"Daddy, mamaya na kayo umuwi" sabi ko ng makita silang biglang tumango si Mommy. "Wait po, hintay nalang po" pag pigil ko sa kanila ngunit hindi sila nakikinig.

Napabuntong hininga nalang ako at napangusong nakatingin sa kanila habang palayo sa akin.

Nakatayo parin akong mag isa rito sa hallway nang makitang biglang sumulpot si Raphael sa tabi ko.

"Hindi mo sila naabutan" malungkot na sabi ko.

"Ayos lang 'yon" naka ngiting sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Tara sa rooftop?" Pag aya niya kaya sumang ayon ako sa kanya.

"Laro tayo" saad ko pero umiling lang siya.

Humiga ito sa sahig at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Raphael, ano ba gising isang minuto ka lang dito. Laro tayo!" Sigaw ko.

Niyugyog ko na ang kanyang balikat pero napasarap pa ang ang nito. Bumagsak ang balikat ko dahil sa sobrang pangangalay kakayugyog kay Raphael. Hanggang sa nakaisip ako ng isang kalokohan.

Tawang tawa kong sinusulatan ang mukha ni Raphael habang natutulog ito. Binigyan ko ng malaking bilog ang kanyang mga mata para magsilbing eye glasses, binigyan ko rin siya ng bigote, at mga bituin sa lahat ng kanyang mukha gamit ang permanent marker.

Nagulat nalang ako ng biglang nagising si Raphael at hinawakan ang kamay kong gamit sa pagsulat sa kanya.

"Alam mo bang mali ang ginawa mo kanina" sabi nito at umupo para mag kasing tangkad lang kami. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

"Saan don? Wala akong maalala" sabi ko.

Na pailing-iling naman ito at humiga na ulit. Nakatitig lang ako sa kanya ng bigla niyang itap ang kanyang braso. Senyas na gawing unan ang kanyang braso.

Nakatitig naman kami sa kalangitan habang nakahiga sa sahig. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

"Matulog kana at babantayan kita. Masyado ka namang nag lalaro kanina?" Tanong nito.

Ipinikit ko ang mata ko at humarap sa kanya. "Hindi, sina Mommy at Daddy kasi eh" pag su-sumbong ko.

"Matulog kana" sabi nito at ginawa ko naman.

Napakahimbing ng tulog ng magising ako dahil sa mga ibon na nasa rooftop. Wala na naman siya. Tumayo na ako at ng-unat-unat ng buto bago bumaba.

Habang naglalakad ay nakita ko ang isang batang umiiyak kasunod nito ay ang isang lalaking katulad rin ni Raphael.

"Bakit mo pinaiyak ang bata!" Sigaw ko dahilan para mapatingin ito sa akin

Nagulat pa itong nakatitig sakin hanabang palapit sakanila. Lumuhod ako sa harapan ng bata at pinapatahan sa pag iyak.

"Shhhh, tahan na inaaway ka ba niya?" Tanong ko. Nag angat naman ito ng tingin at umiling sa tanong ko.

Tumayo na ako at hinarap ang lalaking katulad ni Raphael. Bakit ko ng aba nasabi ja katulat siya ni Raphael nang dahil sa suot nito. Mukha na lang ang kulang para magkasing pareho sila.

"Ikaw si Ihea tama?" Tanong nito sakin.

"Oo ako nga, bakit mo ko kilala? Kaibigan kaba ni Raphael? Kinukuwento niya ba ako sa'yo?" Naka pamewang na sabi ko.

Nginitian naman niya ako at umiling. "Tama nga si Raphael madaldal na babaeng makulit ang binabantayan niya."

Napa tagilid na lang ang ulo ko sa sinabi niya "Ehhhh? So, kinuwento niya nga ako sa inyo at ano sabi mo makulit at madaldal ako!" Sabay turo sa sarili ko.

11:11Where stories live. Discover now