Breaking 15 - Miss the Boat

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nagkulong ako sa banyo," sagot ko.

"Lumabas ka," saad niya.

"Ayoko! Hahalayin niya ako," tutol ko.

"Pinagtawanan ka niya di ba?" saad niya, "then it is payback time!"

"Paano?" nagugulohan ako sa sinabi niya.

"Buksan mo ang mga drawers diyan, look for anything that you can use to tie him," utos ni Patricia.

"Itatali ko siya?" kinabahan ako sa sinasabi ni Patricia.

"Man of seduction yang kasama mo kaya makasiguro kang lalabas ka diyan ng buo, dapat itali mo siya," sagot ni Patricia habang abala naman ako sa pagbukas ng mga drawer.

"Pat, wala akong ibang makitang pantali kundi itong neck tie niya na hindi niya nakasabit dito. Siguro nalimutan niyang ibigay sa akin kasama ng damit niya," saad ko.

"That's good enough," sabi ni Patricia, "akitin mo siya. Kunwari ibibigay mo ang sarili mo pero may kondisyon, dapat ay ikaw ang masusunod."

*Mago's POV*

Malakas ang tawa ko dahil matagumpay kong nagawa ang balak ko. Ang sarap niya palang asarin. Nakahiga na ako nang biglang lumabas siya ng banyo kaya lumingon ako sa kanya na nakangiti. Pero nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang mapang-akit niyang anyo.

Dim ang lights habang nakalugay naman ang buhok niya. Nakayakap pa rin siya sa sarili pero nakatakip pa rin ang kumot sa katawan niya. Humakbang siya papunta sa kinaroroonan ko habang hindi tinanggal ang pagkakatitig niya sa akin. Napalunok ako dahil kakaibang Arlene ang nakikita ko ngayon. She is no longer the innocent and shy type Arlene. Nagiging bold and sexy type na siya. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ambiance ng lugar o dahil sa kanina pa talaga ako nabibighani sa kagandahan niya, I mean, all women are really attractive when they wear less.

Babangon sana ako nang magsalita siya, "Stop right there!" saad niya.

'Sh8t! Bakit pati boses niya naging mapang-akit na rin? Akala ko ba napatiklop ko na siya kanina,' saad ko sa sarili ko.

Yun lang ang sinabi niya pero para akong maamong tuta na napasunod niya sa kanyang utos.

"Akin na ang mga kamay mo," sabi niya nang umupo siya sa tabi ko pero yung mga mata niya, nakakatunaw pa ring nakakatitig sa akin. Dahil para akong na-hypnotize, wala sa sarili kong inilahad ang mga kamay ko.

Bigla akong na-excite nang sinimulan niya ang pagtali ng mga kamay ko. I never liked women dominating me on bed but this one's an exception. Gusto ko maranasan ang mapasunod sa kagustohan ng isang virgin.

Itinaas niya ang mga kamay ko habang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na napigilan kaya inabot ko ang bibig niya at agad itong sinakop. Nalunod ako sa halikang iyon. Nag-init ang buong katawan ko na para bang libo-libong boltahe ang nasindihan dahil buhay na buhay ang bawat selyo ng aking sistema. Matagal-tagal ang pinagsaluhan naming halik hanggang sa nakangiti siyang humiwalay sa akin. Pilit kong inabot ang mga labi niya at doon ko na napansin na hindi na pala ako makagalaw.

"What are you doing?" galit na saad ko.

"Sinigurado ko lang ang kaligtasan ko Mr. Concepcion," mataray niyang sagot.

"Hindi mo ito magagawa sa akin, Arlene!" bulyaw ko.

"Hindi ba? Eh, nagawa ko na nga di ba?" pang-asar niya.

"Pagsisisihan mo na ginawa mo 'to sa akin," banta ko sa kanya.

"May usapan tayo, Mago," paalala niya, "Kung unang bibigay ang mga temptresses sa mga adonis mong mga kaibigan, papayagan kita sa anumang gusto mong gawin sa akin pero sa ngayon, nagiging wild beast ka na kaya kailangan kitang itali."

"Pagnanalo ang mga adonises, sisiguraduhin kong wala ka na talagang kawala sa akin!" saad ko na parang binalewala naman niya.

Umikot siya papuntang kabilang banda ng kama saka humiga, "Goodnight Mago, mahal kita pero dapat mahalin mo muna ako bago ko ibibigay ang sarili ko sayo," malambing niyang sabi bago ito humigang patalikod sa akin.

Tama siya. I can't make the same mistake again. I can't destroy a woman for her to be too clingy. Hindi ko alam pero bigla akong humanga sa kanya.

'In time, Arlene,' bulong ko sa isip ko, 'kapag handa na ako, ikaw ang pipiliin kong makasama habambuhay.'

_________________

AN: Okay? Tama ba 'tong pinaggawa ko? Comment naman kayo diyan oh... lutang pa kasi ako... and feeling ko, hindi maganda ang gawa ko ngayon. Sorry na... babawi na lang po ako sa susunod.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon