Chapter 39: Arya Being Hysterical

Start from the beginning
                                    

Nang makaalis na ang kanilang mga bisita sa tulong ng triplets ay hinila na ni Samantha si Arem papunta sa harapan ng bakuran.

"Told you, it's your beloved paternal family," Samantha tells Arem in a hushed voice, full of mischief.

Muling napatitig si Arem sa napakagandang mukha ng babaeng nasa tabi niya. Nangingislap ang mga mata nito dahil sa kapilyahan.

And he liked this side of her. She looks so lovely and full of life.

"Hi, Auntie Helda,Uncle, Cynthia and uhmm...ah..," napatitig si Samantha sa dalawang matanda na parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

Sa tindig at postura ng mga ito, makikitang galing talaga ito sa mayaman at may sinabing pamilya.

Their rich aura cannot be hidden at all.

Bukod pa doon ay halata din nila ang pagkadisgusto na nakalarawan sa may edad na mukha ng mga ito habang nakatitig kay Samantha.

"Arem, why dont you greet lolo and lola?" Cynthia said sweetly, ngumiti ito kay Samantha na para bang sinasagot ang hindi natapos nitong pangungusap.

"Oh, so you guys are here to congratulate us?!" Bulalas ni Samantha sa excited na tinig.

Syempre, she's just acting.

Hindi naman siya pwedeng magsuplada at mag-feeling high and mighty lalo na at kapamilya pa rin ang mga ito ng kanyang asawa.

Napakunot-noo naman si Arem dahil sa nakikitang excitement ni Samantha. He looked down and saw her grinning from ear to ear.

"Sayang naman. Late na po kayo dumating. Tapos na po ang kasal namin eh, look!" Itinaas ni Samantha ang mga kamay nila ni Arem kung saan nakalagay ang singsing. "We don't have enough money to buy rings, kaya 'yung pamanang singsing sa akin ng parents ko na lang ang ginamit namin. Medyo luma na pero at least we have to ring," inosenteng wika ni Samantha na lalo pang ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"..."

"..."

Hindi malaman ng dalawang matanda kung paano nila sasagutin ang excited na asawa ng kanilang apo.

They're late.

Tapos na ang kasal.

Huli na para pigilan pa nila.

At base sa nakikita nila kung paano hawakan ng babae si Arem, nakikita rin nila na hindi man lang nagrereklamo ang apo nila na may allergy sa babae.

Mula noong itakas nila ito papuntang Amerika hanggang sa umalis ito sa poder nila sa Spain, ni minsan ay hindi nila ito nakitang nagka-interes sa babae.

Sa tuwing may okasyon ay nag-iimbita sila ng maraming kadalagahan na galing sa may sinabi at kilalang pamilya. Pero hindi nila inaasahan na sa isang taga-probinsya lang babagsak ang panganay nilang apo.

"May dala po kayong regalo?" Excited na tanong pa ni Samantha.

Napangisi na lang si Cynthia at Ginang Helda. Hindi nila akalain na ganito kababaw ang babaeng pinakasalan ni Arem. Proud na proud pa naman ito sa sarili tapos ay sa isang mababang uri lang mapupunta?

Lihim na nagdiwang si Ginang Helda. Para sa kanya, sulit na sulit ang fifteen million na ibinigay niya sa mga Salvador.

"Oh, s-sorry, we forgot,"

Cynthia said in a very sympathetic tone. But Samantha can clearly see the gloating in her eyes. 

Samantha snickered to herself.

Akala ba ng mga taong 'to ay syusyunga-syunga ako? Hmp!

"We can also accept money," ani Samantha na tila ba nahihiya. Itinago pa nito ang kalahati ng mukha sa braso ni Arem.

The DivorceWhere stories live. Discover now