Sol waved her hand. Parang ayaw na niya akong pansinin dahil busy siya sa chocolate niya.

"Take care po!" she giggled.

"I love you. Ingat din kayo," agaran kong sagot nang matauhan na ako sa mga iniisip ko.

Nagmamadali akong pumasok dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko nga halata sa mukha ko iyon pero bahala na! Mawawala rin naman ito kapag nagturo na ako. Idi-distract ko na lang ang sarili ko para makalimutan ko iyon.

"Since, we're running out of time hindi na muna ako magpapa-quiz para maihabol ko ang mga lesson na kailangang ma-discuss bago ang midterms niyo."

Naghiyawan agad ang buong klase. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy sa pagtuturo. Noong una, gusto ko pa sanang makipag-close sa section na ito pero pagkatapos ng ginawa nila sa akin? Nagtuturo na lang ako ngayon dahil iyon ang responsibilidad ko.

"Class dismissed," I firmly announced.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Wala nang balak na makipag-usap pa sa mga estudyante sa section na ito. Matapos iyon ay lalabas na sana ako nang makita kong nilapitan nila ako.

"Yes? May tanong pa kayo?" istrikta kong tanong.

Inabutan ulit nila ako ng chocolate. Bumaba ang tingin ko doon. Last time na binigyan nila ako, pinagtulungan nila ako. Akala ko chocolate pero maanghang na pagkain pala. Kinuhaan pa nila ng video kaya paano ko matatanggap ito?

"Gusto lang po sana namin humingi ng tawad sa ginawa namin," sinsero nilang sinabi.

"Just don't do it again," tipid kong sagot.

Kinuha ko ang chocolate at hindi na sila nilingon. Pagkarating ko sa faculty room ay agad kong iniwan sa mesa ko ang chocolate. Sa sobrang lala ng trust issue ko hindi ko alam kung kakainin ko pa ba iyon.

Huminga ako nang malalim. Pinulot ko ang chocolate at itinapon sa basurahan.

It was disheartening to do this—throwing away something that maybe they really wanted to give me, but I just can't risk it now. I've been betrayed many times and have trusted again, only to experience betrayal once more. Look where that has brought me. As much as I want to trust again, I just can't now, and probably, I will never trust again.

"Hala, tinapon mo yung chocolate?" tanong sa akin ng kapwa ko teacher.

I nodded. "Allergic ako... eh."

Tumango naman siya. Mukhang kumbinsido sa sagot ko.

"Congratulations nga pala! Balita ko nagkabalikan na kayo ni Simon Benitez? Ang swerte mo sa kaniya. Pagkatapos ng ginawa mo tinanggap ka pa rin niya," dire-diretso niyang sinabi.

I gulped. "O-oo nga." Hindi nga pala nila alam ang tungkol sa ginawa sa akin ni Kuya Adam.

"Bihira na lang ang ganiyang lalaki ngayon. Tatanggapin ka pa rin kahit... alam mo na. Bakit naman kasi may mga taong hindi marunong makuntento sa isa? Si Simon na iyan oh!" dagdag pa niyang patutsada.

I balled my fist in anger and disappointment, all of which led to my frustration over what my brother did. Surely, I wasn't careful that night. I am to be blamed too, but the results? It would have been fine if only I was affected, but Solstice? Her health? I don't mind my image getting tainted, basta huwag lang maapektuhan ang anak ko.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may mensahe na ba galing kay Simon. Nakita ko ang recent message niya. Thirty minutes na ang nakalipas at sabi niya papunta na siya. Ilang saglit lang ay tumunog ang phone ko.

"Nasa labas na ako. Saan ka?" I heard his low groan.

"Uh... palabas na rin."

"Hintayin na lang ba kita dito o gusto mong pumasok ako d'yan?"

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum