Chapter 43: A Nightmare

Start from the beginning
                                    

Sandaling natigilan si Samantha saka napatitig sa lalaking kaharap. Kung kanina ay may nababanaag siyang pag-aalala sa mukha nito, ngayon ay wala na.

Baka pinaglalaruan lang siya ng sarili niyang paningin. Muling huminga ng malalim si Samantha. "Yes please," sagot niya sa tanong ng asawa.

Tahimik na tumayo si Arem.

Mula sa bedside table nila ay kinuha nito ang isang bottled water at iniabot iyon kay Samantha pagkatapos nitong buksan.

"T-thank you,"

Sunod-sunod na lumagok ng tubig si Samantha. Nang matapos ay hinawakan niya ang plastic bottle.

Muli siyang huminga ng malalim. Na para bang sa paraan na iyon ay tuluyan na siyang kakalma. "That guy, is my ex boyfriend," panimulang saad ni Samantha.

Alam niya sa sarili na wala siyang ibang pwedeng pagsabihan ng karanasan niya in her past life. Tanging siya lang ang pwedeng makaalam noon dahil baka isipin pa ng ibang makarinig na nababaliw siya. O sinasaniban lang ng masamang espiritu ang kanyang katawang lupa.

Kahit nga siya ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sa kanyang karanasan.

Minsan ay tinatanong niya rin ang kanyang sarili.  Namatay ba talaga siya? Naranasan ba talaga niya ang lahat ng iyon? Hindi kaya masamang panaginip lang ang lahat? Isang bangungot na hindi naman talaga nangyari sa totoong buhay?

Pero hindi.

Alam ni Samantha na nangyari talaga ang mga bagay na 'yun. Dahil may bangungot ba na kailangan niyang maranasan sa loob ng maraming buwan?

Ang sakit ng kanyang buong katawan.

Ang kanyang kumakalam na sikmura.

Ang mga panlilibak, pangmamanipula, pananakit at pagsasamantala sa kanya ay isang bangungot lang?

Kalokohan.

Hindi naman siya masamang tao para maranasan ang ganoon.

Kaya naman pagkagising ni Samantha, inisip na niyang pakunswelo lang iyon ng kalangitan sa kanya.

Maybe the Heavens took pity. Maybe the Heavens felt guilty because she didn't deserve that kind of life.

"Did he do something to you?" Arem asked in his usual cold voice.

Samantha bit her lower lip. Alam niyang hindi niya pwedeng sabihin ng deretsa kay Arem ang kanyang karanasan. Pero gusto niyang may mapagsabihan noon, kahit na sa hindi deretsang paraan.

"I have a dream,"

Kumunot ang noo ni Arem.

Pero hindi siya nagsalita. Kahit na walang koneksyon ang sinasabi nito sa tanong niya, hindi niya magawang kontrahin ito o pigilan sa gusto nitong sabihin. He helplessly listen to her.

"In that dream, my foster parents brought their real daughter home. Dahil hindi ko iyon matanggap, lumayas ako dala-dala ang mga alahas at pera na nasa vault nina mommy at daddy. T-that guy, that guy is also my boyfriend in that dream, just like in reality. We're in a long-distance relationship. So I decided to stay with him. But that person stole my money and all of my jewelry. Then...then he left me behind. In that dream, no one wants to help me because they are afraid of him. No one helps me. Instead, they all tortured me. Someone wanted to sell me as a prostitute, then...other people wanted me to work like a slave. T-that dream...that dream felt so real that when my foster parents brought Daureen home, I told them that I'd replace her. I'm so afraid. I don't want that dream to happen,"

Hindi na namalayan ni Samantha na tumutulo na pala ang mga luha niya.

Iyon ang unang pagkakataon na inilabas niya sa ibang tao ang bigat na nararamdaman niya. Although hindi niya inamin na nangyari iyon sa kanya sa totoong buhay, at least, nailabas niya ang nasa loob niya.

The DivorceWhere stories live. Discover now