Dahil nakasayaw na rin naman ang mga mananayaw ng mga naunang emperyo ay sumunod nang lumabas sa bulwagan ang mga itinakdang prinsipe ng Parsua. Hindi ko na sila pinansin at sinalubong ko na si Claret.

"That was a lovely dance, minsan ay aanyayahan kitang sumayaw sa aking kaharian, Claret." Sabi ni Tobias.

Of course, Parsua Deltora was a kingdom known for arts and performance. Tobias would take this as an opportunity to boost the tourism of his kingdom. Lalo na't nakita niya ang reaksyon ng mga nilalang sa pagtatanghal ni Claret.

"You should ask Zen first, Tobias. It's impossible, to be honest." Sagot ko.

"Hmm . . . I'll ask you then."

"Pag-awit lang ang kaya ko, Tobias."

"Anything will do."

Sa wakas ay parang nakarinig na si Caleb dahil marahas na itong lumingon kay Tobias dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Ngunit nagpatay malisya lang sa kanya si Tobias.

Mas lumapit ako kay Claret at bumulong sa kanya. "He's more dangerous than Rosh. I swear."

"Just like Dastan," sagot ni Claret.

I tilted my head and looked at my brother from afar. Maybe?

But I didn't think that Dastan's trying to conceal or hide a part of his personality because he had always been like that, calm and reserved. Nakikitaan ko pa rin naman siya ng ibang emosyon. Unlike Tobias who had been acting friendly and warm. I had this feeling that he had those sharp edges that he had been trying to hide from everyone.

"Inaanyayahan na ang mga mandirigma mula sa Halla!" Malakas na sigaw ng tagapag-anunsyo.

Mas lalong lumakas ang sigawan dahil mas marami ang nilalang na sumusuporta sa kanila kumpara sa apat na prinsipe na nasa bulwagan na. Pero hindi nagpapatalo si Caleb at ang mga kawal na kasama niya. Mas iwinagayway niya ang bandila na hawak niya at nagawa niya pang tumayo roon sa mismong harang na nakapagitan sa bulwagan at upuan namin.

Nang sunod-sunod nang lumabas ang mga taga Halla, mas lalong nabuhayan ng dugo si Caleb.

"Damn it! Panalo na tayo! Mas makikisig tayo! Parsua! Parsua! Parsua!" Lumingon pa sa amin si Caleb na parang mapipilit niya kami ni Claret na sumabay sa pagsigaw niya.

But what I had noticed? Tobias was happily supporting Caleb while clapping his hands.

"Caleb is so competitive," nasabi ko na lang.

"Parsua! Parsua! Rosh! Huwag ka magpapagasgas!" Sigaw ni Caleb habang walang tigil sa pagwagayway ng watawat.

Nakakunot na ang noo ni Zen, walang pakialam si Blair at nakangisi sa direksyon naming si Seth. Si Rosh iyong nangunguna sa kanilang apat.

"Caleb, nakatingin sa 'yo si Kamahalan," sabi ko.

"Parsua! Parsua! Par—" Unti-unting humina ang boses ni Caleb hanggang tumigil ito sa pagsigaw. Tuluyan na siyang naupo nang makumpirma niyang nakatitig na nga sa kanya si Dastan.

"Umirap . . . umirap sa akin si Kamahalan."

"Buti nga sa 'yo," sabi ko.

Tumawa sa tabi ko si Tobias. "You're not funny at all," bulong niya.

Tumigil na ang sigawan at nanuod na kami sa nangyayari. Nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban ang mga itinakdang prinsipe nang biglang tumayo si Claret.

"Harper, may kailangan lamang akong puntahan."

"Saan? Bakit?"

"Madali lamang ako, ang kapatid ko—" agad kong iniwas ang mga mata kay Claret na tila agad na nasaktan sa kaunting sinabi niya na iyon. She was aware that I still had a heartache because of her great brother.

Sand Scented Jar (Gazellian Series #9)Where stories live. Discover now