Chapter 38: Wedding Day

Start from the beginning
                                    

But still, here it is.

They must like her so much, right?

Tumingala si Samantha para pigilan ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya.

Don't fall, please. Sayang ang make-up ni mommy. Kalma, self. KUMALMA KA!

Samantha composed herself.

Nang magsimula siyang maglakad ulit palapit kay Arem na napakagwapo sa suot nitong three pieces suit na beige ang kulay. Mas lalong lumabas ang pagka-mestizo nito.

Habang naglalakad ang dalaga ay biglang pumailanlang sa buong kapaligiran ang isang malamyos na tugtugin.

I set out on a narrow way many years ago
Hoping I would find true love along the broken road
But I got lost a time or two
Wiped my brow and kept pushing through
I couldn't see how every sign pointed straight to you

That every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart, they were like Northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you
Yes, He did...

Napahinto na naman sa paglalakad si Samantha.

Parang hindi akma sa kanilang dalawa ni Arem ang kanta. Pero sa kabilang banda, tama din. Iyon nga lang ang iniisip niyang 'into your loving arms' ay hindi literal na kay Arem, kung hindi sa buong pamilya niya na walang kaabog-abog siyang tinanggap sa buhay ng mga ito.

Magagaan ang mga hakbang na tinapos ni Samantha ang maiksing pagitan sa kanila ni Arem.

She must admit, this person is very, very good-looking.

Kung sakali man na maging totoo ang kasal nila, kahit na wala pa itong trabaho, pakiramdam ni Samantha ay hindi na siya lugi ah.

Idi-display na lang niya ito sa bahay at hahangaan tuwing bored siya.

Arem gently took his future wife's hand.


Deep inside, he's feeling a bit nervous. It's his first time doing this kind of thing, after all. And maybe the last. Hindi naman kase talaga kasama sa plano niya sa buhay ang mag-asawa.

Gusto niya lang kumita ng maraming pera. I-dominate ang business world at palubugin ang negosyong pinaghirapang itayo ng lolo niya. Iyon lang ang nag-i-entertain sa boring niyang buhay.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakauwi siya sa Pinas after 15 years. Then out of nowhere, this woman proposed a deal.


Pinagmasdan ni Arem ang magkadaop nilang palad. Her hand looked so delicate and felt so small in comparison to his and it fit well in his large, calloused hand.


Her smile nearly blinded him as he stared directly into her beautiful face.

Napalunok si Arem.

Suddenly, his heart began to beat strangely.

"Let's go?" Excited na tanong ni Samantha.

Lihim na napabuntong-hininga si Arem. Alam niyang masayang-masaya ang babaeng kaharap dahil sa wakas ay magiging lehitimong pamilya na nito ang pamilya niya, hindi dahil sa ikakasal sila.

In her heart, he's at the lowest spot.

O baka nga wala siyang kahit na katiting na lugar noon.

Mahigpit na hinawakan ni Arem ang kamay ng dalaga. Na para bang sa paraan na iyon ay mailalabas niya ang pagkadismayang nararamdaman niya.

Na hindi niya rin maunawaan kung saang bahagi ng pagkatao niya nanggaling.

Siya? Si Arem Syquia na walang pakialam sa mga bagay o sa mga taong nakapaligid sa kanya ay marunong madismaya?

Damn.

That is not him.

"M-masakit," pabulong na anas ni Samantha saka tinapik ang kamay ni Arem gamit ang isa niya pang kamay.

Mabilis na niluwagan naman ng binata ang pagkakahawak kay Samantha.

Nang pareho na silang nakaharap sa City Mayor ay ngumiti ito sa kanilang dalawa. Walang paligoy-ligoy na sinimulan nito ang seremonya.

Nagtapos ang lahat sa 'you may kiss the bride' at simpleng halik sa pisngi lang naman ang ginawa ni Arem kaya para kay Samantha, walang exciting na nangyari.

Pagkatapos nilang pumirma ay ang ninong at ninang naman nila ang pumirma, walang iba kung hindi si Shopkeeper Magtanggol at ang butihing maybahay nito.

Dahil wala naman silang ibang makuha na pwedeng maging ninong at ninang, ito na lang ang pinakiusapan nila.

Laking pasalamat ni Samantha na pinagbigyan ng may edad na shopkeeper ang imbitasyon niya. Dahil kung nagkataon, poproblemahin niya pa kung saan siya kukuha ng gagawin nilang ninong at ninang.

Nang matapos ang kasal ay kaagad na binati si Samantha at Arem ng mga kaibigan ng triplets. Ang mga kaibigan ni Samantha ay dalawang babae at isang lalaki na panay ang kuha ng mga larawan gamit ang mamahalin nitong digicam.

Si Arthur at Ariston naman ay apat na kaibigan ang kasama. Inimbitahan din nila ang buong pamilya ng kapit-bahay nila na palaging kakwentuhan ni Ginang Aria tuwing umaga.

Maging ang mag-asawang matanda na nakilala ni Samantha sa bukid ay inimbitahan din ng dalaga kahapon lang. Nababahala kase siya na baka hindi nila maubos ang pagkain kaya naman pinapunta ni Samantha ang mga ito.

Iilan lang sila at hindi naman nabawasan ang sayang nararamdaman ng triplets. Ang mga ito ang pinakamasaya sa lahat matapos makita ang marriage contract na pinirmahan ng kuya nila st kanilang sister-in-law.

"Yaaaay! Congratulations!"

"Congratulations ate, kuya!"

"Congratulations!"

Masayang nagsaboy ng barya, flower petals at bigas si Arya sa kanyang ate at kuya habang binabati ang mga ito ng lahat.

Hindi niya alam kung para saan iyon, pero iyon ang inituro ng mag-asawang kapitbahay nila. Pagkatapos ay inabutan ni Shopkeeper Magtanggol ng wine glass si Samantha para sa wine ceremony ng bagong mag-asawa. Samantha take a sip, then Arem finish all of it in one go.

The DivorceWhere stories live. Discover now