“At ano na naman ang isinuhol mo sa sekretarya ko para malaman mo ang schedule ko?” tanong niya.

Pilyang nginitian siya nito. “Sa amin na lang mga babaèyon.”

Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa kanyang hita. “Vivi, I’m driving,” pabulong na sabi niya.

Inirapan siya nito. “Spoilsport.”

Nakangising ibinaling niya ang paningin sa labas. Tamang-tama naman na may nadaanan silang isang coffee shop. COFFEE CRASH ang nakasabit na karatula sa itaas ng entrance niyon.

“Vivi, I think we’ve just passed the coffee shop you were talking about.”

Napabaling ito sa kanya. “Saan? Ibalik mo ang sasakyan.”

“Huwag na. Male-late tayo,” wika niya.

“We have plenty of time. Come on,” yaya nito.

Nang hindi siya tuminag ay nakiusap na ito. “Please...” sabi nito.

Napapabuntong-hiningang nag-U-turn siya.

“Baka naman hindi masarap ang kape rito,” sabi niya nang makaibis siya ng kotse.

“I don’t care. I would take anything black and strong. That’s not so hard to fix. I need to be awake when I talk to God,” sabi nito.

“Vivi, your Dad isn’t that ba—”

A hard object bumped him from behind. Nakakunot ang noong binalingan niya ang dahilan niyon.

Ang dahilan ay isang babaeng naka-bull cap. Maganda sana ito kaya lang, matalim ang pagkakatingin sa kanya. Kung bakit ay hindi niya alam. Noon lang niya nakita ito.

“Excuse me. May tao pala,” sabi nito sa malamig na tinig, saka siya nilampasan habang buhat ang isang malaking kahon.

Hindi man lang nag-sorry, sa loob-loob niya habang hinihimas ang parteng nabunggo nito.

Ang sabi lang, excuse me. Though the box was big, he didn’t believe she hadn’t seen him. Pero bakit naman nito sasadyaing bungguin siya niyon?

Sa pagtataka ay nasundan niya ito ng tingin. He noticed that she had nice pair of butt.

Nakasuot ito ng jeans and baby tee. Maganda ang kutis nito, maganda ang hubog ng katawan, at graceful itong kumilos kahit nahihirapan sa bigat ng dala nito. Kung hindi lang ito suplada ay nag-alok na siya ng tulong.

Pinanood niya ito hanggang sa makapasok ito sa swinging doors ng coffee shop. The instant the door closed, he remembered Vivi. Kinakabahang hinanap niya ito at natagpuan itong nakatayo sa tabi ng pinto, masama ang tingin sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay tumikwas ang isang kilay nito.

Patay. Nagmamadaling lumapit siya rito.

“The instant my head turned—”

“She was good to look at,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

“Mabuti na lang, may valid reason ka. Kung wala...”

Iyon ang gusto niya rito, hindi ito unreasonable. Nauunawaan siya nito pagdating sa mga ganoong bagay. Besides, wala siyang intensiyong magloko. She knew that. He would never intentionally hurt her.

“Sorry, hon,” sabi niya at umakbay rito. “Tara na sa loob.”

Hindi ito umimik hanggang sa makapasok sila sa loob ng coffee shop. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang pumasok sa isang pinto sa likod ng counter ang supladang babae.

Iniwasan niyang tumingin sa gawi nito.

Hindi nagalit sa kanya si Vivi. He was not one who would try his luck the second time around.

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang