Hada' Series Presents : Ang Lihim ni Tito Larry (3)

Start from the beginning
                                    

-

tama ba na nagpaubaya ako sa aking bading na tiyuhin? yan ang paulit ulit na umiikot saaking isip habang nagtatrabaho sa sagingan hanggang sa sumapit na ang hapon at oras na naman ng pag uwi' 

-

naglalakad ako papalapit saaming barong - nang makalagpas sa pader ng malaking bahay e' nakita ko na si tito larry - nasa katabing puno malapit sa mga timba na ipunan namin ng tubig na pang ligo at pang hugas ng kung ano ano. 

-

suot ang maiksing itim na short na madalas e' gamit niya sa paliligo - balot ng bula at sabon ang buong katawan nito marahil e' kakauwi lang din galing sa pagbubuhat ng banyera ng mga isda at dumiretso sa paliligo paguwi.

-

agad akong napansin nito at sinalubong ng tingin "oh choi sakto magkasunod lang tayo - may pagkain na diyan sa supot - ihain mo na't sabay na tayo kumain pag tapos ko dito" salubong nito saakin na parang wala lang yung nangyari kagabi.

-

nagkibit balikat naman ako tuloy tuloy lang na pumasok saaming barong barong ---- agad kong napansin ang nasa supot may apat na pirasong piniritong manok mula siguro sa kanto - bagong saing din ang kanin sa kaldero ---- mukhang kumita ng malaki ang tito larry ko ah' typical naman saamin ang pritong manok dahil yun ang pinaka mabilis at pinaka mura pero hindi typical na apat na piraso - dahil madalas e' tig isa lang kami dahil sapat naman na iyon kapartner ng toyo' 

-

napangisi nalang ako habang nilalapag yung bag ko sa papag "to dami nitong ulam ah, itatabi ko ba yung iba para bukas?" wika ko. 

-

"hindi pagkain natin yan ngayong gabi, nakapag tabi na din ako para sa ulam bukas" saad nito. 

-

tapos na siyang maligo at ngayo'y nasa tapat na ng entrada ng barong at nagpapatulo "nagpa-bonus si boss eric e' malaki ata ang kinita sa isdaan at may dagdag kaming da-dalawang daan sa buong araw, kaya ibinili ko niyan minsan lang tayo mag ulam ng sobra kaya hayaan mo na" wika pa nito habang patuloy sa pagpupunas ng katawan gamit ang maliit na kutim na bimpo. 

-

hindi na ako umimik - hinubad ko na yung sobrerong suot ko' nag hubad ng tshirt at inantay si tito na matapos para sabay na kami kumain. 

-

habang nakain e' wala din naman kaming imik pareho' ito na ba ang dulot ng mga nangyari kagabi o sadyang pareho lang kaming pagod sa trabaho.

-

"siya nga pala si boy magpapaisang bilog daw dahil may bonus nga, ano sabit ka?" 

-

"hindi na tito baka mabitin pa kayo sa isa e' maaga pati ako matutulog kasi sa tambakan ako bukas e' para makadami ng kalakal" 

-

"ikaw ang bahala - dito nalang kami ni boy, hindi naman maingay at kung hindi naman kami makakaistorbo ayos lang ba?" 

-

"sige tito wag nalang kamo masyado maingay" 

-

"siya nga pala choi, naalala mo yung SSS nila mama, papa at kuya mo doon sa dati nilang amo?"

-

"oh? anong meron don tito?" 

-

"nakasalubong ko doon sa palengke e' matagal na pala tayo hinahanap --- ito oh' kontakin mo daw" wika ni tito sabay abot saakin ng kapirasong papel na kinuha niya mula doon sa lumang body bag na madalas niyang dala dala sa trabaho' 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now