I. Trahedya sa aking Kaarawan

1 0 0
                                    

December 22, 2021

Una sa lahat
Panginoon, Maraming Salamat
Halo po ang nararamdaman ko ngayon
Masaya, sapagkat narating ko ang isa na namang taon
At ligtas parin lahat ng pamilya't kaibigan ko hanggang ngayon

Ngunit ako rin po ay nalulungkot
Sa dinami dami ng nangyari ngayong taon
Nakakahawang sakit at delobyong  isa isa tayong binabaon
Away dito away doon
Patayan kahapon patayan ngayon

Napakalungkot pong isipin
Na sa aking pagdiriwang ng aking kapanganakan
Ay may pamilyang nagdadalamhati ng lubusan 

Napakasakit po sa damdamin na sa aking pagtawa
Ay may mga taong tumutulo ang luha

At sa pagkabuo ng aking pamilya
Ay may isang pamilyang wasak sa buhay na nawala
At sa aking pagtulog ay may mga taong di makatulog sa pangamba
At ang bawat simula ng aking paghinga
Ay siya namang katapusan para sa iba

Tila ang karahasang ito ay walang katapusan
Sapagkat balita'y Covid, korupsyon, patayan na lang ang laging laman
At mas nakakalungkot isipin na ang ilang mga sangkot dito ay mga taong itinalagang alagad ng batas
Mga nanumpa ng serbisyo at tinuturing na tutulong sa mga taong nawala sa landas

'Para po sa ating pinaka mamahal na pamahalaan
Nais ko lang pong inyong malaman
Nasa totoo lang bilang isang kabataan
Ang mga nakikita naming ito ay nakakadismaya at nakakawasak ng pakiramdam
Sino na po ang aming paniniwalaan
Sapagkat ang aming nakikita ay puros karahasan na binalot ng kasinungalingan

Sabi nga'y kami ang magsisilbing pag-asa ng bayan
Ngunit eto ba ang nais ninyong aming tularan?
Hindi naman po diba kaya sana po kami'y inyong tulungan
Sana'y kayo ay maging tunay na huwaran
Nang sa gayon ay makamit natin ang inaasam na pag-unlad at kapayapaan'

Ang daming tanong at salita ang nais ko pang bitawan
Na alam kong ikaw lamang Panginoon ang makapagbibigay ng kasagutan
Nais ko lang iparating sa kung sino man ang nagbabasa nitong aking liham
Na lagi mo sanang tatandaan na ang mga ito'y pagsubok lamang
Na kinakailangan nating pagdaanan
Tandaan mo huwag kang magtatanim ng galit ninuman
Bagkus tayo'y manalangin at humingi ng tawad sa may kapal
Sapagkat eto ang pinakamalakas na armas laban sa anumang karahasan

Patuloy lang ang buhay sabay sabay din tayong tatayo
Patuloy ang panalanging dito na nga magtapos ang mga karahasang ito
Nang sa gayo'y tayo naman ang magsasaya sa darating na pasko
Eto lang po ang aking hinihiling hindi para sa akin kundi para sa lahat ng tao

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KATHA ng ISIPWhere stories live. Discover now