Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 4

Start from the beginning
                                    

"ito naman di na mabiro----" hindi ko na siya pinatapos pa - agad akong tumayo sa upuan at kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan diretso sa kwarto nila mama. 

-

buti nalang gising na sila at wala naman akong naabutang hindi ko pwedeng makita - agad akong humiga sa tabi nila tapos sinubsob yung mukha ko sa unan. 

-

"ano na namang problema ng julius namin?" bungad ni mama. 

-

"aysus aysus ano na naman ang nangyari?" wika naman ni papa.

-

dahan dahan kong inangat yung mukha ko sa pagkakasubsob sa unan tapos halos mangiyak ngiyak na nagsalita "s-si kuya po kasi ma paaaaa - ang aga aga e" 

-

matapos kong maglitanya e' agad na sumagot si papa "hayaan mo anak, hindi natin isasama sa swimming yun" 

-

tila ba nag liwanag ang paningin ko at humaba ang tengga kong bigla dahil sa narinig ko e "swimming? ma? pa? kelan?" galak kong saad na siyang nagpabalik sa mood ko. 

-

"ngayon - este mamayang hapon kinakausap ko pa si kumpareng archie kung available yung resort niya - kung available eh' ngayon din babyahe tay---- beeeeeeeeeeep" natigilan si papa kasi biglang nag notif yung phone niya "ayunnnnn sakto, bakante daw - tara na kumilos na kayo" ang wika ni papa na lalong nagpa-excite saakin. 

-

pangako kasi ni papa na mag sswimming kami bago siya umalis - hindi ko naman expected na ito na pala - ito na pala ang araw na iyon' yayyyyyyyyy!
-

-

****

-

-

mabilis akong kumilos at nag balot ng dadalhin - tapos sumakay na ako doon sa kotse ni papa saktong sakto saaming apat - ako, si mama, si papa ang driver syempre tapos saamin na sumakay si danillo at si ashton habang si kuya naman at si henry e' nakasunod sakay ng motor ni kuya. 

-

biglaan ang lakad kaya kami kami nalang muna - yung mga relatives kasi medyo nasa kabilang bayan pa. 

-

pero syempre hindi papahuli yung kuya kong unggas, muli na naman niyang kinumbida yung mga bestfriends niya na sila darren at khalil na nasa kapareho lang naman naming lugar. 

-

kaya ang eksena e' isang kotse dalawang motor na nakasunod - dirediretso lang kami kasi halos 20 minutes lang ata yung byahe papunta sa resort ni ninong archie. 

-

pagdating namin doon ay agad niya kaming sinalubong - nag mano ako kaagad habang si mama at papa naman e' nakipagkamay sa kaibigan. 

-

"kamusta pre long time no see ahhh" 

-

"ayos naman pre, mabuti naman at natuloy na yung plano niyong pamilya"

-

"kaya nga eh naisingit bago bumalik sa qatar pare - mabuti nga't bakante itong resort mo e'

-

"ayun nga pare eh, mabuti din at nag message ka - sa totoo e' may nakabook talaga pero pinacancel ko last minute - namatay utol ni misis e' kailangan naming pumunta ng cavite"

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now