CHAPTER 6

295 2 0
                                    

WARNING !! R+18
babala: Ito ay may masisilang salita at pangyayari na hindi angkop sa mga bata.

Napatingin ako sa matandang papalapit sa akin kaya inataki na naman ako ng kaba. Nakangiti ito habang naglalakad sa kinaruruonan ko. Agad niyang binuksan ang kahoy na rehas at hinawakan ang aking buhok sabay hila palabas.

“A-aray! Ano'ng gagawin mo?” wari ko habang hila-hila niya.

“Wag ka ng maraming tanong,” sagot niya.

Dinala niya ako sa isang mahabang lamesa at itinali ang aking kamay at paa gamit ang lubid. Pinahiga niya ako roon at isinangkal ang aking ulo sa malaking sangkalan. Dinig ko ang paglagiting ng malaking itak na binunot niya sa lagayan.

“Wag! Parang awa mo na!” iyak kong pagmamakaawa.

“Yeheyy! Iluluto na siya ni lola!” saad ng mga batang nakatingin sa ginagawa ng matanda. Tila galak na galak pa sila sa nangyayare. Parang isang hayop lang sa gubat na nahuli nila ang tingin nila sa akin.

Muling hinawakan niya ang ulo ko at itinaas ang malaking itak. Itataga niya iyon sa leeg ko. Ang bata'y nagsasaya pa rin na para bang may isang malaking party. Tagaktak ang pawis ko habang hinihintay na lang ang pagputol ng aking ulo. Pero biglang tumilapon na lang ang matanda sa kumukulong tubig. Napasigaw iyon sa sakit na kanyang natamo. Agad ko namang hinanap ang dahilan ng kanyang pagtaob. Sa kabilang bahagi ko nakita ko si Agnes na nakangiti. Iniligtas na naman niya ang buhay ko.

“Bumalik ka?” saad ko.

Agad niya akong kinalagan. Ang mga bata ay nagsisiiyakan na rin. Ang matanda naman ay abala sa kakatalon dahil sa mainit niyang katawan.

“Magbabayad kayo!” sigaw niya sa amin. Nakita ko ang pagpulot niya ng itak kaya agad ko ng hinila si Agnes. Paika-ika pa rin ito kung maglakad kaya tinamaan siya ng itak sa likod. Agad niyang kinuha ang kamay ko mula sa pagkahawak ko sa kanya.

“Alis, alis!” wika niya sa akin. Tinulak-tulak pa niya ako dahil sa ayaw ko siyang iwan.

Bago ako tuluyang tumakbo ay tinignan ko muna siya habang nakikipag-agawan ng itak sa matanda. Sugatan na ito pero pinipilit pa rin niyang lumaban. Sa pag-atras ko ay may nabangga akong isang bagay. Kaya ibinaling ko roon ang aking atinsyon.

“Pa?” gulat kong sambit. Agad akong niyakap ni papa ng mahigpit. May mga kasama pa itong iilan naming kamag-anak.

“Pa! Tulungan n‘yo siya!” tinuro ko si Agnes kay papa.

Bago paman matulongan nila papa si Agnes ay ilang ulit na iyon naitak ng matanda. Napatakbo ako pabalik kay Agnes na gumagapang habang naliligo ng sariling dugo. Binaril ng kasamahan ni papa ang matanda ng ilang ulit kaya natumba itong wala ng buhay.

“Dalhin natin siya sa hospital, pa!” hagulhol ko kay papa. Sa huling sandali ng buhay ni Agnes ay pinilit pa niyang hawakan ang aking kamay. Agad namang tumigil ang pagalaw niya noong lagutan na siya ng hininga. Isang matamis na ngiti ang iniwan niya sa akin bago niya ipikit ang kanyang mga mata. Wala na ang isang baliw na paulit-ulit nililigtas ang buhay ko. Nakita ko sa kanya ang kagustuhan niyang iligtas ako mula sa panganib.

MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW ay may inamin sina papa at mama sa akin. Hindi raw nila ako tunay na anak. Ang totoong nanay ko raw ay ang baliw na paulit-ulit akong iniligtas, ‘yun ay si Agnes. Bata pa raw noong mabuntis si Agnes, ginahasa raw siya ngunit walang naniniwala. Wala naman kasi siyang maituturong humalay sa kanya. Ang sabi kasi niya nagising na lang siya sa gitna ng gubat na wala ng saplot sa katawan. Walang sino man ang naniwala sa kanya. Dahil sa kahihiyan ay itinaboy siya ng sarili niyang mga magulang. Naglayas siya at nagpakalat-kalat sa lansangan hanggang sa mabaliw dahil sa labis na deprisyon. Napad-pad siya sa bahay nila mama. Naawa sila mama kaya pinatuloy nila si Agnes sa kanilang bahay. Pero noong manganak ay umalis din naman ito at iniwan niya ako kina mama. Nagpatuloy siya sa pagpalaboy-laboy sa daan. Hinayaan na lang iyon nila mama. Ang mahalaga raw ay ang ako na ligtas. Nagdisisyon sila na ampunin na lang ako at ituring na isang tunay na anak.

“Pa? Pa ano n‘yo po ako natagpuan sa gubat?” Hanggang ngayon kasi ay isang malaking katanungan pa rin sa akin kung pa ano ako nakita nina papa sa gubat.

“Hapon no‘n, palubog na ang araw nang may marinig akong ingay mula sa kuwarto namin ng mama mo. Nakita ko si Agnes na ninanakaw 'yung kwentas ng mama mo. Tumakbo siya ng mabilis at binasag ang salamin ng bintana at pumasok sa gubat. Kaya tinawag ko ang mga tiyohin mo upang sundan siya. Mabilis siyang pumasok sa gubat kahit na paika-ika na. At doon ka namin natagpuan na,” salaysay ni papa.

Namangha ako sa taglay na katalinuhan ni Agnes. Alam kong plano niya iyon. Ninakaw niya ang mahalagang bagay sa bahay upang sundan siya nina papa upang matagpuan nila ako. Kaya pala nawala siya noong hapong iyon kasi pumunta siya sa bahay. Hindi ko akalain na siya pala ang tunay kong nanay. Proud na proud ako sa‘yo, sa kabila ng kapansanan mo ay naipadama mo pa rin sa akin ang pagmamahal ng isang dakilang ina.

Kahit ano ang mangyari hindi ko pipiliing ipagpalit ka bilang nanay ko, paulit-ulit kitang pipiliin kahit saang taon, katauhan o mundo man basta‘t ikaw ang maging nanay ko. Hindi man kita nakasama mula pagkabata tiyak ko namang lagi kang nagbabantay sa‘kin.

Tuluyan na ngang isinarado sa publiko ang gubat, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Tama nang kami lang ang nakaranas ng pangyayaring ‘yon at siguradong hindi na mauulit pa ang karumal dumal na kaganapang nagpasindak sa bata ko pang kaisipan.

to be continued...

MAGLARO TAYO NG BAHAY-BAHAYANحيث تعيش القصص. اكتشف الآن