THE 1000TH CENTURY YOU

2 0 0
                                    

Version 4575.

"Mikael." Naaalala kong bigkas ko sa kanyang pangalan noon.

Pinapanood ko ang—kung ano mang bersyon ng sarili ko sa mundong ito—pag-amin ko sa aking nararamdaman para sa kanya.

"I like you." At sa sandaling iyon, ganon kabilis kong pinagsisihan na aminin sa kanya ang totoo.

Sa library pa naman, isa sa mga pinaka-romantic na lugar na maiisip ko ayon sa mga nababasa ko at mga napapanood ko. Pero no matter how perfect the moment and the place might be, isa lang ang masasabi ko... wala pa rin akong magagawa sa sasabihin niya sa akin.

"Sorry, Choc-nut. May girlfriend na ako." Hinawakan niya ang mga kamay ko at sabay itinaas ito sa distansyang bumubukod sa aming dalawa.

Kaso, bakit nga ba Choc-nut ang tawag niya sa akin, aber? Simple lang ang sagot sa katanungan ninyong lahat. Pangalan yon kasi ng chocolate na lagi kong binibigay sa kanya, lalong-lalo na sa mga panahong malungkot siya. And do you know what the worst part is?

"Ah, alam ko naman yon. Sinasabi ko lang." Paninigurado ko sa kanya non. "Alam ko naman na importante sa'yo si Nicole kaya, ayoko namang gumitna sa inyong dalawa."

"Salamat talaga, Maria." Yakap niya sa akin bigla.

And that was the only time na binanggit niya ang totoong pangalan ko. Sa mga ibang bersyon naming dalawa sa iba't-ibang mundo, lagi niya akong tinatawag, Choc-nut, Iya, Liit, Paro-Parong Bukid, at kung anu-ano mang palayaw ang maiisip niyang gusto niyang ibigay sa akin. Never ever kami naging close, pero never ever din kaming hindi close. You know what I mean? As in friends na friends lang talaga.

Kaso, kahit gaano pa ka-romantic yung bersyong ito, ganoon din kalungkot ang nakita kong nararamdaman ko sa mundong ito.

And next thing I know, pinapanood ko ang sarili ko umiyak. Basang-basa. Sa ilalim pa ng ulan para hindi halata. Paano nga ba ako magsusurvive sa heartbreak na 'to kung ganito pala kasakit ang magmahal? Short answer, I never did. Long answer, masakit pa rin. Biruin mo, hanggang sa pag-graduate mo, lagi mo silang nakikita magkasama. Online o offline. Never pa sila pumalpak sa pag-uupdate sa akin ng mga ginagawa nila. Intensyonal man o hindi. And honestly, I couldn't blame them. In love, eh. Tapos, bagay pa sila. Who on earth and heaven would deny them of that right, diba? And why? There was no reason to. It was just... common sense.

"Iya Dominguez!" 

And just like that, bumalik ako sa mundo ko: Version 999, kung saan never pa kami pinagtagpo ng lalaking mahal ko.

The 1000th Century You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon