2: Welcome

2 1 0
                                    

NAKATAYO niyang tiningala at pinagmamasdan ang skwelahang nasa harapan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKATAYO niyang tiningala at pinagmamasdan ang skwelahang nasa harapan niya. Nakasuot na siya ng uniporme na kulay blue ang sleeves at Blue skirt and long white medjas na nakuha niya sa gamit ni Carmilla. Araw ngayon ng Biyernes at unang pasok niya sa Rosario University School bilang fourth year student. Isang buwan na ang nakalipas simula ng mawala ang kaibigan niya. Ilang oras siyang nakatayo doon, nang maisipan niyang pumasok sa loob.

Sa di kalayuan ay may isang lalaki na malapit sa bulletin board, ay natanaw niya ang isang babaeng Palingon-lingon sa paligid na tila ba may hinahanap. Nilapitan niya ito.

"Hi, you're new here?" tanong niya sa babae ng makalapit siya.

Sinipat siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya nito sagutin.

"Yes..hinahanap ko kung saan dito yung guidance office." malumanay na sabi nito.

"Ah! sakto! do'n rin ako papunta."

Kunot noo siyang tingnan nito. "Uhm..I'm Dayrone Reyes, and I'm the student council president dito sa school." pagkilala niya at nilahad ang kanang kamay.

Tinignan lang nito ang kamay niya.

"Anna... Anna Santos." sabi nito. "Hinahanap ko ang office-," anang nito.

Binalik ang kanyang kamay sa bulsa nang napapahiyang di ito tinanggap ang pag pagkilala niya. Ngumiti siya at nag simulang naglakad.

"Tara?"aya niya nito at nagsimulang maglakad.

Tahimik lang sila naglalakad at di naman mapigilang hindi magtanong ni Dayrone.

"Bakit nga pala ngayon ka lang nag transfer?" biglang tanong niya at binasag ang katahimikan sa pamamagitan nilang dalawa.

Tumingin pa ito sa kanya bago nagsalita. "Kahapon lang na kompleto ang requirements ko." malumanay nitong tugon.

"Ah, sa'ang school ka dati?"

Matagal bago siya ito nagsalita. "Clarkson International School." sagot nito.

"Ah..malapit ng mag end ang school year, bakit ka nag transfer?" tanong niya habang nagtuloy-tuloy ang paglalakad. Lumingon siya sa likuran ng mapansin niyang hindi na ito nakasunod sa kanya.

Nakayuko ito habang yakap-yakap ng dalawang braso ang hawak nitong envelope kanina. Hindi niya masyadong kita ang mukha dahil sa bangs nito. Kunot noo niya itong nilapitan.

"Hey, are you okay? I-I'm sorry-"

"No, it's okay..I have my reason, that's why I chose to transfer here." nakangiting tugon nito.

"Uhm..malapit na tayo sa office. Let's go."anyaya niya.

Tahimik na silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa office.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PSYCHOPATHWhere stories live. Discover now