Si Inay

5 1 1
                                    

Habang binabasa ko lahat ng sinulat ko dito, narealize ko kung gaano kabilis lumipas ng panahon. Noon iniisip ko kung makakaexperiencr ba ako ng true love. Masaya na ako sa kilig, sa crush crush. Ngayon, magiging nanay na ako. Marami nang mas malaking bagay na dapat intindihin.

Higit isang taon makalipas kaming ikasal ng asawa ko, tsaka kami nabigyan ng pagkakataon na maging mga magulang. Napakasaya ko. Di ko maintindihan. Walang takot sa puso ko. Pero merong impatience.

Sabik na sabik na ako na makilala yung anak namin. Di ko maexpress. Kahit di pa nga malinaw ang porma niya sa mga scans, naguumapaw yung pagadmire ko sa baby na to.

Napaisip ako, siguro lahat tayo eh ganun ang naramdaman ng mga nanay natin nung dinadala nila tayo. Yun bang wala pa tayong naachieve pero tagumpay na tayo para sa kanila. Wala pa tayong napatunayan pero tayo na agad yung pinakamagaling. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may nagtitiwala at naniniwala sayo nang walang pagdududa.

Ang sakit isipin na may panahong nakakaramdam tayo na walang naniniwala satin. Lalo na kung mismong magulang natin eh walang bilib satin.

Pause muna. Ayoko magisip ng mga negatibo. Pero nakakalungkot lang isipin na hindi lahat nakakatanggap ng appreciation.

Sa mga nagbabasa nito, kung meron man sainyo na pakiramdam eh hindi sila mahalaga...itigil mo yan.

Naisip ko na din yan dati about sa sarili ko pero ito lang masasabi ko, isa yang malaking kasinungalingan.

Mahalaga ka. Kung ano mang ginagawa mo, di man naappreciate ng iba, mahalaga yan. Darating din ang panahon na matutupad yung mga pangarap mo. Iba-iba tayong mga tao. Di mo dapat ikumpara sarili mo sa iba. Sabi nga, "Comparison is the thief of joy." Napakatotoo niyan. Kung ikukumpara mo sarili mo sa iba parati, di ka talaga magiging masaya. Walang iisang sukatan ang kaligayahan. Kaya walang saysay na ipaghambing ang dalawang buhay.

Minsan nakakalimutan ko din yung mga payo na to. Pero gusto ko padin ishare sainyo kasi gusto ko yan marinig pag down ako.

Laban lang! Kung napapagod ka na..pahinga muna. Hinga malalim.

Marami padin akong di alam. Magdadalawamput lima na ako sa Agosto. Magiging nanay na din ako sa September if all goes well with the baby. Ginagawa ko lang best ko araw-araw.

Naalala ko yung nanay ko. Kung pano kami pinalaki ng magulang ko. May mga pagkakataon na nasisi ko din sila sa mga nangyaring hindi maganda sa buhay ko. Pero ngayon narealize ko din na ginagawa lang din paal nila kung ano yung sa tingin nila ay da best para samin. Marami silang maling desisyon pero di din naman dapat kalimutan yung mga tama. Sana  mapagpatawad yung magiging anak ko kasi di ko maipapangako ang perpektong buhay.

Hindi pa ako officially isang inay, pero masasabi ko na malaking pagsubok ito sakin. Di madali maging nanay. Sabi nga, anyone can give birth, but not everyone can be a mother.

Ano nga ba ang requirements ng pagiging ina? Kailangan mo ba isuko lahat para sa anak mo? Kailangan mo bang maging selfless parati? Pano kung magkamali ka? Anong gagawin ko kung ako naman ang kailangan ng aruga?

Dami kong naiisip na ganyan. Pero ipinapasaDiyos ko na din yung iba. Di ko naman hawak ang bukas.

Kahit mahirap, masaya ako na nagkaroon ng pribilehiyo na magdala ng sanggol sa sinapupunan. Akala ko di na to mangyayari. Handa naman din ako magampon. Maraming mga bata na kailangan ng mabuting mga magulang.

Sa lahat ng mga magiging nanay diyan, kaya natin to. Hindi na daw gumaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Pero kailanman, di ko nakita na pabigat ang mga bata o problema ang populasyon. Oo, di masaya pag nastuck sa traffic, o di kaya mamroblema sa pagkain, kakulangan ng mga trabaho at marami pang issues na dulot ng overpopulation. Gayunpaman, lahat ng tao eh naging bata din. At bawat bata na pinanganak dito sa mundo ay regalo.

Kaya kahit lumobo pa ang populasyon, di nabawasan ang halaga ng bawat isa satin.

Gusto Ko Lang Gumawa ng LibroWhere stories live. Discover now