Chapter 33: No Thanks

Start from the beginning
                                    

"I like this dress. So, no thanks," malamig na saad ni Samantha.

"Triple!" ayaw pa rin sumuko na bulalas ng babae.

Medyo iritable na ang tinig nito. Hindi na rin kaaya-aya ang mga tingin na ipinupukol nito kay Samantha.

Pero ano bang pakialam ni Samantha dito? Syempre, hindi niya pinansin ang babaeng nagbabaga na ang tingin na ibinibigay sa kanya.

Ang dami-dami namang boutique, pilit na bibilhin ang sa kanya?

Adik.

"Ibigay mo na sa akin okay? And in the future, my family will help you if you need any help, "

Kahit na gustong-gusto nito ang damit, hindi makita ni Samantha ang sincerity sa tinig ng babae. Ni hindi nga ito nakiusap ng maayos. Pakiramdam tuloy ni Samantha ay parang utang na loob pa niya na nagustuhan nito ang damit na napili niya.

Kaloka.

Hindi niya talaga inaasahan ang asal ng pinsan nila Arya. This woman's attitude caught her off guard.

Sinong mag-aakala na sa likod ng maamo nitong mukha ay may kakapalan pala talagang nakatago?

Tsk.

It open her eyes today.

Huminga ng malalim si Samantha. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Ang buong akala pa naman niya ay sa ibang pagkakataon pa sila maghaharap ng babaeng ito.

Mantakin ba naman niyang ito pa mismo ang lalapit sa kanya. Lihim na napailing si Samantha. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapag-handa man lang para sa paghaharap nila na iyon. Hindi tuloy alam ni Samantha kung sinuswerte ba siya o malas lang talaga.

"I have money. What can your family help me with?" Nakataas ang kilay na tanong ni Samantha.

She admires this woman's arrogant behavior.

"Miss, I'm doing you a favor right now. Marami ka pang dress na makikita pero ung pagkakataon na makilala ang pamilya ko, it's rare,"

Umigkas pataas ang kilay ni Samantha.

Pinasadahan niya ng tingin ang babae na mula ipit sa buhok hanggang stiletto na suot sa paa ay puro branded.

Dahil lumaki si Samantha sa tahanan ng mga dela Vega kung saan nabibigay ang lahat ng mga luho ng dalaga, hindi siya ignorante pagdating sa mga branded na gamit.

"Miss-,"

"Babe, bakit ba ang tagal mo?"

Lumingon ang babae sa lalaking nagsalita dahilan para hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin.

Upon seeing the owner of the voice, the arrogant woman pouted her plump red lips and gave everyone a pitiful face. The way she changes her facial expressions surprises Samantha.

Kung kanina lang ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong maamong tupa habang nakatingin sa bagong dating na lalaki.

"Babe, this woman is bullying me,"

Itinuro nito si Samantha na kampanteng nakatingin sa dalawa.

When the guy looked at Samantha, something flickered in his eyes as he noticed her stunning appearance.

"Oh? What did she do?"

Lihim na napairap sa hangin si Samantha. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang malaswang tingin ng lalaki sa kanya.

"Ayaw niyang ibigay sa akin ang white dress na 'yan. Babe, iyan ang gusto kong isuot sa birthday ng brother ko. Sinabihan ko na siya na babayaran ko ng doble, pero ayaw niya," maktol ng babae.

The DivorceWhere stories live. Discover now