Chapter 40: Asking For A Gift

Start from the beginning
                                    

Her cute facial expressions have become his entertainment these past few days.

"A-asawa ko, i-iiwanan mo kami?" Samantha inquired in a strangled voice as her eyes turned red.

Kahit na alam naman na ni Arem na umaakto lang ang babae. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit bigla siyang kinabahan pagkarinig niya sa salitang 'asawa ko'.

This woman!

She kept on messing with his thoughts affecting his emotions so much that he didn't know how to handle them properly.

"I'm not that stupid," tanging naisagot na lang ni Arem. Tiningnan nito ng walang kaemo-emosyon ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ng mga kapatid at ina niya. "Go back. I told you already, I'll stay with my family for the rest of my life."

Galit na ihinampas ni Chairman Syquia ang mamahaling tungkod na dala niya sa lupa.

"Impudent!"

Arem narrowed his eyes. Pero hindi siya kumibo. Wala na siyang gana na pakinggan pa ang lolo niya na sa loob ng labing limang taong kasama ito ay puro pangmamanipula lang ang ginawa sa kanya.

"A-arem apo, hindi ka nababagay sa lugar na 'to. Umuwi ka na sa atin dah—,"

"Matriarch, I don't belong in your world," putol ni Arem sa sasabihin pa sana ng matandang babae.

Alam niya kung gaano ka-bias ang mag-asawang Syquia.

Alam niyang ang panganay na anak talaga ng mga ito ang kanilang paborito. Pero dahil likas na matalino siya at may talento sa pagnenegosyo, nagawa siyang ilayo ng mga ito sa kanyang ina kung kailan pa kailangang-kailangan siya nito.

Ngayong nakatakas na siya mula sa matalim na kuko ng dalawang matanda. Hinding-hindi na siya babalik sa poder ng mga ito.

"Arem your the heir of our family!"

"Sorry. But I don't deserve that position,"

"Arem!" The elderly couple is furiously calling to him.

Pero sa halip na pansinin ang mga ito ay hinawakan ni Arem sa braso si Samantha at saka ito iginiys papasok sa loob ng bahay.
"Let's go inside,"

Nagpatianod naman si Samantha.

Bago tuluyang tumalikod ay nakita niya pa ang nakakairitang pagngiti ni Cynthia.

Hmp. Akala yata ng mga ito ay madali kaming paikutin. Magdiwang lang kayo ngayon. One of these days, kakatukin na lang namin kayo sa inyong pintuan para singilin kayo.

Nang makarating sila sa loob ng bahay ay muling sumilip si Samantha sa labas. Pinapagalitan na ng dalawang matanda si Ginang Helda at ang asawa nito.

Hinahanap ng dalawa ang labing limang milyon na sinasabi ni Samantha.

"Hmp! Pupunta-punta sila ng walang regalo ha. Mag-away kayo ngayon,"

"Is that really important?" Nakataas ang kilay na tanong ni Arem.

"Ang alin?" Pagbabalik tanong naman ni Samantha.

"The gifts,"

Tinitigan ni Samantha ang asawa na para bang isa itong malaking joke.

"Syempre inportante 'yun. Kailan ba hindi naging importante ang mga regalo? Tsk. Hindi man lang sila nakaisip magregalo ng isang dosenang pinggan? Dalawang unan? Bedsheet at mga punda? Electric fan? Washing machine? O kaya hindi na lang sila nag-abot ng pera? Naturingang pamilya mo pa naman sila. Tsk. Tsk. Tsk." Naiiling na iniwanan na lang ni Samantha ang lalaking tila ba napag-iiwanan ng panahon.

At kailangan pa talaga nitong itanong kung importante ba ang regalo?

"Hay naku, ako na ang nakapag-asawa ng manhid," ani Samantha saka nagtungo sa pintuan nila sa likod ng bahay.

Naiwanang nakakunot-noo naman si Arem. Pakiramdam niya tuloy ay kasalanan niya pa na nagtanong siya.

Sa totoo lang, minsan ay nahihirapan na siyang pakisamahan ang kapatid niya maging itong babae na ito na ngayon ay asawa na niya. Pareho silang mahirap intindihin.

Hindi kaagad sumunod si Arem sa likuran ng bahay. Sa halip ay nag-text siya sa gc nilang magkakaibigan. Ipinakita niya ang larawan ng kanyang marriage contract at saka siya nanghingi ng regalo mula sa mga ito.

Okay lang kahit hindi na sila magpakita. Ang importante, makarating sa bahay nila ang mga regalo dahil ayaw niyang napagbuntunan ng sisi sa araw pa mismo ng kasal niya.

Regalo lang pala ang ipinuputok ng butse ng babaeng 'yun eh. Hintay lang at tatambakan niya ito ng regalo.

Matapos mag-text ay muli nang itinago ni Arem ang cellphone niya.

Wala pa man ay iniisip na niya kung ano ang reaksyon ng magandang mukha nito oras na dumating na ang mga regalo.

*****

Maang na tiningnan ni Trap ang picture na sinend ni Arem sa gc nila. Although him, Droid and Felix were Arem's subordinates, they are also friends.

"What's this?" Tanong niya kay Felix na kasalukuyang may binabasa sa loob ng opisina nito. May iaabot lang sana siyang dokumento dito pero hindi mapigilan ni Trap na buksan ang phone dahilan para makita niya ang larawan.

"A marriage contract?" Patanong na sagot ni Felix.

Muli nitong itinuloy ang pagbabasa pero makalipas lang ang ilang segundo ay kaagad nitong ibinaba ang binabasa.

"H-he's asking for a wedding gift!"

Nagkatinginan ang magkaibigan. Akala ba nila ay umuwi ng Pilipinas ang boss slash kaibigan nilang si Arem para palayasin nito ang babaeng itinakda ng gahaman nitong mga tiyahin at tiyuhin?

Pero ano itong marriage contract na naka-post sa gc nila? Na may nakasaad pa na 'send me your wedding gifts. ASAP!'

Yuno: Wow man! You married her for real?

Ysmael: And you're asking for a gift? Hahahaha.

Henri: Wait, I'll tell my secretary to buy a bedsheet and pillows. Para sa honeymoon niyo!

Ysmael: Honeymoon? Does he know how? Hahaha.

Napuno ng asaran ang gc nila pero ni isa doon ay walang nireplyan si Arem dahil hindi naman na ito muling nakahawak ng phone. 

Napailing na lang si Trap habang binabasa ang pang-aalaska ng tatlo pa nilang kaibigan. Sila man ni Felix ay nag-iisip na rin sa kung anong regalo ba ang ibibigay.

Iyon ang unang pagkakataon na nanghingi ng regalo sa kanila ni Arem. Kaya naman sisiguruhin nila na katanggap-tanggap ang regalong ipapadala nila sa bagong mag-asawa.

The DivorceWhere stories live. Discover now