“It’s okay. Kahit saan basta may kakuwentuhan ako.”

“Sige.”

Nagpakulo siya ng kape para sa kanilang dalawa. Naupo naman ito sa isa sa mga silyang nakapalibot sa mesa. “Ang mga bata?” tanong nito.

“Nasa mga kuwarto na nila. Natutulog na.”

“So I was right. Tahimik na kasi.”

“School day kasi bukas kaya kailangang maaga silang matulog.”

“How’s Vincent?”

“Ah. Okay na siya. Mukhang wala nang naiwang effect sa kanyàyong nangyari sa beach. Para ngang walang nangyari, eh.”

“No. I meant, kanina. Nakipagsuntukan daw siya?”

Gulat na napatingin siya rito. “How did you know?”

“Nasa Coffee Crash kasi kami kanina ni Eugene. Nag-merienda kami. Hinanap ka niya at sinabi ni Helen na napatawag ka nga raw sa school dahil nakipagsuntukan si Vincent.”

Naupo siya sa isa sa mga silya roon. “May pasa siya sa panga at isang mata at putok ang labi niya.”

Umiling-iling ito. “Masakit 'yon.”

“He’s trying very hard to hide it. Pero obvious naman dahil kaunti lang ang nakain niya kaninang hapunan. Malamang, masakit ang labi niya. By the way, I grounded him. Nakapag-usap na kami kanina. Hindi siya repentant. Sinabi niyang natuwa siya at nasuntok niya ang

classmate niya. Ewan ko ba.”

“Ano ba’ng ginawa ng classmate niya?”

“Sinigawan siyang bakla sa harap ng mga kaklase nila.”

“Ah. Siguro it’s good for him nga na nakipagsuntukan siya sa taong iyon. At least now, wala nang magsasabing bakla nga siya.”

Napatingin siya rito. “Is that a guy’s opinion?” sarkastikong tanong niya.

Tumawa ito. “Yes, it’s a guy’s opinion. What I’m saying is, you should be happy your brother knows how not to be bullied. Ano’ng gusto mo, si Vincent ang maging bully?”

Nalilitong minasahe niya ang kanyang sentido. “Nalilito ako,” pagsasatinig niya ng nadarama.

Muling tumawa ito. “But it’s good you grounded him because it’s not always right to fight back the way he did, lalo na sa school. That way, next time ay mag-iisip siya and try tact. Hindi naman puwedeng laging kamao lang ang gamit.”

“Iyon ang sinasabi ko,” agad na sang-ayon niya.

“I thought so,” nakangising sabi nito.

Napatitig siya rito. He looked so handsome when he was grinning like that.

Pumito ang takurî. Dahil doon ay napagtanto niya kung ano ang kanyang ginagawa. Mabilis na iniiwas niya ang paningin sa mukha ni Christian at lumapit siya sa stove. Kapwa sila tahimik habang nagsasalin siya ng kape sa dalawang tasa. Kapagkuwan ay inilapag niya sa mesa ang garapon ng asukal.

“Thanks. It smells good,” sabi nito habang nilalagyan ng asukal ang kape nito.

“Hmm. Bakit maingay sa bahay ni Mr. Arguelles?”

“Maingay ang mga kaibigan ni Vivi. Nagdi-disco sila sa sala.”

“Hindi mo ba kaibigan ang mgàyon?”

Umiling ito.

Bumuntong-hininga siya. Bakit ba siya nag-uungkat ng tungkol sa personal na buhay nito?

What did she want to know about Vivi? Nothing. Para siyang naghahanap ng martilyong ipupukpok sa kanyang sarili kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niyang iyon.

“Have you ever thought of opening another branch of your shop somewhere else?”

“Saan naman?”

“Like in Manila.”

Napangiti siya. “Hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-aasikaso sa isa lang, dadayo pa ako sa Maynila?”

“Tutulungan kita.”

Natigilan siya. So this was why he was actually here, because of business. She should have known he was a businessman. “You’re a businessman.”

“The business are hotels,” sabi nito. “Anyway, pareho kami ni Eugene na impressed sa kape mo at sa pagpapalakad mo sa coffee shop mo. Kung interesado ka, mag-i-invest kami sa negosyo mo.”

Manghang napatitig siya rito.

“Why are you looking at me like that?” tumatawang tanong nito. “Nagsasabi ako ng totoo. You should know your coffee’s very good. Sa tingin ko, binangga mo ako ng kahon noon dahil nilait ko ang kape ninyo gayong hindi ko pa natitikman.”

Tumawa siya. “Ikaw kasi. Hindi mo iniingatan ang lumalabas sa bibig mo.”

“All right. I accept the apology.”

Lalo siyang nakadama ng hiya. Nagbaba siya ng tingin.

“Will you think about it?”

Napilitan siyang mag-angat ng tingin. “Pag-iisipan ko.”

“I’ll give you my number. I hope you’ll call me up.”

“Sige,” nakangiting sagot niya.

Tumingin ito sa kanya. Nagtagal iyon. Pakiramdam niya ay malapit na siyang malunod sa mga mata nito nang biglang magtanong ito. “Can I call you up?”

Dahil nabibingi sa malakas na tibok ng kanyang puso, hindi niya masyadong narinig ang tanong nito. “What?” she asked.

“Will... will it offend you if I call you up sometime?”

Napalunok siya. “Hindi. Depende sa rason ng pagtawag mo,” sabi niya.

“I understand.”

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Sa iilang hindi direktang salita ay nagkaunawaan sila. He was interested in her. Pero hindi siya puwedeng tawagan nito hangga’t hindi pa ito malayang tawagan siya. Iyon ang kahilingan niya.

Muli ay natahimik silang dalawa. Humigop ito sa kape nito at siya sa kanya.

Nang maubos iyon ay tumayo na ito. “Aalis na ako para makapagpahinga ka na.”

“Oo,” mahinang sabi niya. “Sasamahan na kita sa labas.”

Namayani na naman ang katahimikan habang naglalakad sila palabas ng bahay. Only when they were outside the door did he stop walking.

Humarap ito sa kanya. “Sana pag-isipan mòyong business proposal ko,” sabi nito.

“Oo. I promise.”

“And, Chynna, will you... will you wait?”

Tiningala niya ito. “Wait for what?”

“Wait until I’ve solved my problems?”

“Hanggang kailan?”

“As soon as I can.”

“Sure.”

Abot hanggang tainga ang ngiti ito. “Goodnight then.” Ngunit bago tumalikod ay kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay roon ang calling card nito.

Pumasok lang siya sa loob ng bahay nang hindi na niya matanaw ang kotse nito.

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOWhere stories live. Discover now