Chapter 32: Painful Memory

Comenzar desde el principio
                                    

"That person is a monster, ate Sam!" mariin at nangangalit ang panga na bulalas ni Arya.

"Okay, calm down. Tell me slowly,"

"Palagi niyang sinasabi na pamilya daw kami, ate. Ninakaw nila ang lahat nang ari-arian ni mommy. Kapag may puputihin na mga prutas sa farm, halos wala na siyang itira sa amin. Ilang taon na nga kaming hindi nakakabisita sa farm dahil ipinagbabawal nila. Isang maliit na lote na lang ang natira sa amin, at iyon 'yung tinaniman mo ng mga gulay,"

"Okay, then who's that person?" Nagtatakang tanong ni Samantha kahit na parang nahuhulaan na niya kung sino ito.

"Pamangkin siya ni mommy, ate Sam. Siya ang panganay na anak ni tita Cheena, ang bunsong kapatid ni mama. Sila ang nakatira sa bahay na tinitirhan natin ngayon. Noong hinatid kami sa bahay nila ni auntie Helda, umalis sila kaagad at nagpunta sa Villa na pag-aari ni mama sa Siudad. Ate, ilang beses kaming humingi ng tulong sa kanila. Halos lumuhod na kami pero ni minsan, hindi sila nag-abot ng tulong!" Mapait na bulalas ni Arya.

Hindi maitatago sa tinig nito ang labis na sama ng loob.

"Alam mo ba ate, nangangahoy si Kuya Ariston noon para ibenta sa kapit-bahay namin. Nilalagnat si mama at kailangan niya uminom ng gamot. Pero sa halip na bilhan siya ni Pepita, pinagtaasan niya lang kami ng kilay. Nagpunta sa kakahuyan si Kuya Aris para mangahoy. Pero dahil hindi naman siya sanay umakyat ng puno, nahulog siya at halos mabali ang daliri niya sa kamay. Dinala namin siya sa ospital pero hiningian nila kami ng malaking halaga,"

Napakagat-labi si Samantha. Parang alam na niya kung saan patungo ang kwento ni Arya.

"N-nagpunta kami ni kuya Arthur sa Villa nila ate Sam. Lumuhod na kami at sobrang nagmamakaawa pero sinipa lang kami ng babaeng 'yan. Paulit-ulit niya kaming ininsulto at sinabihan na huwag kaming humarang-harang sa dinadaanan nila dahil nakakadiri daw kami. Wala daw silang kamag-anak na pulubi!" after saying those words in a low tone, Arya's tears flow down uncontrollably.

Ang parteng iyon ng buhay nila ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lumaki ang insecurities sa katawan ni Arya.

Napakunot-noo si Samantha.

Bigla niyang naalala ang kanang kamay ni Ariston.

Ang hintuturo sa kanang kamay ni Ariston ay nawawala.

Sa totoo lang ay hindi niya iyon pinansin, at mas lalong hindi niya tinanong dahil iniisip niya na baka birth defects lang iyon.

At bukod pa doon, may mga taong ayaw pag-usapan ang ilang abnormalidad o kakulangan nila sa katawan. Sino ba naman ang mag-i-enjoy na pag-usapan ang depekto nila?

"Ariston's finger?"

Mas lalo mas lumakas ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni Arya. At pilit din nitong pinipigilan na umiyak ng malakas.

"Wala na daw ibang paraan ate, durog na durog daw ang buto niya sa daliri kaya walang ibang choice ang mga doktor kung hindi alisin 'yun," Arya said bitterly.

Ang pangyayaring iyon ang isa sa hindi nila makakalimutan na magkakapatid. Noon lang nila na-realize kung gaano pala talaga kalupit ang buhay.

At noon lang din nila napagtanto na, walang kwenta ang pagkakaroon ng kapamilya o kamag-anak kung hindi ka naman nila itinuturing na kapamilya.

"Nang malaman ni mommy ang ginawa namin, isang buwan siyang nagmukmok at halos araw-araw siyang umiiyak. Pinag-aral niya ang babaeng 'yan ate. Halos lahat ng i-request at hingiin sa kanya ng magaling niyang kapatid na nanay ng babaeng 'yan, ibinibigay ni mommy. Kamuntik na ring bumigay a-ang ka-katawan ni mommy noon, ate," pagkukwento pa ni Arya na nagbigay ng hindi magandang panlasa sa bibig ni Samantha.

Hindi niya akalain na may ganoon pang pinagdaanan ang mga ito.

"Hirap na hirap si kuya na gamitin ang kaliwang kamay niya, pero dahil wala siyang ibang choice, araw-araw siyang nagsanay hanggang sa maging kaliwete na siya ngayon,"

Naningkit ang mga mata ni Samantha. Tinitigan niya ang mukha ng babaeng nakabihis ng mamahalinh damit habang dekwatrong nakaupo sa leather na sofa.

"I hate her!" Galit na bulalas ni Arya.

Kung hindi lang siya nag-aalala na baka mapahiya ang ate Sam niya, baka sinugod na ni Arya ang babaeng 'yun at kinalbo gamit lang ang kanyang mga kamay.

"You have every right to hate her," malumanay na saad ni Samantha saka sinuklay ng kanyang kamay ang buhok ng dalagita. "But for now, calm down, Darling. We'll get back at them after the wedding,"

Napatitig si Arya sa mga mata ni Samantha.

Her chest pounded.

She knew that look in her ate Samantha's eyes.

That is the way she looked at Pepita back then!

Napalunok si Arya.

Sa wakas...

Hindi na niya kikimkimin pa ng matagal ang galit at sama ng loob na nararamdaman niya sa loob ng puso niya. May taong nakahandang mag-alis noon para sa kanya.

Marahang nagpunas ng kanyang mga mata si Arya.

Kahit kailan, hindi siya nakaramdam ng familial affection mula sa mga tiyahin, tiyuhin at mga pinsan mula sa mother side o father side nila.

Kung noon ay ikinasasama iyon ng loob niya, at naiinggit siya sa mga kaklase niyang ka-close ang pinsan ng mga ito, ngayon ay hindi na.

Okay lang.

Mayroon naman siyang astig at magandang sister-in-law na tinatrato sila ng tama at may pagmamahal.

"Now, now...give me a smile," malambing na wika ni Samantha saka kinindatan si Arya.

Even though she's feeling indignant, Arya force out a smile.

"Tsk. Ang plastic ng ngiti. Anyway, it doesn't matter. Later I'll make that smile big and genuine," ani Samantha saka kinuha ang pressed powder niya sa loob ng kanyang bag. "Fix yourself. You cannot show your weakness to your enemy, remember?"

Mabilis na kinuha ni Arya ang pressed powder na inaabot ni Samantha. Huminga siya ng malalim. Unti-unti ay kumakalma ang dalagita.

She trust her sister-in-law so much.

The DivorceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora