"As if you're not aware of our big brother, Harper."

Kapwa kami huminga nang malalim ni Casper at sabay namin sinimsim ang tsaa na hawak namin.

"You think he'd take . . ."

"Dastan has a responsibility to fulfill in this empire, Harper . . ."

Mas higit na kaming nag-aalala kay Dastan kaysa kina Zen at Claret na nasisigurado namin na may sarili ng mundo at masaya na sa isa't isa.

Casper and I were in the middle of our conversation when we felt an unfamiliar presence in our palace. Kapwa kami tumayo ni Casper at sumilip sa bintana tanaw ang labas kung saan makikita namin ang mga nilalang na maaaring pumasok sa palasyo.

We were right about the unfamiliar presence— we had our visitors. There was a woman and her young aide.

"A princess?" I asked.

"Probably . . ." sagot ni Casper.

Sina Lily at Caleb ang siyang kasalukuyang kausap ng mga panauhin namin. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si ina para salubungin ang aming mga panauhin.

"Hmm . . . mother went outside, huh? This princess might be special," sabi ni Casper.

"Isn't she a little bit familiar? Bakit siya narito?"

"Maybe she'll offer blood to Dastan."

"Oh, really?"

Casper nodded. "I told you I've been aware that the councils have been trying to find a better blood to feed for our brother."

"Hmm . . ."

Hindi na kami sumali ni Casper sa pagsalubong sa prinsesa, ngunit nanatili kaming nagmamasid sa kanila hanggang sa pumasok na sila sa palasyo. When Caleb noticed us as we watched them on the ground floor, all he did was grin. He was so proud that our mother appointed him to accompany our visitor.

"Isn't it a bad idea? Bakit si Caleb ang pinaghatid ni ina sa panauhin?" Ngiwing sabi ko.

"Caleb's good with conversation."

We were hoping that the arrival of the princess from the other empire would help Dastan with his recovery, but after a few minutes, we heard the commotion on the ground floor. Sabay kaming nagmadaling lumabas ni Casper sa silid habang ang mga tagasunod sa palasyo ay may kanya-kanyang kumpulan sa aming nadadaanan. Ngunit agad rin silang naghihiwa-hiwalay kapag tinititigan sila ni Casper.

Nagmamadali kaming bumaba ng hagdan ni Casper habang nakatanaw sa nakabukas na pintuan ng palasyo sina ina, Lily, at maging si Caleb.

"What's going on? Si Dastan ba ang nakasakay sa kabayong iyon?" I asked.

"Oh, no! This is all my fault . . ." Caleb dramatically said.

Napahawak siya sa kanyang noo na tila mawawalan ng panimbang. Nagkatitigan kami ni Lily habang nakangiwi sa isa't isa.

"Mother . . . napakasama kong kapatid." Sabi ni Caleb na yumakap na kay ina. "I should have checked his room first bago ko dinala ang prinsesa . . . na ang diyosa pala. Oh, no!"

Mother rolled her eyes as she tried to push Caleb away from her. "Get off me, Caleb!"

Umiiling si Caleb na humiwalay kay ina bago niya muli tinanaw ang daan kung saan naglaho na si Kamahalan na nasisigurado kong hinahabol na ang diyosa. Napasuklay siya sa kanyang sarili na tila nagsisisi siya sa kanyang ginawa.

"Hindi ko alam na umiinom na pala siya ng dugo ng ibang babae. Nasampal . . ." Humarap na siya sa amin na tila nagdaramdam. "Nasampal ang kapatid ko nang walang kalaban-laban . . ."

Sand Scented Jar (Gazellian Series #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon