"Opo."

"And you have your piano here. Wala na sigurong rason para magreklamo ka pa? Lalo na iyang si Criselda na parang ayaw na sumunod sa usapan naming dalawa pagdating sa pag-aalaga sa'yo."

Hindi ko mapigilang masaktan dahil sa sinabi niya pero kung magrereklamo ako saan na lang ako pupulutin? Alam ko namang ayaw nila parehas sa akin kaya wala akong magagawa kung hindi ang sumunod na lang.

"Thank you, Papa."

I saw him flinch after I called him papa. He rolled the sleeves of his dress shirt until they reached his elbows. My father raked his fingers through his hair before kneeling down just enough to face me.

"Don't you ever call me that. Ayaw ko lang na guluhin pa ako ni Criselda. You should be grateful I'm providing you with food and a place to stay."

Tumango ako. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko pero pinigilan ko iyon.

"Naiintindihan mo ba ako, Simon?"

"Opo, naiintindihan ko po."

He stood up. "Very good. Maiwan ko na kayo. Linda, ikaw nang bahala sa bata."

Palaging gano'n ang nangyayari sa akin. Salitan silang dalawa sa pag-aalaga sa akin kahit hindi ko naman masabi na talagang inalagaan nila ako. Nasanay na rin ako na walang magulang na napunta sa mga mahahalagang event ko sa buhay.

Graduation. Recognition. Birthday. I celebrated all of it alone.

"Wow, ang galing mo na mag-piano!" komento ni Nanang Linda habang nagpa-piano ako.

I smiled. "Thank you po. Sana next time matuto naman ako mag-gitara."

"Niligpit ko na ang mga gamit mo. Susunduin ka ba ni Ma'am Criselda?"

"Hindi po. Ako na lang po ang pupunta doon. Malapit lang naman po," sagot ko.

Binitbit ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit at gamit ko para sa isang linggo. Huminga ako nang malalim habang naglalakad palabas ng condo unit na ito. Marunong naman akong mag-commute kaya hindi ko na aabalahin sila Mama dahil baka sumbatan pa niya ako.

Habang nag-aabang ako ng jeep, nakuha ng pansin ko ang isang matanda na nakanta habang naggigitara. Maraming naaliw sa kaniya dahil kahit may edad na siya ay masasabi kong maganda pa rin ang boses niya. Bumaba ang tingin ko sa isang lata na nasa harapan niya. Doon nila hinuhulugan ng barya ang matanda.

Hindi ko namalayan na halos isang oras na akong nakatambay doon habang pinapanood siya. Maganda kasi ang boses niya tapos ang galing niya rin mag-gitara kahit medyo may kalumaan na iyon. Ilang beses na rin akong naghulog ng barya sa lata niya.

"Hijo, may request ka ba na kanta? Kanina ka pa nandito."

Nagulat naman ako nang bigla niya akong kinausap. Napansin ko namang nagsialisan na ang ibang mga tao at ako na lang ang natira. Umupo siya sa unang baitang ng hagdan bago uminom ng tubig.

"W-wala po. Nanonood lang po talaga ako," sagot ko.

Dumako ang tingin ko sa gitara niya bago ako nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman ang halakhak niya.

"Gusto mo bang matuto mag-gitara?" natatawa niyang tanong.

Umiling ako. "H-hindi po!" Agad akong tumakbo sa malapit na jeep para sumakay.

That was the first time I met Tatay Joel. I would always stop by his place every day to watch him perform. Araw-araw din akong naghuhulog ng barya at kapag may libre siyang oras ay tinuturuan niya ako na mag-gitara. 81 years old na si Tatay pero parang hindi iyon halata dahil malakas pa siya tingnan.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now