Epilogue

212 4 0
                                    

"Sir? open your eyes if you hear me."

A voice of a woman makes me opened my eyes even if my body was feeling grievous, bumibigat din ang talukap ng mga mata ko dahil sa hindi alam na dahilan.

But seeing my broken phone in my side, I suddenly felt something. Gusto kong magmura at sumigaw na tawagan si Cyrez pero hindi ko magawa, she's fucking calling me then I was about to answer it but this thing happened.

Ramdam ko na nabasag ang helmet ko dahil sa pananakit ng ulo, my motorbike was also broken in the middle of the dark street.

Suddenly, as I felt how my body weaken. . . a flash of memories came back inside my mind. Our first meet, those tears and laugh. . . that love in her smiles.

In another life, I will always find you.

"SAAN ka pupunta, Aragon?!" Isang malakas at matinis na sigaw ni mama kay papa nang maabutan ko sila sa labas ng bahay.

May taxi na nakahintay sa labas at tinutulungan si papa na ilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit niya, si mama rin ay naiiyak na habang ang mga kapitbahay ay nagbubulungan sa paligid.

"Kailangan ako ng asawa ko, can you just understand it? magpapadala naman ako para kay Luke, bibisita rin ako kapag may oras ako." Iyon lang ang tanging salitaang natatandaan ko bago umalis si papa.

He saw me in the back of the car, tumigil ito at buong akala ko ay lalapit siya para sabihin na uuwi din siya pero hindi. . . he never told me.

I bit my lower lip as I saw my mother crying outside our gate, ayaw kong makita 'yun dahil alam kong iiyak din ako kaya mabilis akong tumakbo palayo sa amin.

I was just walking and running everywhere inside here in El hamra, hanggang sa nakita ko si Dravis na naglalaro ng basketball sa labas ng bahay nila. He smiled and waved his hands as he saw me.

Kasama niya ang ilang kakilala naming mga bata sa El hamra, tipid akong ngumiti sa kanya bago lumapit. Ang driver nila ay biglang lumabas at inanyaya kaming pumasok sa kotse dahil dadalhin niya kami ngayon sa malapit na restaurant.

Isa sa rason kung bakit ko kinaibigan si Dravis ay dahil libre ang pagkain sa kanila, mabait ang mommy niya dahil parati kaming pinapakain.

"Anong sa'yo?" Tanong ni Dravis habang nakaupo kami sa loob, ang mga kaibigan namin ay kanina pa nagsaad ng order sa waiter pero ako naman ay tahimik lang dahil walang mapili.

"Bagong kain lang kasi ako, pero kahit ano na lang siguro." Nagkibit-balikat ako, he nodded and told the driver about our orders.

Habang kumakain naman ay hindi ko mapigilang mapaisip, bakit kaya umalis si papa? parang hindi na rin siya babalik? pero piloto naman siya kaya parati siyang umaalis dahil sa trabaho.

Pero narinig ko rin kanina na kailangan siya ng asawa niya sa Maynila, pero asawa niya naman si mama? dalawa ba ang mama ko kaya ganun?

Akmang ipapasok ko sana ang burger sa bunganga ko pero hindi ko kaagad ito nagawa nang makita ang isang batang babae na mukhang kaedad lang namin, nasa labas ito ng malaking glass window.

Nakatayo lang ito at hawak ang tiyan na nakatingin sa lamesa naming puno ng pagkain, ang labi niya rin ay nakanguso. Pero kahit na magulo ang buhok at damit nito, halata namang cute.

Hawak nito ang kanyang tiyan at panay tingin sa paligid, parang nakaramdam din ako bigla ng guilt kasi pinipilit ko lang na kumain tapos may mga batang iba diyan na nagugutom pala.

Akmang tatayo sana ako para ibigay na lang sa kanya ang burger pero hindi ko ito nagawa nang lumapit ang isang babae na galing lang sa loob ng restaurant, nilapitan niya ang bata at kahit hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila ay alam kong masaya ang bata.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now