Chapter 45

5.1K 136 8
                                    

Haha akala ko napublish na...-seyi

Chapter 45

 Andy's POV 

 Humiga ako sa malambot niyang kama. Mukha akong ewan dito sa suot ko. Mukha akong tomboy! Tinakpan ko na lang ng kumot ang buong katawan ko. Kinuha ko ang phone kong 15% na lang ang battery. Ang daming nagtetext. They're all worried.Nag type ako ng text para kay Lawrence.. 

To: Punyeta

I'm so sorry. Nakakahiya ako. Sana mapatawad mo ako. 

 Nanginginig pa ang kamay ko nung senend ko iyon. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi ko alam kung paano ako haharap kila Daddy. Siguradong masasampal ako.Nag reply naman si Lawrence.

 From: Punyeta

 It's not your fault. Una pa lang alam ko na ang sagot mo. 

 To: 

PunyetaSorry.

 I know he's really upset right now. Masakit matanggihan ng taong gusto mo. Alam niya na pala ang sagot ko 'bat niya pa itinuloy? Nagkagulo tuloy. Gusto ko munang makipag laro ng tagu-taguan bago makipag usap kay Dad. Palalamigin ko muna ang sitwasyon.


 Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa makatulog na ako. Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nakita ko ang isang bag sa paaanan ko. Ayan siguro 'yung mga damit na kinuha ni Ian. Asan kaya 'yung bwisit na 'yon? 'bat hindi siya natulog dito? Siguro alam niya na 'yung nangyari kagabi. 


Bumaba ako sa kama at dumeretso sa kusina. Grabe ang sarap ng tulog ko. Parang gusto ko na lang na humilata maghapon. Buti na lang bakasyon ngayon kaya wala akong problema.May sticky note na nakadikit sa ref. 

 "'Wag mong susunugin ang condo ko. Uuwi ako mamayang 12pm- Ian :D"

 Ayan ang nakasulat. Mayroon pang P.s kaso binura niya. 

Nanuod nalang ako ng TV pampatay oras. Napaka boring naman kasi dito, wala akong kausap. Tunog ng aircon ang naririnig ko. Palipat lipat ako ng channel kasi wala akong mapiling matino. Tulad ng pag pili ko sa lalaking mamahalin ko. Ahehe.. 

 Muntik nang lumuwa ang eyeballs ko nang makita ko si Ian at Francess sa TV. Nasa isang showbiz balita silang dalawa. 'Yon ang pinanuod ko. 

 "Maraming nagsasabi na may nangyayaring third party umano sa inyong relasyon. Anong masasabi niyo?" Tanong ng baklang host. Nakangiti lang si Francess ganon din si Ian. 

 "Ah.. haha.. wala po. I trust him so much, sa showbiz hindi maiiwasan ang mga ganyang issue. Our relationship is going stronger and stronger." napa ismid ako sa sagot ni Francess. Talaga lang ah? haha.

 "May kumakalat sa social media na picture ni Ian at ng isang girlet sa isang restaurant. Do you know her?" dafuq dafuq. Ako ba ang tinutukoy nila? I'm fucking dead. Anong picture 'yan? nung kumakain ba kami sa isang korean restaurant? nung nasa Cagayan? baka naman hindi ako? di ba maraming babae si Ian? Bakit hindi ko 'yan alam?! 

 "Yes I know her po. She's my classmate. Magkasama po kaming tatlo that time." Oh whoo she saved me. Oh god akala ko katapusan ko na. Masyado akong napaparanoid. Si Ian naman ang nagsalita. 


"Ganyan naman talaga ang mga tao, kung ano ang una nilang makita 'yon na. I can't blame them. I don't care if we recieve a lot of hate. They cannot ruin our relationship anyway."May parte sa akin na pumait. Nilipat ko sa ibang channel dahil biglang sumikip ang dibdib ko. Totoo ba nag sinasabi niya? Artista siya right? Pinatay ko na lang ang TV at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. I don't know what's the word 'Jealous'. 

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon