Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman

Start from the beginning
                                    

Tumingin ito sa banyo na para bang noon lang naunawaan ang ibig sabihin ni Samantha.

Huminga ng malalim si Ginang Aria.

"Kahit ako ay hindi gusto ang lalaking 'yun. Kahit na sabihin pang lantang gulay ang ginang noong mga panahong pinagsamantalahan ng maiden family niya ang kanyang sariling pamilya at hindi siya makapagsalita noon ng maayos, nakakakita pa rin naman ng ginang. Her intellectual ability is working just fine, it is simply that her nerves and body do not listen to her.

Bumisita ang mga ito sa kanila noong naaksidente si Ariston. Sa halip na tulungan sila ng mga ito ay sinisisi pa siya dahil hindi niya daw marendahan ng maayos ang mga anak niya. Na ipinapahiya niya ang pangalan ng mga Rivera dahil sa pangmamalimos na ginawa ni Arthur at Arya noon.

Kasama ng mga ito ang boyfriend ng pamangkin niyang si Chandra at ayon sa mga ito ay malakas ang kapit nito sa Mayor ng Siudad. Kaya naman kampante ang mga itong gawin ang mga bagay kahit na hindi na iyon makatao.

Walang may gustong tumulong sa kanila sa takot na pagdiskitahan sila ng Mayor sa Siudad. Sinong simpleng mamamayan nga ba ang gugustuhing makaalitan ang isang pulitiko na maraming koneksyon?

Naikuyom ni Ginang Aria ang kanyang mga mata. Hindi pa niya nasi-settle ang score niya laban sa mga taong 'yun.

Sa ngayon, aasikasuhin niya muna ang kasal ng panganay niya. Saka niya na iintindihin ang mga walang utang na loob niyang kapamilya.

"Well—,"

"Mom, what's our food tonight?"

Kaagad na itinikom ni Ginang Aria ang kanyang bibig. Lumingon siya ng nakangiti kay Samantha na hindi na ganoon kadilim ang mukha. Kumpara naman kaninang bagong dating ito, halos hindi mai-drawing ang magandang mukha ng dalaga.

"Magluluto sana ako ng kaldereta,"

Kaagad na komontra si Samantha nang marinig ang sinabi ng kanyang mother-in-law.

"Hindi ba kayo mapapagod, noon? Ako na lang ang magluluto, mom. Just rest there and wait for dinner," ani Samantha.

Napatingin ang lahat sa kanya.

Madalas na jogging pants at malaking t-shirt ang suot ng dalaga, nagsusuot man ito ng maiiksi at minsan lang. At nagkataong kasama ang araw na iyon, sa 'minsan' ni Samantha.

She's wearing a cotton shorts na lalong nagpakita sa magandang hubog ng mahahabang biyas ng dalaga. Walang kapeklat-peklat ang makinis nitong hita at binti.

Cotton shirts naman ang suot nitong pang-itaas na hindi maluwag at hindi rin fit na fit sa katawan niya.

Para kay Ariston at Arthur na parehong nagbibinata na, wala silang ibang nakikita kung hindi ang maganda at mabait nilang sister-in-law. They respected her so much.

But when it comes to Arem, his eyes darkened upon seeing the woman standing not far from him.

He had to acknowledge that this woman is incredibly beautiful.

Hindi na nakapagtatakang pagnasaan ito ng manyakis na 'yun. Of course, he knew that person.

Arem's blood boil with anger.

Coveting his woman? Is that person tired of living already?

He have guts.

"Ehem,"

Nakakunot-noong nag-angat ng paningin si Arem. Parang hinugot siya mula sa dilim ng tapik na iyon na nagmumula pala sa ina niya.

"Don't judge her. She only wears that inside the house. Hindi kailanman lumabas ng bahay si Samantha na nakasuot ng ganyan kaiksing shorts. She's only comfortable wearing that infront of us, her family,"

Arem's lips form a straight line.

Her family, huh. She really treated them as her own people.

Arem remained silent.

He's not judging her at all.

But it deeply comforts him knowing that she's not the type who likes to show skins. Though wala naman siyang pakialam sa mga taong nagsusuot ng maiiksi. For him, nasa tao na mismo ang pagiging manyakis. Kung mamanyakin ng isang lalaki ang isang tao sa kanilang maduming isipan, kahit na nakabalot pa ng sampung makapal na comforter ang kanilang pinagnanasaan, walang makaka-kontrol sa manyak na isipan ng taong 'yun.

Maybe he just felt too possessive of her because she was going to be his wife?

No.

That's not good.

Wala siyang karapatan.

After all, they're not in a real relationship. It's just a marriage of convenience.

"Don't tire yourself mother. I'm not that tired so let me cook," seryosong wika ni Samantha.

"Okay dear, then let Arem help you. Marunong 'to magbalat ng mga gulay," nakangiting pag-sang ayon naman kaagad ng ginang.

"Sure,"

"I'll h—araaay!"

Hindi makapaniwalang tinitigan ni Arya ang kanyang ina. Ngayon lang siya nito kinurot sa hita niya at masakit 'yun! "Mom!!!"

"Divorce o hindi?" Seryosong tanong ng ginang sa kanyang bunsong anak.

Huh?

Pakiramdam ni Arya ay nag-mental block siya dahil sa pagkurot na ginawa ng kanyang ina. Hindi niya kaagad naintindihan kung ano ang sinasabi ng ina.

"Stop being a third wheel. Paano magkakagusto ang ate Sam mo sa kuya mo kung palagi kang nasa gitna? Let them develop feelings para walang divorce na mangyari, okay?"

Kumislap ang mga mata ni Arya. Napatitig siya sa kanyang ina. Truly, the older one is the most wise and considers every possibility.

Noon niya lang na-realize kung gaano ka-importante ang pagkakataon na 'yun para ma-fall ang ate niya sa kuya niyang wala namang kabuhay-buhay.

Napaka-seryoso nito sa buhay at hindi nga ito nagsasalita. Para kay Arya, napaka-boring ng kuya niya kaya naman gusto niyang magtirik ng kandila sa isandaang santo, baka sakaling magkagusto naman dito ang ate Sam niya.

Wala naman siyang ibang choice.

Ito lang ang nasa age range na nababagay sa edad ng kanyang ate Sam. Kaya kahit na napaka-boring nito, samahan pa ng kawalan ng trabaho, sinong normal na babae ba ang magkakagusto sa kuya niya?

Napa-face palm ang dalagita sa kanyang isipan.

Mabuti na lang at gwapo ang kuya niya. Bukod sa magandang lahi, wala na itong ibang maibibigay sa ate Sam niya.

Tsk.

Ang bata pa niya para sa ganitong bagay, pero talagang sumasakit ang ulo niya sa tuwing iniisip niya kung gaano kalaki ang lugi ni ate Sam niya sa kuya niya.

Her ate Sam is outstanding, yet she has to marry that boring dude.


******
A/N:

Don't worry Arya, kayo naman ang habol ni Sam. Wala siyang paki sa kuya mo 🤭

The DivorceWhere stories live. Discover now