Chapter 40

102 2 0
                                    

XANDER POV

Akala ko simula na para buuin ang masaya naming pagsasama. Akala ko magagawa ko na siyang pagsilbihan. Mayakap, mahagkan at makasama araw araw.

Kung ano ang saya ng aming kahapon, sobra naman ang sakit ngayon. Hindi ko pa rin lubos akalain na ang laki pala ng epekto ng pagkakamali ko sa nakaraan.

Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko nun. Sabik akong patunayan ang aking sarili sa aking ama pero kapalit nun ay masaklap na trahedya. Pilit kong kinalimutan at bumangon pero tama nga sila. Hindi mo basta basta maibabaon sa nakaraan ang pagkakamali.

Hindi man ako ang pumatay sa papa niya pero ako ang dahilan nun. Binabagabag ako ng aking konsensya. Hindi ko matanggap na ako ang dahilan ng matagal niyang paghihirap.

"Hey, let me help you with your hand" sambit ni Trixie. Bakas sa mukha niya yung pag-aalala. Matapos ang usapan namin ni Dad nilabas ko ang galit ko sa pagsuntok ng pader pero bakit parang hindi man lang nabawasan yung galit ko sa aking sarili.

"I'm fine." Tipid kong sagot sa kaniya at ininom ang wine na nasa basong hawak ko ngayon.

"No you're not fine. Ma-iinfect ang sugat mo" medyo naiinis na sambit nito sakin.

"Yeah, I'm not fine. I ruined his life. His family. I'm the reason why his in pain" sambit ko sa kaniya. Ako dahilan ng trauma niya.

"You did not kill his Dad. Hindi ikaw ang dapat magbayad sa kasalanan na hindi mo ginawa." Trixie

"Hindi nga ba? Hindi man ako ang personal na pumatay sa kaniya ako pa rin ang dahilan. Sa tingin mo matatanggap pa rin niya ako pag nalaman niya ang totoo?" sarkastikong sambit ko sa kaniya.

Hindi na siya sumagot at naupo sa tabi ko. Kumuha rin siya ng alak at sinalin sa baso niya. Tama nga siguro si Dad, kung gusto kong ligtas na mamuhay si Carl, dapat layuan ko siya dahil ako ang nagdadala ng problema sa kaniya. Hanggat magkasama kami hindi kami lulubayan ng problema na magbibigay sa kaniya ng pangamba at takot.

Pinangako ko sa kaniya na poprotektahan ko siya pero ako pala itong mananakit sa kaniya. Hindi ko deserve ang katulad niya. He deserve more and better guy than me. Yung taong ilalayo siya sa kapahamakan at laging iisipin yung kaligtasan at kasiyahan niya.

Sa dami ng alak na nainom ko nakatulog na ako sa sofa. Pag gising ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng mga problema ko. Tiningnan ko ang phone ko pero walang tawag mula sa kaniya. Alam na ba niya? Gusto kong magpaliwanag sa kaniya kahit magalit pa siya sakin. He deserved to know everything kahit ipagtabuyan niya pa ako at iwan.

Iwan? Ang sakit lang isipin na iiwan niya ako. Parang hindi ko kaya. He occupied my heart and my mind. Pakiramdam ko hindi na ako mabubuo pag wala na siya sa piling ko.

I dialled his number pero out of coverage. I tried and tried many times pero wala pa din. I have to go to his house kahit ngayon lang. Kinuha ko ang susi ng motor ko at palabas na sana ng makasalubong ko ang mga kaibigan ko. Anong meron? Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala.

"Anong problema?" takang tanong ko sa kanila. Nagtinginan pa sila kung sino ang sasagot.

Napakunot tuloy ang noo ko sa ikinikilos nila.

"Carl and his Mom are missing" kinakabahang sambit ni Nate.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

"We visit his house this morning pero maraming pulis ang nandon. Ayon sa mga nakakita may mga lalaking kumuha kay Carl at isinakay sa van" pagpapaliwanag ni Trev

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now