CHAPTER TWO

212 16 6
                                    


PLEASE SUBSCRIBE ON MY YOUTUBE CHANNEL PARA SA MGA KWENTO NG KATATAKUTAN! MAAARI RIN KAYONG MAGING BIDANG CHARACTER SA MGA KWENTO KO SA AKING CHANNEL.

ANG PANGALAN NG YOUTUBE CHANNEL KO AY: KAKABAKABOO

ANG PANGALAN NG YOUTUBE CHANNEL KO AY: KAKABAKABOO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




-----ooo-----

HINDI alam ni Irene kung ano ang sasabihin sa kaniyang inang si Loida habang magkaharap silang nakaupo sa sala ng bahay ng bahay nila ni Hayden. Nasa sofa ito habang siya ay nasa pang-isahang upuan. Dumating ang nag-iisang kasambahay nila na si Chona at inabot nito kay Loida ang isang baso na puno ng malamig na orange juice. Bente-tres anyos pa lamang si Chona ngunit napakahusay nitong magtrabaho sa mga gawaing-bahay lalo na sa pagluluto.

Awkward. Iyon ang nararamdaman ni Irene ng sandali na iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang sumulpot sa buhay niya si Loida makalipas ang napakaraming taon na hindi ito nagpakita sa kaniya. Ang totoo ay malaki ang tampo niya rito sapagkat kahit noong mismong kasal niya ay hindi ito nagpunta. Pinadalhan niya ito ng invitation ngunit kahit anino nito sa kasal niya kay Hayden ay hindi niya nakita.

Malaki ang tampo ni Irene kay Loida. Maraming importanteng pangyayari sa buhay niya ang inasahan niya na nasa tabi niya ito ngunit wala ito. Matatawag man niya na independent woman siya ay kailangan niya pa rin ang presensiya ng isang ina sa buhay niya.

"Grabe, Irene! Napakalaki pala nitong bahay mo!" bulalas ni Loida.

"Bahay namin ni Hayden. Hindi lang sa akin ang bahay na 'to." Pagtatama niya.

"Oo nga pala, mag-asawa kayo. Kung ano ang pagmamay-ari ng isa ay sa isa na rin. E, kumusta ka naman dito?"

"Ayos lang ako. Diretsuhin niyo na ako. Ano ang kailangan ninyo? Bakit bigla kayong nagpakita sa akin ngayon."

Alanganing ngumiti si Loida. Umayos ito ng pagkakaupo at sumeryoso ang mukha. "Anak, hihiram sana ako sa iyo ng pera. One hundred thousand pesos sana. Isinangla kasi ng Tito Ben mo 'yong lupa na kinatatayuan ng bahay namin. E, dapat makapagbayad na kami sa susunod na buwan kasi kapag hindi mawawala sa amin iyong lupa tapos—"

"Okay. Bibigyan kita ng perang hinihingi mo."

Nanlaki ang mga mata ni Loida. "Agad na? Ganoon kabilis?" Tila hindi ito makapaniwala sa mabilis niyang pagpayag.

"Hindi utang kundi bigay."

Tumayo si Irene at nagtungo sa second floor ng kanilang bahay. Pumasok siya sa malaking kwarto nila ni Hayden. Binuksan niya ang safe box at kumuha ng dalawang bungkos ng pera saka siya bumalik kay Loida.

Inabot niya kay Loida ang pera na hindi pa rin makapaniwala.

"Two hundred thousand pesos 'yan. Sobra-sobra pa sa hinihingi mo. Ang gusto ko ay ito na ang huling beses na magpapakita ka sa akin."

The Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon