Napatayo si Loida at napalitan ng galit ang mukha nito. "Anong sabi mo?! Aba, Irene! Nanay mo pa rin ako kahit ano ang gawin mo. Yumaman ka lang, ganiyan mo na ako pagsalitaan. Grabe ka!"

"Makakaalis na po kayo." Tinawag niya si Chona at inutusan niya itong ihatid ang nanay niya palabas ng bahay.

Hindi na hinintay ni Irene na makaalis si Loida at bumalik na agad siya sa kwarto nila ni Hayden. Pagka-lock niya ng pinto ay nag-unahan na sa pag-agos ang luha sa magkabila niyang pisngi.

Aminado siya na mali ang ginawa niyang pagsagot kay Loida ngunit hindi na niya napigilan na gawin iyon dahil sa labis na sama ng loob. Masaya man siya na nakitang muli si Loida ngunit mas nananaig pa rin sa kaniya ang tampo at galit.


-----ooo-----


MAKALIPAS ang ilang minuto ay bumaba na si Irene at sinalubong siya ni Chona. May inabot itong pink envelope.

"Dumaan po rito si Miss Naomi. Pinabibigay iyan sa inyo, ate," ani Chona.

"Ano 'to, Chona?"

"Hindi ko alam, ate. Hindi ko naman iyan binuksan. Buksan mo kaya, ate, para malaman mo."

Curious na binuksan ni Irene ang envelope. May card sa loob no'n. Nang basahin niya ang nakasulat ay nalaman niya na isa iyong invitation sa magaganap na birthday ni Naomi mamayang gabi sa bahay nito. Isang special dinner iyon. Nakalagay sa invitation ang pangalan nila nilang dalawa ni Hayden.

Si Naomi ay isa sa mga homeowner sa exclusive subdivision kung saan sila nakatira. Isa itong fashion designer. Meron itong isang anak na lalaki na eight years old. Matagal na itong hiwalay sa asawa. Nakilala niya ito dahil sa nakasabay nila ito ni Hayden minsan sa paggo-grocery. Si Naomi ang unang lumapit sa kanila at nagsabi na nakikita sila nito ni Hayden sa subdivision.

After no'n ay in-invite sila ni Naomi sa bahay nito upang mag-dinner. Parang pa-welcome daw nito iyon sa kanila sa subdivision na iyon. May katungkulan kasi si Naomi sa homeowner association sa lugar nila kaya kilala talaga ito roon.

29 years old na si Naomi. Matanda lamang ito sa kaniya ng dalawang taon. Si Hayden naman ay matanda kay Naomi ng tatlong taon. Maganda si Naomi. Matangkad at may magandang hubog ng katawan. Sopistikada ang ganda nito. Iyong unang tingin pa lang ay masasabi mo na isa itong mayaman.

Tinawagan ni Irene si Hayden upang ipaalam dito na kailangan nilang magpunta sa bahay ni Naomi mamayang gabi. Pumayag naman si Hayden ngunit ayon dito ay baka medyo male-late ito dahil marami itong nagagawa na naunawaan niya.

"Bumili ka na rin pala ng gift natin para kay Naomi, hon," ani Irene.

"Anong gift ba?"

"Bag na lang. Mahilig sa bags si Naomi, e. Ikaw na ang bahala kung anong klaseng bag."

"Okay. Copy, hon. Kumusta ka pala riyan?"

"O-okay naman, hon. Baka mag-grocery kami ngayon ni Chona. Marami na tayong kulang sa pantry na stocks."

"Sabi ko naman sa iyo, kumuha na tayo ng isa pang kasambahay para wala ka na talagang gagawin."

"Hon, ayoko ng walang ginagawa. Hindi ako sanay. Saka kaya naman namin ni Chona ang mga gawain dito sa bahay."

"Basta, kapag nagkaroon na tayo ng baby, kukuha na tayo ng isa pang kasambahay. Alam mong ayokong nahihirapan ka."

"Hindi ako nahihirapan, hon. Sanay ako sa gawaing-bahay. Parang hindi mo alam kung saan ako nanggaling!" Bahagyang tumawa si Irene.

The Innocent WifeWhere stories live. Discover now