Nag aayos ng mga monoblocks si Arkus kasama ang mga student council katulad niya. May pupunta kasing anak ng gobernador para magbigay ng motivational speech.

Hinugot ko ang snickers sa bulsa at tahimik itong nilapag sa monoblock malapit sa inaayos niya. Hindi niya ako nakita at abala siya sa ginagawa. Ngumisi ako at 'di maiwasan na purihin ang seryosong mukha niya.

Nagtago ako sa may halaman nang makita niya na ang snickers na may little note. I watched as he read the note and it made him smile. Tinago niya sa bulsa ang note at kinain ang snickers.

"Yes!" bulong ko sa sarili.

Kung magiging tayo, hindi lang snickers ang kaya kong ibigay sa'yo, Arkus. 

Maagang natapos ang klase dahil dadalo kami sa program. Hinanap agad ng mga mata ko ang presensya niya at nagtaka nang hindi siya makita.

"Umuwi na ang baby mo..." bulong ni Jude.

Tahimik na nakikinig ang lahat sa lalaking nagsasalita sa stage. Magtatayo ng bagong building sa school at sila ang may donasyon no'n. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi at abala ako sa paghahanap kay Arkus.

"Paano mo nalaman?" 

"May samba sila tuwing huwebes," kaswal na sagot ni Jude.

"Ha?" I asked, confused.

"Hindi mo ba alam? INC si Arkus?" Jude divulged.

It shocked me a bit but somehow I understood. 

"Ang sarap ng nagsasalita sa stage! Anak ba ito ni gov? Gov baka naman!" maharot na komento ni Jude.

Hanggang sa sasakyan ay lutang ako habang iniisip ang nalaman. Sinundo ako ni Papa dahil nagkataon na isa siya sa mga nag escort sa anak ng gobernador papunta rito sa school at diretso na siyang uuwi kaya hinintay niya ako.

"Lalim naman ng iniisip ng isa d'yan..." napansin ni Papa ang pagkatulala ko.

Ngumisi ako at kinusot ang mata. 

"Inaantok lang, Pa," sagot ko sabay hikab.

Iba ang relihiyon ni Arkus. I respect all religions but there's something that worries me. I don't know what or which it is.

Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight at nahinto pa kami sa tapat mismo ng isa sa mga kapilya ng INC. It was huge and high. I always admire the exterior of it and for me it was just a genius craft.

Marami ang tao roon. Ang mga lalaki ay nakasuot ng black slacks at long sleeves. Ang mga babae ay kung hindi palda ay naka pencil cut skirt na lagpas tuhod saka blouse. 

"Sinong tinitignan mo riyan?" napansin ulit ako ni Papa.

Umiling ako at sa diretso nalang ang tingin.

"Mukhang may bumabagabag sayo? Sabihin mo sa akin ano 'yan, Miko..." ani Papa.

"Wala lang. May nalaman lang." sagot ko sabay singhap.

"Ano naman ang nalaman ng anak ko at masyadong napalalim ang pag-iisip," 

I sighed, "Yung crush ko kasi, INC pala siya..." 

Nakita ko ang mabilis na pagtingin ni Papa sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko kaya ito siya at gulat na gulat.

He got it already without me explaining. Because I was very close to my parents so they know every inch of me. 

I made Papa speechless the whole trip. Maybe we have the same thing running in our mind right now and just like me, he doesn't know how to vocalize it.

Paradise In Your Eyes (Street Series #6)Where stories live. Discover now