Chapter 41: Torture And Imaginations

Start from the beginning
                                    

But no.

He has to control himself.

It's just self control. Kailan niya ba hindi na-kontrol ang sarili niya? He have been single for the past thirty years.

Not because he's not attractive enough, but because he doesn't want to. He's not fond of relationships. Para sa kanya, sagabal lang ang mga iyon para maisagawa ang mga plano niya sa buhay.

"Bed? This is my bed," ani Samantha na kahit lasing na ay tuwid pa rin naman magsalita.

Hinampas nito ng sariling kamay ang kama na inuupuan nilang dalawa.

"It's my bed. Ikaw dapat ang kumuha ng bed mo," nakasimangot na saad ni Samantha.

Hindi niya matandaan kung saan nanggaling ang lalaking 'to. He's looking at her coldly and it's as if he's despising her!

Hmph!

Maybe it's just her imagination?

Maybe wala talaga siyang kasama sa kwarto niya? Wala namang sinabi ang sister-in-law niyang si Arya na may lalaki sa loob ng kwarto niya eh.

Siguro dahil sa palagi niyang iniisip kung paano makakatakas ng tuluyan sa walanghiya niyang ex kaya naman nag-i-ilusyon na siya ng lalaki.

And her imagination is not bad. It conjured something that was more handsome than that despicable person!

Well, since it's just her imagination, it's not a big deal.

"Ang init!"

Walang pag-aatubili na hinubad ni Samantha ang puting bestida na kaninang umaga niya pa suot. Bukod sa naiinitan na siya ay nanlalagkit na rin siya.

Wala siyang pakialam sa gwapong 'imagination' niya.

Pakiramdam naman ni Arem ay lilipad ang katinuan niya sa kalawakan.

Ano na namang kalokohan ang pinaggagawa ng babaeng 'to? Bakit biglang-bigla na lang itong naghuhubad sa harapan niya?!

"W-what are you doing?!" Hindi na mapigilan ni Arem ang pagtaas ng kanyang boses.

Gulat na napatalon naman si Samantha. Hindi niya inaasahan ang pagsigaw mula sa inagination niya na iyon.

"Mainit! At ang lagkit pa ng pakiramdam ko!" Gusto nang maiyak ni Samantha.

Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam.

"I want to bath," Mahinang bulong pa ni Samantha habang inaabot ang hook ng kanyang bra mula sa likuran.

Bago pa tuluyang tumambad sa harapan ni Arem ang tanawing hindi naman dapat ay naibalot na niya sa malaking kumot si Samantha.

"Can you please stop fooling around?" Naggagalaiting tanong niya sa asawa.

Hindi niya akalain na ganoon ito kapasaway kapag lasing.

Kung sino man ang nagpainom dito, sisiguruhin niyang malilintikan sa kanya mamaya.

"I'm not fooling around. I'm feeling hot and sticky! I want to bath," Samantha said while pouting.

Bakit ba napakapakealamero ng 'imagination' niya na 'to? Ano bang fooling around ang sinasabi nito eh nasa loob naman siya ng kwarto niya?

"Ang init-init na, binalot mo pa ako sa kumot," maktol ni Samantha na talagang wala na sa tamang wisyo dahil hindi pa rin nito nare-realize na walang 'imagination' na magbabalot ng kumot sa isang tao. At wala ring 'imagination' na magsesermon sa kanya kahit na laklakin niya pa ang lahat ng alak sa buong mundo. "I want to take a bath," mula sa pagkakaupo ay tumayo si Samantha.

The DivorceWhere stories live. Discover now