CHAPTER 8 - My Own Doctor

5 0 0
                                    

CHAPTER 8


SNOW'S POV

Last touch na lang 'to kaya dapat na naming tapusin lahat ng kailangang decorations. Tapos na kami sa flowers at pati iyong ibang part ay okay na rin. Itong stage na lang talaga dapat naming pagandahin. Iyong hindi siya dull tingnan pero hindi rin over. Iyong sakto lang at swak sa theme ng event.

"Tulungan na namin kayo," sabi ko kay Dustin na ngayon ay naglalagay na ng mga designs sa gilid.

"Thanks," lang ang sinagot niya.

Napapansin ko ring apat na lang silang nandito. Ewan ko kung nasaan iyong iba. Siguro may itinapos pa or what. "Saan ba 'to ilalagay?" tanong ko sa kanya habang bitbit itong mga balloons.

"Just put it there," aniya pero hindi naman ako tinitingnan. Hindi ko rin alam kung saang 'there' ang tinutukoy niya. "Sheena na balaha riyan mamaya," dugtong niya.

Nakanguso naman akong tumayo at binitiwan ang mga lobo. Si Sheena lang daw bahala. Tsk! Wala ba siyang tiwala sa akin kung ako ang gagawa? Pwede naman niya akong turuan 'di ba? Ang sungit talaga. Bipolar ka 'din, Dustin, no?

Nakatayo lang ako rito sa gitna nang stage habang tinitingnan silang nagdi-design. Wala rin kasi akong gagawin. Sila Nicky at iyong dalawang babaeng kasama niya ay minamaneho naman iyong mga telang inilagay sa itaas. Ewan ko rin ba kung bakit ganito ka bongga iyong kailangang i-design. Ang hassle lang kasi sa totoo lang.

"Snow!" Napalingon ako kay Nicky nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko pero tila'y nanigas ang mga tuhod ko nang makitang gumuho ang mga makapal na telang inilagay niya sa itaas at para bang nag-slow motion ang mga iyon papunta sa akin. "Alis diyan!" sigaw pa ni Nicky pero hindi ko na magawa pang tumakbo at pumikit na lang ako.

Naramdaman kong may yumakap sa akin at alam ko ring napahiga kami sa sahig pero hindi naman nauntog ang ulo ko. Iyong siko ko lang ang medyo masakit dahil naitukod ko nang ma-out of balance kami.

"Sh*t!"


Napadilat ako nang magsalita itong kayakap ko at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang malamang si Dustin pala. Hindi kami makagalaw dahil natabunan kami ng mga makakapal na tela. Pero mas naaawa ako sa kanya dahil tila mas nasaktan iyong kamay niyang ginawa kong unan. Kamay pala niya ang dahilan kung bakit hindi nauntog ang ulo ko.

"O-Okay ka lang?" tanong ko sa kanya at napalunok na lang ako sa sarili kong laway nang magdilat siya. Ngayon ko lang din napansin kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Siguro mga isang dangkal lang ang pagitan namin sa isa't-isa. Tapos iyong katawan namin-sobrang magkadikit talaga! Jusko ano ba 'to?!


"Don't move," aniya nang sinubukan kong gumalaw.


"Hindi ako makahinga," pagsasabi ko ng totoo at nakita ko naman ang pagbabago ng mukha niya. Pilit pa niyang itinaas ang tela gamit ang kanang kamay niya para may hangin kaming malalanghap.


"Okay lang kayo?" rinig naming sigaw ni Nicky at ramdam na naming inialis na nila ang mga tela.


"Hurry up!" biglang galit na sigaw ni Dustin dahilan para mapaigtad ako. "A-Are you okay?" baling niya sa akin at tumango naman ako pero ramdam ko na talaga ang paninikip ng dibdib ko.

Nang maialis na nila ang mga ito ay tumambad sa kanilang lahat ang posisyon namin ni Dustin. Kaagad naman akong tumayo pero palihim akong namimilipit sa sakit ng siko ko. Habang si Dustin naman ay tila ini-stretch lang niya ang kanyang mga daliri.

"Sorry talaga. Akala namin okay na iyong pagkatali namin eh," wika pa ni Nicky.

"That's what I've been telling you! You should make sure first! What if it happens during the actual event tomorrow! Check the safety there! Iyon lang naman 'di ba?" galit na sabi ni Dustin at nakayuko na lang iyong mga kasamahan niya. "Let's not put that thing on it anymore. It's too risky. Sheena, think of a new design na lang." Mahinahon na ang pagkasabi niya saka bumaling sa akin kaya kaagad kong itinago sa likod ko ang aking siko. "Let's go to the clinic," aniya kaya napataas ang kilay ko.


"O-Okay ka lang, Snow? Sorry talaga!" Lumapit pa sa akin si Nicky.


"O-Oo. Okay lang ako." Pilit pa akong ngumiti pero napapansin kong nakakunot pa rin ang noo ni Dustin.


"Snow, dumudugo ang siko mo." Hinawakan pa ni Trecia ang itinagong kaliwang siko ko.


"Okay lang iyan. Malayo iyan sa bituka," biro ko pa pero bigla na lang hinawakan ni Dustin ang kanang kamay ko saka marahang hinila ako palabas nitong gym. "Teka lang, Dustin."


Huminto pa siya saka lumingon sa akin. "What?" taas-kilay na aniya.


"Okay lang ako. Maliit na sugat naman 'to. Ayokong pumunta sa Clinic," reklamo ko pero pinagkunutan lang niya ako ng noo.


Akala ko bibitiwan na niya ako pero hindi pala. Patuloy lang niya akong hinihila at akala ko ay pupunta kami sa Clinic, pero napakunot-noo na lang ako nang dalhin niya ako rito sa building nila at saka pumasok rito sa room na kami lang dalawa ang tao.


"Just sit there," aniya na itinuro pa ang upuan sa pinakadulo. "Just wait me here. Don't go out," dugtong pa niya saka akmang aalis na pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan.


"S-Saan ka pupunta?"


"Clinic," maikling sagot niya.


"Bakit?" kunot-noong tanong ko.


"You don't want to go to the Clinic, right? So, I'll just go there to get the medicine and I'll treat you here instead." Iyon lang at diretso na siyang umalis. Napanguso na lang akong umupo rito sa tinuro niyang upuan.


Ilang minute lang ang nakalipas ay bumalik na siya. Parang hinihingal pa siya at pinagpawisan. Medyo malayo kasi mula rito ang clinic. Tuloy ay nakukunsensya ako dahil pakiramdam ko ay malaking abala ako sa kanya.


"Ako na lang," sabi ko at kukunin na sana iyong pangpunas pero naunahan niya ako. Umupo pa siya sa tabi ko at humarap sa akin.


"Let me know if it stings," sabi pa niya saka marahang hinawakan ang kaliwang siko ko.


Maliit na galos lang siya pero ang hapdi! P*ta talaga 'to parang naiihi ako sa hapdi. Ayokong sumigaw kaya kinagat ko na lang ang labi ko saka pumikit. Pero napadilat ako nang nawala ang hapdi at nakita kong hinihipan niya pala ang sugat ko. Kung ganito lang sana palagi ang Doctor ko, okay lang sa akin masaktan lagi.


"Ouch!" Napasigaw na lang ako nang bigla niyang diniinan ang sugat ko.


"I said, tell me if it stings. I didn't say stare at me," aniya saka nilagyan ng band-aid ang maliit kong galos.


"Thank you," sinserong sabi ko pero patuloy lang siyang nagliligpit ng gamit at inilagay sa ilalim nitong writing table. "Ako na lang magbabalik niyan sa clinic," presenta ko pa.


"Diyan lang iyan. It won't get stolen. They knew it is my seat," sabi pa niya at ngayon ko lang din nalamang upuan pala niya 'to. "Let's go back to the gym."


Bumalik nga kami sa gym at pinagpatuloy ang pagdi-design. Tumabi naman kaagad ako kay Trecia at tumulong rito sa ginagawa niyang pagtutupi ng mga telang nakadisgrasya sa amin kanina. Habang nagtutupi kami ay pinagmamasdan ko sila Nicky at Dustin na nag-uusap. Masyadong seryoso iyong pinag-uusapan nila dahil sa kanilang mga mukha. Maya-maya lang din ay tinapik-tapik ni Nicky iyong balikat ni Dustin saka nagsibalikan na sila sa kanilang trabaho.


Sabi talaga nila masungit si Dustin pero para sa akin, ang bait niya. Ewan ko ba, kahit hindi na niya ako masyadong pinapansin-nababaitan pa rin ako sa kanya. Lalo na kanina na niligtas niya ako tapos ginamot pa. Nakakakilig lang talaga.

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now