Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 5

953 17 5
                                    


-

-

habang lumalalim ang gabi e' palasing ng palasing si papa at yung mga binatang kasama niya - nakailang balik din dito si danillo pero iniwasan ko na - sa tuwing lalapit siya e' lilipat ako sa malaking pool - o kaya naman sa malaking pool papunta sa kiddie o sa jacuzzi para lang maiwasan ang paglapit lapit niya kasi kahit lasing yang mga kasama niya e' imposibleng hindi makahalata. 

-

"gagi bagsak na si tito" wika ni ashton sa mga kasamang kumakanta - malalaglag na kasi si papa sa upuan dahil naka dukhang na' 

-

"julius, julius" sigaw ni kuya "bunso pakisuyo nga kay mama doon sa isang kubo - bagsak na kamo si papa, aalalayan namin papunta roon ayusin niya kamo ang hihigaan" utos nito na agad ko naman sinunod. 

-

mabuti nalang at nakaahon na ako noo kasalukuyan akong kumakain sa kusina habang pinagmamasdan sila sa gazebo na ilang metro din ang layo saakin' 

-

agad kong kinapitan yung twalya na kumot kumot ko dahil malamig na ang hangin at dali daling nagtungo sa kubo kung nasaan sila mama. 

-

nang maihiga nila si papa e' agad silang nagbalik sa gazebo para ituloy ang kasiyahan' ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ko para makapag banlaw na din at matulog - muli na namang lumapit saakin si danillo at akmang aalis ako e nagsalita siya "oh oh bunso diyan ka lang, behave na ako - wag mo na ako layuan" wika nito habang itinataas ang dalawang kamay na parang naka surrender "kukuha lang ako ng paa ng manok, meron pa ba?" 

-

"ah eh diyan - diyan sa may kaldero na yan" aniya ko. 

-

pagkakuha ng pulutan e' agad din ngang umalis si danillo "salamat naman at tinantanan na niya ako" wika kong muli sa sarili ko' 

-

nanatili akong malayo sa kanila at nakatampisaw lang ang paa ko sa pool - nagpababa ako ng kinain para diretso tulog pagkabanlaw. 

-

muli akong sumuong sa pool, huling tampisaw sana bago mag banlaw - nasa ilalim ako at nasisid ng bigla akong mapabangon kasi yung mga ugok nagsisuong na din pala sa pool. 

-

"tara pre, bawas amats" wika ni kuya. 

-

"gago pre malalim ba?" saad naman ni henry na hindi ata marunong lumangoy. 

-

"langoy aso ang puta" pang aasar ni kuya kay ashton. 

-

si danillo naman e' nasa kabilang banda ng pool malayo saakin' 

-

"huy bunso kanina ka pa diyan di ka ba nilalamig?" puna ni kuya saakin. 

-

"paahon na ako' huling sawsaw sana, nagulat lang ako sa pag suong niyo" 

-

"giniginaw ka na no kaya aahon ka na?" wika ni danillo. 

-

"kaninong baba kaya ang nanginginig saating dalawa?" paano ba naman kasi, ginawin ata ito kakasuong palang eh nanginginig na ang baba. 

-

"gagi talo ka kay julius sa sisidan sirena kaya yan" pang aasar na naman ni kuya - kaya agad kong hinampas yung tubig para basain siya e' 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now