Page 1

27 4 0
                                    

Creating our Lovestory

******

Ysabella Gwynette

Gumising ako dahil sa sunod sunod na katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Damn! I only had 3 hours of sleep!

 
"Ganda! C'mon, wake up!!" Kuya? OH MY GOSH MY KUYA'S HOME?

Apat kaming magkakapatid, two older brothers and one younger brother. Kaya naman prinsesa ako ng pamilya namin.

"Kuya Grey!" He chuckled when I jumped at him. Para akong batang nagpabuhat sa kuya! Damn, I miss my brother so much!

"Hey there, princess," he said and kissed my forehead. Siya ang panganay sa aming magkakapatid.

Gregory Yves Dela Cuezta, a successful businessman. 30 years old na si kuya pero magkavibes parin kami. Kuya Grey also owns a big chain of resorts kaya naman kilala ang pamilya namin sa bansa.

"Bakit ikaw lang niyakap? Dapat ako din!" Kuya Yuan hissed. Yvo chuckled when he heard Kuya Yuan being defeated again by Kuya Grey.

"Hindi ka naman kasi pogi kaya 'di ka niyakap ni Ate Ysa," asar ni Yvo kay Kuya Yuan na ngayon ay nakasimangot sa amin.

"Manahimik ka jan panget! Si Ysa ganda lang pwedeng mang asar sa'akin!" ani Kuya Yuan na naging dahilan ng pagbatok sakanya ni Kuya Grey.

Natawa ako nang makitang nakanguso ulit si Kuya Yuan. Yvo went near me and hugged me, too. Yvo and I are only a year apart, kaya close din kami. Minsan nga lang siya mag ate eh! 

"Princess, sabi pala ni Mommy kung kailan ka daw ba papasok sa kumpanya niya?" natatawang sabi sa'akin ni Kuya Yuan na lumalantak nanaman ng Milo. I rolled my eyes at him when I heard what he just said. Business nanaman! Ayoko ngang mag handle n'on tapos kukulitin pa ako?

Kuya Yuan Leandro Dela Cuezta is a kind yet merciless lawyer kaya naman kilala siya sa bansa. Sikat rin kasi si Kuya for being a Model nung binata siya.

Sylvester Onyx "Yvo" Dela Cuezta is known for being a handsome yet ruthless lieutenant colonel. Isa siya sa pinakabata na naging Lt.Col agad. Well, he's my brother kaya of course, matalino!

"Sus! Akala mo naman tatanggapin ni Ysa? Eh kahit nga 'yung alok ni Kuya Grey na patakbuhin 'yung Casa Ysabella hindi niya tinatanggap!" Sabat ni Yvo na ikinasimangot ni Kuya Grey. Kuya Grey did ask if I want to manage the resort named after me..pero, ayoko talaga. Okay na ako sa pagiging architect ko.

"Bakit ba kayo andito? As far as I know, Si Yvo lang ang kasama ko dito sa bahay. Mom and Dad are in Australia for business, kaya kami lang ni Yvo, and the maids ang nandito ngayon."  Tanong ko sa mga kuya kong nagsusuntukan gamit ang mata. Parang mga baliw.

Kuya Grey was about to speak pero sinabat ni Kuya Yuan "Ganito kasi 'yon, Ganda. Si Kuya Grey, dadalaw sana sa'yo, kaso mas pogi ako sakanya kaya sumama nalang ako!" He said with conviction.  Agad naman siyang binatukan ni Kuya Grey kaya napasimangot ito.

"Shut up, asshole." Inis na sabi ni Kuya Grey kay Kuya Yuan. I chuckled.

"Hahatid ka lang kasi namin, princess. Kaso itong asungot na 'to sumulpot bigla. " Sabi niya at sinamaan ng tingin si Kuya Yuan na nakanguso sa'akin.  Napatawa ako nang biglang tinulak ni Yvo si Kuya Yuan kaya napadapa ito sa sahig.

"SYLVESTER ONYX!!" Nagkatinginan kami ni Kuya Grey at sabay na tumawa dahil sa naging reaksyon ng kuya.

*********

Umiikot ikot ako dito sa swivel chair ko nang biglang may kumatok sa pinto.

"Come in," I said. Nakita ko naman ang takot na itsura ng aking sekretarya. Well, she's good dahil nakakaya niya ang ugali ko sa trabaho.

Creating our Lovestory (Creating Series #1)Where stories live. Discover now