Nang masiguro na maayos na siya ay doon lang ako umalis sa harapan ng pintuan. Pinapasok ko siya .

"Wow " I heard she mumble .Sinara ko ang pintuan para hindi makapasok ang masasamang elements.

"Pwede ng mag salamin sa tiles niyo .Sipag naman ni Elodia "

What? Anong si Elodia ? Eh ako ang nagkuskos niyan hanggang kitchen .

"Actually -"

Nang marealize ang sasabihin ko ay tumahimik na ako .Naglakad lakad na ito papasok kaya huminga ako ng malalim. Hindi nila dapat malaman na ako ang naglinis nito. I'm sure aasarin ako nila ni Fenyun. Sure na masisira ang image ko .Dapat hindi makalabas sa four corner ng bahay ang mga giangawa ko dito sa loob .

"Hey "

Doon bumalik ang ulirat ko at nakitang nagbabatian na ang dalawa. Mabilis akong naglakad papunta sa kinatatayuan nila at bumeso na rin kay Reika .

Pinanlakihan ko siya ng mata .

Inilagay ko ang kamay sa gilid ni Elodia at inalalayan itong makaupo ng maayos. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtaas ng kilay ni Reika pero hindi naman ito nagsalita.

"Where's Athena ?" I asked while closing my laptop .

"Iniwan ko sa bahay " Diretso nitong sagot .I want to laugh dahil sa itsura niya. Halata namang pinapahirapan siya don .Pero ako ,hindi dapat nila mahalata.

"Then why are you here ?"

"Ay istorbo ba ako-"

"Oo ....ouch" hindi ko pinatapos ang sinasabi niya .Dahil totoo namang istorbo siya .

Nakaramdam ako ng isang kurot sa tagiliran ko .Pagtingin ko sa katabi ko ay pinanlakihan ako nito ng mata .Halatang sinasaway ako .Bakit ba totoo naman ang sinasabi ko .

I heard a laugh from the other person .Nginitian ko si Elodia bago dahan dahan na inilapit ang bibig ko sa tenga niya .Nakakarami na siya .Ginagawa na nga niya akong maid ,gumaganyan niya pa ako .

"I'm the boss" I whisper on her .Tiningnan ko ang reaction niya pero parang wala lang siyang narinig.

Tumingin muna siya sa bowl niya ng buto bago ako tingnan. My mouth went agape nang makita na isusubo niya sa bibig ko ang buong seed ng kalabasa. Sa nakikita ko ay hindi pa ito nababalatan. Wala akong nagawa kundi ang ayusin ang buka ng bibig para makain iyon .Agad naman akong napangiwi nang malasahan kung gaano kaalat ang pinakain niya sa akin .

This thing will give me gallstones .

"Ang kinang talaga ng floor niyo .I can even see my own reflection " Salita ni Reika .Mabuti na lang ay hindi pala ito nakatingin sa aming dalawa ni Elodia .

"Sipag mo Elodia ahh " puri naman nito .She clapped her hands .Ang katabi ko naman ay parang nagsabi ng award dahil grabe makangiti.

"Why are you here nga?" I asked para ibahin ang topic .

"Fen and Cath went to Cavite for vacation then Yka and Tine also .I'm thinking kung saan pwede mag vacay"

"Do you think Athena will agree ?" Basag ko sa iniisip niya .Agad Itong napasimangot kaya napangiti ako .Sabi ko na nga ba ,hindi pa niya tinatanong yung isa pero nag iisip na siya .

"That KJ .Gusto lang naman non pumunta sa China " himutok niya .Well she hates our mother country dahil nandoon ang lahat ng pressure na iisipin mo .

"Well ,hindi pa namin napaguusapan " sagot ko sa tanong niya kanina. Humarap ako kay Elodia pero sumenyas lang ito .Hindi ko man naintindihan ay tumango na lang ako .She got up from her seat .Pinanood ko lang ang likod nitong papunta sa kusina.

"Oy" agaw sa pansin ko .Salita nang salita tong kaharap ko ,alam na may tinitingnan eh .

"How about marriage ?" Tanong niya .

Agad kong inilagay ang kamay sa bibig niya .Hindi niya dapat sinasabi ang mga ganyang bagay lalo na ngayon . Reika got shock a little bit .Bago pinanlakihan ako ng mata .

"Hindi ko pa nasasabi" honest kong sagot .

She remove my hand on her mouth .Hinampas pa niya ang head rest ng sofa .Ang drama talaga .

"Are you out of your mind ? Simula ng dinala mo siya dito nakatali na siya sayo .Daxia ,what happened on our mantra ? .Sabihin mo na sa kanya . Ipaliwanag mo na,na  kailangan niyong ikasal bago pa man lumabas ang baby .Wait -wait how about your relationship? ano na ?"

Suddenly ,bigla akong nakaramdam ng pressure.

"Hindi pwede .Wala pa ,wala pa kaming nagagawa na foundation for the relationship. And the marriage ,Reika pahirapan ang ginawa ko para madala siya dito .I'm sure na aalis yan kapag nalaman niya ." I bit my lower lip .Napatampal naman ang isa sa noo niya .

"S-si Yka ,ikaw ,si Fen at si Alexa .Hindi pa naman kayo kasal ahh " sagot ko .Alam ko naman ang consequence but still hindi pa rin naman sila nag settle.

"Si Alexa ikakasal na ,ako nakaready na lahat ,si Fen I know napag uusapan na yun ,si Yka ex naman niya yung girl kaya madali na lang .Eh kayo? " balik na naman niyang tanong.May pagtayo pa ito na akala mo sobrang intense ng pinaguusapan namin .

"Noong dinala mo ba siya dito nasabi mo na may possibility na ikakasal kayo?"

I slowly shake my head.

"How 'bout ,sinabi mo ba na kapag nalaman nila Auntie na nandito siya ipipilit nila ang kasal? "

I shake my head again.

Agad na napapalakpak ang isa .

"Mapapasubo ka nga dyan "

"Pwede ba inaayos ko pa yung connection namin " sagot ko .Pinepressure nila ako .

"Alam mo h-" tumigil siya sa pagsasalita bago umayos ng upo .Nagtataka ko itong tiningnan pero nginuso niya ang isang direksyon. Umayos na rin ako ng upo bago tingnan ang taong paparating.

May dala siyang tray ng mga pagkain.

I get up from my seat at sinalubong ito .Ako ang kumuha sa tray ,alam kong may kabigatan iyon .

"Thank you" ang kapal talaga.

Pagkalapag ko palang ng tray sa center table ay kumuha na agad ang bisita namin .Akala mo naman kung sino .

Nagsalin na lang ako ng juice sa tatlong baso .Inayos ko ang pagkakalagay sa harapan ni Elodia.

Naging tahimik ang kapaligiran dahil may laman ang bibig ni Reika. Pasimple akong tumingin sa katabi ko .She offers me a sandwich kaya kinuha ko na .I smile on her.

Bumaba ang tingin ko sa daster na suot niya,bagay na bagay talaga sa kanya .I think dapat nga talaga mag level up na kami .

Pero paano?

Bahala na !

Hindi naman siguro ako iiwan ni Elodia kapag sinabi ko ang about sa marriage .Hindi naman niya siguro ako tatakbuhan.

Stay With Me Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang