Chapter 42: Concerned About Her

Start from the beginning
                                    

Palabas lang ang lahat.

Hindi maintindihan ni Samantha kung dala lang ba ng hangover kaya nag-o-over think na naman siya. Pero hindi niya mapigilan ang emptiness na bigla na lang lumukob sa buong pagkatao niya.

Tsk.

Next time hindi na talaga siya mag-iinom!

Huminga ng malalim si Samantha. Pilit na hinahanda ang sarili sa paghaharap na magaganap. Honestly, hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin sa mga ito.


Like a robber at night, Samantha carefully opens the door.

Dahan-dahan habang nakasilip siya sa labas. Ang unang nakita niya ay mahahabang biyas ng hita. Hindi ganoon katanggap ang foster father niya, siguro iyon ang mapapangasawa ni Daureen?

Dahan-dahang tumaas ang tingin ni Samantha. Mula sa mamahaling sapatos nito, pataas sa mahahabang hita nito na nababalutan ng mamahaling slack pants, hanggang sa mamahaling polo...sa mestisong b-braso?

Bakit parang kilala niya ang braso na 'yun?

At ang relo na nakasuot sa braso!

Gimbal na kaagad tiningnan ni Samantha ang mukha nito.

It's him?!

Samantha's hands were trembling and she felt sick to her stomach.

Dahan-dahang binitiwan niya ang doorknob. Samu't-saring mga tanong ang gumugulo sa kanyang isipan.

Bakit ito naroon?

Hindi ba at pinakasalan na niya si Arem? Ibig sabihin, wala na dapat dahilan para magkaroon sila ng koneksyon sa isa't-isa. Pero anong klaseng twist 'to?

Ang walanghiya niyang ex, mapapangasawa ni Daureen na anak ng foster parents niya?

Bumilis ang tibok ng puso ni Samantha.

Tulalang nakatitig lang siya sa kawalan.

Ito ba ang nangyari sa nakaraang buhay niya?

Nang tumakas ang lalaking iyon kase ang lahat ng mga pera at alahas niya, pinakasalan nito si Daureen?

"You!"

Kunot-noong nilapitan ni Arem ang babaeng pumuyat sa kanya nang nagdaang gabi. Halos hindi siya makatulog dahil sa kalikutan nito sa higaan. Wala pa itong ginawa kung hindi ang yakapin siya nang yakapin.

"Woman!"

Arem called, still feeling annoyed.

Pero sa halip na sagutin siya ay nakatulala lang ang babae. Hindi normal ang paghinga nito at nakatingin lang sa kawalan.

Binundol ng kaba si Arem.

Iyon ang pangalawang beses na kinabahan siya sa tanang buhay niya, ang una, ay noong mawala ang kanyang ama.

"Samantha? Samantha what's wrong?" Nag-aalalang hinawakan ni Arem sa pagkabilang balikat ang kanyang asawa.

Marahan niya itong niyugyog pero nanatili lang ito na nakatitig sa kawalan.

"Hey, Samantha," marahang tinapik ni Arem sa pisngi ang asawa pero nakatayo lang ito habang nakasapo sa dibdib ang dalawang palad na parehong nanginginig.

Ganito na ba ang nangyayari kapag umiinom ng alak?

Hindi mapigilan ni Arem na sisihin ang sarili. Naisip niya na baka ang ginawa niyang pagpapaligo dito gamit ang malamig na tubig ang siyang dahilan kung bakit nagkaganito ang babaeng kaharap.

The DivorceWhere stories live. Discover now