem said matter-of-factly.

"Oh, okay. Mabuti na lang at Sabado na bukas. Magpapasama ako kila Arya," ani Samantha na wala pa man ay nakakaramdam na ng excitement.

"Okay. But before going there, can you first send me sa shop?"

Mabilis namang tumango si Samantha. Dahil iisa lang ang ibig sabihin noon, iiwanan ni Arem sa kanya ang sasakyan. "Sure!"

Nakakuha na siya ng lisensiya noong nakaraang araw sa ilalim ng pangalan ni Samantha Daureen Salvador. Wala naman siyang choice dahil sa pagkakataong ito, iyon ang dala-dala niyang identity.

"Gisingin mo ako kapag aalis ka na ah," ani Samantha bago tuluyang tumayo. Tapos na siya sa kanyang skin care routine. Naglalagay lang naman siya ng moisturizer bago matulog. At kailangan niyang matulog ng maaga ngayon para refresh na refresh siya bukas.

Dapat maliwanag ang kanyang mga mata at kaisipan bago siya tuluyang sumugod sa gyera.

"And by the way, nasa folder din na 'yan ang kasunduan na 30-70 ang hatian sa palayan. Sa atin dapat mapupunta ang 70% at sa mga magsasaka ang 60. Sa atin lang ang taniman at sila na ang bahala sa palay na itatanim at sa mga gagamitin nila para mapalaki ng maayos ang mga palay. Bukod doon, kailangan nilang magbigay ng 150kilos ng bigas sa atin,"

"Okay. I'll remember that,"

"Talk to the farmers and tell them that our family is sorry and that they did it behind our backs,"

"Got it. Good night!"

Hindi na nagsalita pa si Arem.

Sa totoo lang, gusto niya pang makakwentuhan si Samantha. Pupunta siya sa ibang bansa at baka isang linggo siya doon. For sure, he's going to miss this person.

Arem closed his eyes.

He felt upset because he still wanted to talk, but the person he wanted to talk to was already sleeping peacefully.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon