Now, we're here... Keira Denise Monteza, promoted three days ago, and this is my first time entering a room as a CEO.






"GO, 45!" Halos lumabas na ang lalamunan ni Ate Venus kakasigaw. Ganoon din si Ma'am Thea. They even made banners for the racers they're head over heels for. "Hala! Ilang laps na lang panalo na manok ko!" Yugyog ni Ma'am Thea sa'kin. Nagpustahan pa silang dalawa kanina habang nasa sasakyan kami kung sino ang mananalo sa mga crush nilang karerista.






"Valencia is on the lead!" Rinig naming lahat sa nag-aanunsyo. Mas lalong nabaliw si Ate Venus sa gilid ko dahil iyon ang manok niya. "Ma'am Thea, nangangamoy libre!" biro ni Ate.





Habang umiinit ang karera ay mas lalong umiingay ang paligid lalo na nang mayroong nakahabol sa bilis no'ng kareristang Valencia ang apelyido. Kahit wala na akong ganoong pakialam sa ganitong sports ay nag-eenjoy pa rin akong manood. Nakiki-cheer din ako kahit 'di ko na kilala ang mga kasali. Most of them are rookies. The legendaries are watching, too. Fina-flash sila paminsan-minsan sa malaking screen.






Even my brother, Kenzo Monteza, has been seen by, I bet, the whole Philippines a while ago. Crush din siya nitong dalawang kasama ko at no'ng nalaman nila 'yon ay halos mamanhid ang mga braso ko sa kakahampas nila dahil sa tuwa.
Well, I'm used to it, anyway. Kay Aggy pa lang noon ay parang nagkaroon ako ng libreng training kung paano indahin ang mga gano'ng reaksyon.






"Oh my gosh, Ma'am Thea! Is that?" Turo ni Ate Venus sa isang kotse na humahabol sa bilis noong Valencia at ng isa pang kasabayan niya. Masaya lamang tumango si Ma'am Thea sa kanya kung saan hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.





[Announcer 1: Whoa! Look who's back on track!]



[Announcer 2: We all know him as a monster rookie and we haven't heard from him since!]



[Announcer 1: Looks like the hot wheels miss the track so much, partner!]




[Announcer 2: Indeed. Same baby, same number, same racing energy. Only, it leveled up more. The track is on fire again! Nalagpasan niya na rin si Valencia!]





"Walang kupas ang bilis mo! Go, baby Lykan!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang kanyang isinigaw. Pamilyar 'yon. Pamilyar na pamilyar 'yon! Kaya ba "same baby" ang sabi kanina? Ibinaling ko ang atensyon sa malaking screen. Saktong nakatutok iyon sa pamilyar din na sasakyan.





"Let's go, 26!" Napalingon ako sa katabi no'ng naunang narinig ko kanina. Same number. Same racing energy. Halos pausukin niya ang daan... A rookie and they haven't heard anything from him since then?




Since when?




Since five years? If so, I haven't heard anything from him, too, since the last time... Bumibigat na ang aking paghinga. Agad akong naghanap ng daan palabas sa maraming tao. Hindi na rin ako nakapagpaalam kina Ate at dumiretso na lang sa pinakamalapit na restroom.






I locked myself in a cubicle. Naupo lang ako sa toilet habang habol ang aking hininga. Gusto ko na biglang umuwi. Ayoko siyang makita. Hindi na ulit. Sinampal-sampal ko ang aking sarili upang kumalma. "Limang taon na. Para ka namang gago, Kei..."






Mas lalo akong hindi mapakali nang mag-vibrate ang phone ko. Hinahanap na ako nila Ma'am. Tapos na raw ang karera pero iyong ingay ay hindi mo alam kung kaylan huhupa. Hindi pa natinag si Ate Ven sa text lang at tinawagan na ako.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon